Thirteen : 02

425 67 103
                                    

060618
Chapter two

***

"TELL me everything about you. You can go on for hours, I don't mind." Mahinang saad ko habang naglalakad kami sa mall. Paikot-ikot lang naman kami since wala kaming maisip na bilhin. Isa pa, nakabili na kami ng ticket pero maghihintay pa kami ng dalawang oras para sa next.

"Well. . .my real name is Bae Joohyun," Sabi nya kaya naman napangiti ako ng kaunti. Joohyun. Beautiful name. Just like her. "Ayoko sa masyadong maingay na lugar." Pag-amin nya sa akin kaya medyo napangiwi ako.

"Too bad, laman ako ng bar." Sabi ko naman kaya napanguso din sya. Kanina pa kami hindi nagkakasundo. Mahilig ako sa kape, sya mukhang hindi sya umiinom ng kape. Mahilig sya mag-laba at mamlantsa, samantalang ako, tamad at hindi gumagawa ng gawaing bahay.

"Paano yan?" Nakangusong saad nya kaya napatawa ako ng mahina. Ang cute nya. Kanina nya pa ako napapatawa kahit na wala namang nakakatawa. Ang cute nya kasi, kahit sa mga simpleng gestures nya, nacucute-an na ako sa kanya. Pag naman nagseryoso ang mukha nya, mukha naman syang Diyosa.

Sa hindi ko malamang dahilan, nagkaroon ako ng lakas ng loob para kunin ang kamay nya at hawakan ito ng mahigpit. Mukhang nagulat din sya dahil napatingin sya sa akin ngunit hindi nalang sya umimik at nginitian ako.

"Of course, kung saan ka, doon ako." I smiled at her. Kaya kong hindi pumunta ng bar at maki-party. Kung gusto nya sa tahimik na lugar, edi okay lang. Maganda nga iyon dahil kaming dalawa lang. Mas makakapag-usap kami ng maayos. Mas makikilala ko sya. Mas makikita ko yung totoo Bae Irene— or let me say, Joohyun.

"Sweet." She mumbled. Napangiti ako ng matamis dahil narinig ko naman. Hinigpitan ko nalang ang hawak ko sa kanya.

"Ano nga pala ang ayaw mong pagkain?" Tanong ko. Baka kasi mamaya, may maipakain ako sa kanya na hindi nya gusto. Or may allergy sya don. Ayaw ko naman na mapahamak sya ng dahil sa akin.

"I can't eat. . .chicken." Napaawang ang bibig ko nang sabihin nya 'yan. Hindi makapaniwalang tinignan ko sya para i-check kung nagbibiro sya, pero gaya ng kanina nung sinabi nyang gusto nyang maglaba at mamlantsa, seryoso pa din ang mukha nya.

"Why?" Tanong ko naman. Bakit ba hindi kami magkasundo? Ako naman, gustong-gusto ko ng chicken. I mean, sino ba naman ang aayaw? Dati, pag hindi kumakain ng manok, naiisip ko na baka abnormal sila. Pero mukhang hindi naman abnormal si Irene, eh.

"Last time na kumain ako ng chicken, sumakit ng sobra 'yung tyan ko. Ayoko ng maulit ang bangungot na yun so ayun, hindi na talaga ako kumain." Sabi nya sa akin kaya napatango naman ako.

"Ako naman. . .gusto ng chicken, sobra. Paborito kong pagkain. At pringles." I beamed a smile, "Masaya ako pag nakakakain ako ng chicken at pringles. Nawawala ang problema ko." Nakangiting saad ko pa kaya naman nakita kong napangiti din sya at pinisil ang kamay ko na hawak hawak nya.

"Ayoko ng arts." Sabi pa nya kaya napangiwi na naman ako. Oh my gosh, kailan ba kami magkakasundo?

"Grabe, hindi tayo magkasundo." I chuckled. "Mahilig ako mag-drawing at mag-pinta." Pag-amin ko at napapatango naman sya.

"Okay lang," She gave me a warm smile, "I would love to see your works." Sweet na sabi nya kaya naman napangiti na din ako.

"Kahit na hindi ka mahilig?" Paninigurado ko. Bakit ba naman kasi ang cute ng pagkakangiti nya sa akin? Parang bata, eh.

"Oo." Nakangiting sabi nya, "Lahat kasi ng ginagawa mo, gusto kong makita." She smiled at me, "Kahit na hindi ako mahilig or what."

"Sweet," Nakangiting sabi ko. Hinatak ko sya sa upuan na nakita ko. "Baka sumasakit na ang paa mo, umupo muna tayo." Sabi ko pa at tumango naman sya. Umupo kami at napangiti na naman ako dahil dikit na dikit kami ngayon. Hindi pa din namin binibitawan ang kamay ng bawat isa kahit feeling ko namamawis na ang kamay ko, kadiri naman. Nakakahiya naman dito kay Irene. Pasmado feels.

"Sabi mo kanina, vlogger ka. Ano ano ang mga pinopost mo sa youtube?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm, mahilig ako mag-post ng mga sayaw ko at mga pinupuntahan ko." Sabi nya sa akin kaya napangiti ako ng malawak. Finally.

"Sumasayaw ka?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Oo. . ." Napangiti ako, "Pero hindi ako magaling." Sabi pa nya kaya naman napatawa ako.

"Okay lang 'yan! Atleast pareho tayo. Sumasayaw din ako. I love dancing." Pag-amin ko kaya napangiti din sya.

"Good to know." She mumbled. "Nagkasundo din tayo."

"Oo nga." Natatawang sabi ko. "Pero alam mo. . ."

Napatingin sya sa akin nang marinig nyang may sinasabi ako, tumingin lang din ako sa kanya at nginitian sya.

"Ano?" Tanong nya nang hindi ko na tinuloy ang sinabi ko kanina.

". . .kahit hindi tayo magkasundo, papasukin ko pa din ang mundo mo. Willing akong gustuhin ang mga bagay na gusto mo."

Heaven. Yan lang ang word na masasabi ko nang makita ko kung gaano ko sya napangiti dahil sa sinabi ko.

***

"ILANG lalaki na ba ang nanakit sa'yo?" Tanong ko sa kanya habang naghihintay kami ngayon sa palabas. Nandito na kami sa loob ng sinehan pero wala pang pinapalabas. Puro rebista palang kaya naman naisip ko na kausapin sya. Nacucurious din ako. Isa pa, naiisip ko din kung paano nila naatim na saktan si Irene eh napakaganda na nga nung tao. Sa loob at sa labas, maganda sya.

Tanga nalang ang mang-iiwan sa kanya.

"Tatlo." Sabi nya sa akin. Hindi ko sya nakikita dahil madilim pero rinig ko na malungkot ang boses nya. Apektado pa din siguro sya. Hayaan mo, Irene. Gagawin ko lahat para makalimutan mo sila.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya, nacucurious ako. Pero syempre, hindi ko naman sya pwedeng pilitin na mag-kwento kung tinatago nalang nya iyon sa sarili nya. "Okay lang naman kung ayaw mo—"

"Yung first boyfriend ko, iniwan ako dahil ayokong ibigay sa kanya ang virginity ko." Kwento nya sa akin kaya naman napakuyom ang kamao ko.

"Jerk." I mumbled. Walang kwenta ang mga ganong lalaki. Edi lumayas sya, mabuti pa nga na iniwan na nya si Irene. Hindi nya deserve si Irene 'no. Bakit hindi sya mag-jowa ng pokpok kung gusto lang pala nya ng may maikakama.

"Yung pangalawa naman, iniwan ako dahil ayaw daw ng Mama nya sa akin. Mama's boy sya, eh. Syempre pipiliin nya 'yung nanay nya kesa sa akin." Sabi pa nya kaya napapatango ako kahit na hindi naman nya ako nakikita.

"Yung pangatlo?" Tanong ko dahil medyo matagal na syang hindi umimik matapos nyang ikwento ang pangalawa nyang boyfriend.

"Sa kanya ako sobrang nasaktan," She whispered. "Akala ko kasi minahal nya din ako, eh. Akala ko okay na lahat ng ginawa ko. Pero hindi pa din pala." Sabi nya kaya naman kinapa ko kung nasaan ang kamay nya, nang masalat ko na, agad ko itong kinuha at hinawakan ng mahigpit. Nandito na ako, Irene.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Chismosa ako, eh. Pero gusto kong malaman kung bakit sya nasaktan nung pang-huli nya. Kung paano sya sinaktan.

"I painted him a sunset. . ."

Ramdam ko na humigpit ang hawak nya sa kamay ko na hawak nya kaya naman ginamit ko ang isa kong kamay para himasin ang kamay nya.

". . .but he was too busy catching stars."

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

13th date ➵ 슬린Where stories live. Discover now