Chapter 2: C.A.S.E.

4.6K 120 0
                                    

Diana's POV:

Nagising ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito. Ni hindi ko nga alam kung anong nangyari—!

"Wahh!" napatili ako nang maalala ang nangyari bago ako himatayin. "Paano ko 'yon nagawa?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga palad ko.

Bumukas ang pinto at halata ang pagmamadali dito. "Anong nangyari Diana?!" si kuya lang pala.

"Wala po." Sagot ko lang.

"Akala ko naman kung anong nangyari sayo! Bumaba ka na at kumain ng meryenda. Masyado mo akong pinag-aalala!" pasigaw niyang sambit.

Napanguso ako pero ngumisi rin kalaunan. "Nag-aalala ka pala sa akin Kuya?" asar ko sakanya.
Inirapan niya lang ako ng mata tsaka lumabas at padabog na sinara yung pinto ko. Denial pa siya.

Tumayo na ako tsaka lumapit sa salamin. Kinuha ko ang suklay ko tsaka nagsuklay.

Ilang oras ba akong tulog?

Habang sinusuklay ang buhok ko ay tinawagan ko si Angeli.

"Kamusta ka?" mahinahon niyang bati. Normally kasi ay pasigaw ang bati nito sa akin.

"Hmm. I'm fine, I guess," sagot ko.

"Magpahinga kang mabuti Diana. Please lang, okay?" sabi niya. Napakunot naman ako ng noo.

Anong meron at hindi niya ako sinigawan ngayon?

"Okay ka lang?" tanong ko.

"Mmmhmmm." sagot niya tsaka binaba ang tawag.
I looked at my phone. She really ended it. Wow.

Bumaba nalang ako tsaka nag meryenda ng toast bread. Walang sawang pangangamusta si Kuya at Mama. Ako naman itong "okay lang po" lagi ang sagot.

Nauwi kami sa pagtatanong ng 'kung anong course' ko. Kapag ganito ang pinag-uusapan laging nagagalit ang kuya ko. Dahil wala pa akong plano, oo wala pa. Kaya naging honest ako at 'yun ang sinagot ko.

"Ano ba namang nangyayari sayo Diana?! You are already a Grade 10 student and you don't know what course to take yet! You always get yourself in trouble! When we were young you were always at my way! When you were an elementary student, your grades were so low! Ano bang gagawin namin sayo?" pananaway sakin ni Kuya. Dahil wala na si papa ay siya na ang nagtayong tatay ko.

But sometimes, his words are painful as hell. Like a dart, shooting my heart one by one.

Ugh...ano nga bang dapat gawin sakin? I am nothing. I'm lost, so lost that I don't know the way back.

"William!" saway sakanya ni Mama.

"Yes, you're right Kuya. Wala pa akong course, lagi akong nasasama sa gulo, nung bata tayo lagi nalang kitang ginugulo, mabababa grades ko noon. But Kuya, do you think I can do anything about it? Imagine this, I am in the middle of the ocean, without any boats or anything to survive. You, are the sharks that surrounds me. If I move closer to you, I will die. You are being a barrier, Kuya. Ganoon ang feeling ngayon." sabi ko. Nakaramdam ako ng luhang tumulo.

Tahimik lang si Kuya, habang nakatungo naman si Mama at humihikbi.

"Hindi ako makagalaw at makabalik sa dati dahil ikaw 'tong kontra ng kontra, lait ng lait, do you think I can go anywhere if I am trapped by your spells?! The spell that keeps me in your guard," dagdag ko tsaka tumayo at tumakbo papuntang hagdanan.

Wala pa akong kalahati ng hagdan ay nagsalita siya, "I am not being a barrier Diana, you're just trapped inside your own shell. Why don't you try to break it? Ganito ako sayo kasi sinusubukan kong ilabas yung 'stronger side' mo. It's the only way, my Princess."

Sunod sunod na tumulo ang luha ko. Matagal na bago ko ulit narinig ang endearment niyang iyon.

Naramdaman ko ulit ang init, na dumadaloy sa aking buong katawan.

Ano ba talaga 'to?

Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko. Sumandal ako sa pinto at pinikit ko ang aking mata.

Relax.

Halos tumalon ako sa gulat sa biglang pag ring ng phone ko. Kinapa ko ito sa bulsa ko tsaka binunot.

"Angeli?" panimula ko. "Bakit?"

"May nabasa ako! Dahil wala namang ganyan sa pamilya mo, maybe you are cursed! And because kaka-birthday mo lang ay doon nagsimula ang lahat." She said.

"...Huh?" naguguluhan kong tanong.

Does she mean na, may powers ako dahil ako ay cursed? But that's not the point, I don't believe in magic. This is some sort of...nonsense.

"You are cursed. And there's no other way to heal it," sabi niya ulit.

"But I don't believe in such! Walang ganon.."

"If it's not magic, then what is it Diana?"

"I don't want to believe it."

———

Nakahiga lang ako sa kama ko. Buong mag hapon kong pinag-isipan ang mga sinabi ni Angeli. Angeli's a smart girl, I know that. But this time, I think she's wrong.

Simula nung tanghaling pauwi na ako, doon nagsimula ang init at hindi na nawala.

My birthday was last week, I turned 16 years old. Anong meron sa edad na yon?

Maya-maya ay may dumapo na papel sa aking dibdib. Kinuha ko ito tsaka umupo. Nilibot ng aking mata kung saan galing ito, sa bintana.

Naka rolyo ito at may ribbon na nakatali.

Kung nakarolyo 'to, hindi mahahangin kasi.

"Ano 'to? Binato?" Tanong ko sa sarili ko.

Tinanggal ko ang ribbon tsaka bumungad sa akin ang magandang sulat.

"Goodevening Diana, you don't know me..that's for sure. Are you feeling well? Any feelings of..heat?

Don't worry my darling, you will be fine. Just come to us. We will show you the world that you deserve, we will teach you how to control that, we will fight for the best."

-C.A.S.E.

Ano daw?

Anong alam niya? Sino siya? Sino si CASE? Or ano si CASE? Paano niya nalaman ang kondisyon ko?

Hindi kaya totoo yung sinabi ni Angeli? That I am cursed? Siya kaya yung nag-curse sakin? Pero bakit?

May biglang nag flashback sakin..When I was thirteen years old...that was three years ago..the time my father died.

"Dad why?" nakahawak ako ng mahigpit sa kamay niya.

Nahihirapan akong makita siyang nakahiga sa hospital bed, and today the doctor announced na he will not make it.

"Remember this Diana, everything happens for a reason. Be brave and fight pain, they are the obstacles to happiness.." sabi ni dad.

Napatango nalang ako, kasabay ng pagpikit ng mga mata niya. Napahagulgol nalang ako sa pag iyak...habang nasa likod ko sila mama at kuya.

Tumatak sa aking isipan ang huling sinabi ni dad.

There is a reason why. Diana, you have to find that reason...

~~~~~~

Author's Note:

Well, there goes Chapter Two!

Thank you for reading this chapter and continue! This is a roller coaster ride, better not stop!

~CLN <3

Charmeya Academy: School of Enchants Where stories live. Discover now