Chapter 10: Blast

2.8K 82 2
                                    

Diana's POV:

"I need to Amanda," Pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa. Gusto ko kasing sagadin na ang charm ko. Mag-papractice ako ngayon sa practice room pero hindi nila ako pinapayagan.

"Delikado, Diana."

"Paano ako gagaling kung wala akong ginagawa?!" Kumunot na ang noo ko. Hindi naman ako mamamatay, ayaw nila akong payagan.

"May mga bagay na kailangang gawin sa tamang panahon at lugar Diana." sambit ni Katelyn.

Napa-upo ako sa kama ko. "Bakit ba hindi pwede?" Pagpupumilit ko. Kapag ayaw pa din nila akong paalisin ay aalis na ako mag-isa.

"Delikado nga kasi Diana. Ano bang hindi mo maintindihan doon?" naiirita ngunit pinipigilan ni Amanda ang kanyang galit.

"Sorry. Pero gusto ko talagang mag-practice. Kung delikado ay sumama kayo sa akin. Pero kung ayaw niyo ay kaya ko ang sarili ko."

Tumayo ako tsaka naglakad palapit ng banyo. Naghilamos lang ako dahil nakaligo na ako kanina bago pa kami kumain ng almusal. Nagbihis lang ako ng sweater at sweatpants, katerno nito ang aking itim na sapatos.

I tied my hair into a bun, a messy bun. Palabas na sana ako pero hinila ulit nila ako.

"We warned you Diana."

"Alam ko. Kung may mangyari ay kayo na ang bahala sa akin. Kasalanan ko." Sambit ko tsaka lumabas ng tuluyan.

Masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko, I know that. Alam ko rin naman na hindi talaga sila mag-aalala kasi galit sila ngayon eh, I just want to improve and be strong. That's what all of us wants to be, right?

————

I took a deep breath...and as I exhaled, I shouted quietly. I did the weird gestures again. Trying to master everything.

I don't know why, but I have the guts, that tells me to be the missing piece of the "Seven". 'Yung air, water, earth and of course, fire elements. Gusto kong mapasama doon. Maybe in that way, makita ko na kung ano talaga ang dapat kong ginagawa..kung ano ba talaga ako.

Tinira ko ang apoy forwards. It created a strong light na nakaya ko naman.

I did it again.

"Ha!"

And again.

"Yah!"

And again.

"Haa!!"

My knees collapsed causing me to kneel on the floor. I looked up and closed my eyes. I did deep breaths, my chest rising up and down.

I lied down. It is really energy reducing. This is one hell of a practice.

Tumingin ako sa gilid at nakakita ako ng pares ng sapatos. Umupo ako tsaka nilingon ang tao. Nakita ko si Principal Relina.

She smiled at me. Naglabas siya ng panyo tsaka binigay sa akin. "You're sweating," nakangiti pa rin niyang sambit.

"Uh, hehe. Thank you po." I thanked her as I grabbed the handkerchief.

Umupo rin siya sa tabi ko. She handed me a cold water bottle. Tinanggap ko naman ito. "Seems like you are practicing hard?"

"Hindi naman po..." nahihiya kong sagot.

"You wanna be the last one." Sambit niya.

Right, mind reading.

"Naisip ko lang po na baka in that way...makilala ko ang totoong ako."

"I know. No need to explain.." she chuckled. "Just believe in yourself. Seeing how hardworking you are, I know you have a chance to take the last spot. Keep working hard, Diana." Tumayo si Princess Relina. "I'll go ahead. Goodluck!" she said bago lumabas ng practice room.

Charmeya Academy: School of Enchants Where stories live. Discover now