Chapter 1

605 18 13
                                    

"Ali, pakidala naman daw nito kay Mr. Torres."

"Neng pakiayos naman nung mga lanera."

"Sis, pakibantay naman nung mga nakasalang may pupuntahan lang ako."

"Ate tawag ka ni Mama sa baba."

"Alandria."

"ALANDRIA!"

"Anuba?! Robot ba ako?! Sunod-sunod na agad ang utos parang ako lang ang tao dito sa bahay ah!" sigaw ko..sa loob ko. Gosh! Di ko na kinakaya.

Bakit ba kasi bakasyon pa namin? Ngayon lang ako naexcite kung magpapasukan na eh. Gusto ko ng makatakas sa mga gawain dito.

Ni hindi man nila nakita na di pa ako okay matapos nung aksidente na nangyari sa akin.

"Bakit kasalanan ba naming lalampa-lampa ka?" nagulat nalang ako ng biglang nagsalita ang gago kong kuya.

"Bakit sinisisi ko ba kayo?" sagot ko sabay irap pa. Bwisit sya.

Kaya yata lalo pa akong pinapahirapan ng mga ito eh. Dahil sinayang ko yung 50 na lanera ng leche flan. Gosh, yung leche flan yung inalala hindi man lang yung safety ko. Pamilya ko ba talaga sila?

"Ali, nakapag-enroll ka na ba?" si Mama yan. Wow, parang iba ang mood nya ngayon, infairness.

"Di pa—" di ko pa tapos eh pinutol na nya agad.

"Bakit di ka pa nag-eenroll bata ka?! Diba matagal ko ng binigay yung pang-enroll mo? Siguro ginamit mo na naman sa pagbili ng kung ano-ano?" sabi ni Mama. Okay, nagooverthink na naman sya.

"Ma, hindi po. Di pa lang po ako makalabas dito, halatang kailangang kailangan nyo po ako eh." medyo sarcastic yung tono ko dyan. Syempre, ayaw ko namang sagutin ang Mama ko. Baka di na ako pag-aralin nyan.

"Don't worry po, niyaya ko na po si Lorraine na sabay po kami mag-enroll mamaya." paliwanag ko pa.

"Ideliver mo muna ito doon kina Manang Flora. May birthday-han sa kanila. Bago ka umalis." see. Kailangang-kailangan talaga ako dito. Gamit na gamit nga. Tsk.

***

Finally, nakamit ko na rin ang freedom ko. Nakalabas din ako dun sa kulungan ko este bahay namin. Ang sarap makalanghap ng sariwang hangin.

"Lorraine!" tawag ko kay Lorraine na busy sa pagce-cellphone sa may corridor.

"Ali!" sabi nya at agad-agad lumapit sa akin at niyakap ako.

"So kamusta ka naman? Okay ka lang ba? Buti buhay ka pa." sabi ni Lorraine sa akin. Nakapila pa kami sa cashier aa pagbabayad ng tuition namin.

"Gaga. Syempre oo naman. Kaya nga ako nandito kasama ka." sabi ko naman sa kanya at tumawa sya.

"Hoy, may balitang baka makakaklase natin ngayon yung ex-bff mo. Ano ngang pangalan nun..?"

"Anon. Anonymous. No name. Wala na yung pangalan." I answered.

"Bitter. Syempre kilala ko yun. Ano bang nangyari sa inyo at nagkaganyan kayo? Siguro may something sa inyo 'no?" lumabas na naman ang pagiging malisyosa ni Lori.

"Duh nah. Ayaw ko lang marinig kung ano mang meron dun." at ayaw ko din syang makita. Matapos nung nangyari yun...argh! Nakakaasar.

Tapos na kaming makapag-enroll at magbabayad nalang ng tuition.Si Lori muna ang pinapila ko sa assesment habang ako ay bibili ng pagkain para sa aming dalawa.

Kakaunti palang ang nangtitinda sa canteen ngayon. Di pa naman kasi pasukan eh kaya kakaunti pa. Wala namang pedeng maikain na nakakabusog anubayan.

Pero dahil gutom na gutom na ako, napabili nalang ako ng biscuit at softdrinks.

Umupo muna at at nilapag ang mga pinamili ko sa bakanteng table. Di ko na kinekeri ang kagutuman eh. Binuksan ko na yung fita at softdrinks para kainin at inumin. Nasa last bite na ako ng fita ng mat umupo sa upuan sa harapan at kinain yung hulinh piraso nung fita ko. Napataas naman ako ng kilay ng nakitas ko ang mukha nya. Like wth, feeling close?

"Excuse me po ano? Di ba po kayo tinuruan ng magulang nyo ng 'manners'. Na huwag kumuha ng hindi inyo?" mataray kong sabi. Tumawa naman sya at napaubo pa. Ang baboy talaga!

"Excuse me din po ano? Di ba din po kayo tinuruan ng 'manners' ng magulang nyo? Na tumanaw ng utang na loob sa gumawa sa inyo ng mabuti?" sagot nya sa akin at ngumisi.

Napairap naman ako sa mga sinabi nya. Tumayo na ako at kinuha na yung mga pinamili ko. Naglakad na ako paalis.

"Diba totoo naman? Hello, may utang na loob ka sa akin sa pagsagip ko sayo, remember? May babayaran ka pa nga dahil nasira yung camera ko sa pagtilapon mo sa akin." aba, sinudan pa ako ng ugok na 'to.

"Bakit, sinabi ko bang i-save mo ako?" sagot ko ulit. Hinarang na nya ang dadaanan ko para maharap ako muli.

"Ano bang problema mo ha, Ali?" tanong nya sa akin. Seryoso na sya. Gusto kong matawa sa reaction nya eh, kaso wag na lang.

"Ikaw." tipid kong sagot at nagwalk-out na.

Naglalakad na ako papunta uling cashier ng napansin kong parang may nakasunod sa akin. Nilingon ko ang gilid ko...sinusundan nya ba ako?

"Are you following me?" tanong ko sa kanya at napatawa naman sya.

"Wow ha, pa-english - english ka pang nalalaman. Mag-eennroll din ako. Wag ka ngang feeling." sagot nya sa akin at nilagpasan na nya ako.

"Argh! Bwisit ka talaga Lucas!"

***

Pumunta na ako dun sa pinag-iwanan ko kay Lori. Malayo pa lang kita ko na yung pagkabusangot ng mukha nya. Gutom na rin siguro ang loka.

"Hay. Dumating ka rin. Akala ko katulad ka rin nila na di na ako binalikan."

"Gaga ka. Syempre babalik ako edi hindi ako na-enroll?" sagot ko.

"Akala ko naman para sa akin. Sige—" natigil ang kadramahan nya nang tawagin na yung number nya.

"Wow galing, eksakto ang pagdating kung kelan sunod ng tatawaging ang number nya." reklamo pa nito at tinawanan ko nalang sya.

"Bilisan mo na nga. Naghihintay na sayo oh." nakatanggap muna ako ng irap bago sya pumunta dun sa cashier.

"Pst." napalingon ako sa likod ko para tingnan kung sino yung nag 'pst' sa akin.

Nakita ko naman sya. Abot tenga ang ngisi at kumakaway pa sa akin. May tama talaga sa ulo ang lalaking yun. Bahala sya.

*


if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon