Chapter 31

78 7 1
                                    

Mabuti nga at 'di nagtagal ang mga kamag-anak namin. Umalis na rin sila nang makakain. May dadaanan pa raw silang resort para makapagpabook for our family reunion at wala akong pake. As if aattend ako. No thanks.

Ayaw ko talaga sa mga ganong klase ng kamag-anak masyadong mga judgemental. Kinuha ko ang phone kong nakapatong sa lamesa. Mag aalas-siete na, tuloy pa ba kami ng ugok na 'yun?

To: Lucas Gatchalian

Oy tuloy pa ba tayo?

Pagkatapos kong matipa ang mensahe ay kumuha na ako ng damit sa cabinet. Di pa kasi ako nakakaligo at nakakapagpalit ng damit. Ang baho ko na.

Nang makakuha ako ng masusuot, nakita kong umilaw ang cellphone ko. Nag reply na.

From: Lucas Gatchalian

Oo? Wala ka pa bang gagawin?

To: Lucas Gatchalian

Wala naman. Ge ligo lang me.

From: Lucas Gatchalian

Kaya naman pala nangangamoy abot dito eh.

To: Lucas Gatchalian

Di wow

Binitawan ko na ang cellphone ko. Makaligo na nga.

Nag puting shorts at oversized shirt ako. Hinayaan ko lang nakalugay ang buhok ko. Hindi naman ito kahabaan kaya di naman nakakasagabal sa mukha ko. Kinuha ko 'yung belt bag ko para paglagyan ng cellphone at pera. Habang nag-aayos ay narinig kong parang umaambon. Shocks wala akong payong.

Bumaba ako para hanapin si Mama. Nasa salas na s'ya at nakaupo. Ngayon na nga lang s'ya nakapahinga.

"Ma, pahiram ng payong n'yo." sabi ko at tumabi sa kan'ya. Taka naman n'ya akong tiningnan.

"Bakit? Pasaan ka at nakabihis ka?" sinimangutan ko naman s'ya. Ito naman ang madalas kong suotin dito sa bahay eh.

"D'yan lang sa labas. Pupuntahan ko si Lucas nasa park daw eh."

"Ah ganon ba? Nasa kwarto namin. Kunin mo nalang sa bag." tumango ako at pumanhik na ulit sa taas.

Pumasok ako sa kwarto nila Mama. Hindi naman ako madalas dito dahil may sarilj naman akong kwarto. 'Di ko rin hilig pumasok ng kwarto ng kung sino. Privacy rin naman kasi.

Malinis naman ang kama nila Mama. Sa gilis nakatambak ang mga gamit ni Papa. Nasaan naman 'yung bag na 'yun?

Dahil nga nakatambak ay inayos ko muna. Grabe sobrang gulo ng gamit ni Papa, alam ko na kung saan aki nag mana.

Hinalungkat ko ang mga gamit at inilipat muna sa kama. Habang inaayos ko ang gamit ni Papa ay may nagpalaglag mula sa kan'yang bag. Isang wallet. Nakabukas ito nang ito'y ay nalaglag. Kinuha ko naman ang wallet at isasara na sana nang may mapansin akong larawan. Isang old picture ni Papa noong bata pa s'ya at ibang babae?

Lumakas ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang picture na iyon. Nakangiti silang pareho at kitang-kita ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Kinuha ko ang picture sa wallet ni Papa at may nalaglag na isa pang larawan. Agad ko itong pinulot at ito'y picture ulit ni Papa kasama ang parehong  babae ang kinaibahan lamang ay kasama ang isang bata. Batang lalaki.

Halos mapunit ang puso ko habang pinagmamasdan ang larawan na iyon. May nakasulat pa sa likod na, "Aldrick @ 1, miss you Dada! Love Mama ♡"

May pumatak nalang na luha sa aking mga mata habang punagmamasdan ang dalawang larawan sa aking kamay. Ni minsan hindi man lang ako nakakita ng picture nila ni Mama katulad nito. Tanging ang wedding picture lang nila ang tanging pucture nila na nakita ko. Ni wala nga kaming picture ng buo kami. Palagi s'ya wala kasi nga ang alam namin na nasa trabaho s'ya. Iyon pala, may iba na s'yang tinatrabaho.

if we were a seasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon