7: Kind

3.8K 118 4
                                    


ISANG BUONG LINGGO nanaman siyang pagod. She had meetings and classes to attend to na halos sabay-sabay ang mga demands. Isa lang naman siya pero grabe ang demand sa kanya. Busy ang CSL sa pagdedesign ng bgaong line and being the one in-charge of it ay siya ang pinakaginugulo ng board para tumaas ang sales. The sales went down a few percent pero hindi naman detrimental, the demand still remains high, yun nga lang ay tinamaan din sila ng pag-slip ng economy.

The board even suggested na ang Kuya Ace niya ang paghawakin muna dahil mukhang hindi niya kaya. Doon naman siya na-offend kasi alam niyang late na niya hinawakan ang kompanya pero binibigay niya pa din naman ang lahat kahit na ang dami niyang pinagsasabay-sabay. She's juggling school, extra credits of business management, and CSL. It's a family thing to handle several businesses as soon as you turn 18 because it teaches you responsibility but she handles it a year late bilang request niya na din sa parents niya para mas mapaghandaan niya pa. Her brother stood up for her during one of the meetings though kaya naman hinayaan na siya ng board. They just really wanted her to just focus on her management classes kaysa sa pagtapos ng degree niya sa Fine Arts.

"Wag mo sila isipin. Finish your degree." Sabi sa kanya ng kanyang kapatid.

"They do think na pointless ang course ko." She sighed. Kakatapos lang ng meeting nila. "No matter what I do, I can't please them at all."

"Malakas ang loob nila kasi wala sina Mama at Papa." Nasa bakasyon kasi ang mga ito kasama ng dalawang nakababata nilang mga kapatid. The board usually gets nasty with them, especially her kapag bakasyon ang mga magulang nila. Mabuti na lang talaga andito ang kambal niya kundi masasabon nanaman siya o makakapanakit siya ng mga mas nakakatanda sa kanila. "Besides, you don't have to please anyone of them or prove them anything."

"Akala mo naman ang laki ng hawak nilang mga shares. We own more than 75% of it." Lumalabas nanaman ang pagkamaldita niya, ganito siya kapag nasasaktan eh, defense mechanism na ata niya. "Nakakainis talaga."

"Exactly, kaya wag ka na makinig sa kanila. Okay?" Inakbayan siya ng kapatid. "Halika na, kumain na tayo. Pinapapunta tayo nina Ninong Phoenix sa restaurant opening nila."

"Thanks Ahia." She smiled.

"Besides, I know your degree will help CSL expand more. Fine Arts is no joke." He smiled bago siya pagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Success nanaman ang kapatid niya sa pagpapagaan ng loob niya. Close siya sa parents niya pero iba talaga ang bond ng kambal. He's a hero to her.

"Kaya ikaw ang favorite kong ahia eh." She laughed.

"Ako lang ang kuya mo Aicelle." He said.

"Edi ikaw nga ang favorite ko." Patuloy ang pagtawa niya.

"Oo nga pala, sino yung lagi mong kasama sa school na lalaki?" Nagulat siya sa sinabi nito. How did he know? May pinapasunod nanaman ba sa kanya ang mga magulang nila?

"Pinapabantayan niyo nanaman ba ako?" She sighed. Ayaw niya lang talaga ng ganun, it feels very suffocating.

"No, not really. A few of our friends asked me kung sino ang kasama mo kaya tinatanong kita ngayon. Are you dating?" Napalingon talaga siya dito. Siya? Makikipagdate? Kay Xander? Uhm. No. Di siya pasok sa standards niya.

"No! Partner ko yun para sa finals ko. Madami kaming pieces na kailangan matapos kaya madalas magkasama kami. Sino nagsabi sayo niyan?"

"Eh partner mo lang naman pala, no need to tell you who told me. Wag ka masyado guilty Elle." Nginitian siya ni Ace. Kakampi niya to pero minsan isa din sa nang-aasar sa kanya. "Malapit na tayo sa restaurant. Wag ka na masyado sumimangot diyan."

The Queen's Bad Boy | ✅Where stories live. Discover now