Twenty Fifth

9.3K 228 36
                                    

—Hayley’s Point of View—

                “Huy, gising na.”

                Nagising ako dahil sa isang magandang boses na nanggagaling sa isang gwapong nilalang. Alam kong yung asawa ko nga ‘yun.

                “Mamaya na, maaga pa.” reklamo ko naman.

                “Bahala ka nga dyan. Alis na ko.”

                Nagising naman ako bigla dun sa sinabi niya. Ay oo nga pala! Nasa bus pala kami! Hindi ko naman namalayan kaagad kasi masyadong napasarap ang tulog ko.

                “Gising na ko!” sabi ko bigla.

                Napatingin ako bigla sa balikan ni Dylan at napansin kong basang-basa ang sleeve ng t-shirt niya dito.

                “’Bat basa ‘to?” tanong ko sa kanya habang tinuturo ‘yung sleeve niya. “Tsaka ‘bat amoy laway? Tumutulo laway mo kapag natutulog ka?!”

                “Ako? Baka ikaw.” Sabi niya, pero hindi ko naman kaagad naintindihan kaya hindi ko na siya kinulit pa.

               

                Tumayo na siya at kinuha niya na rin ang mga gamit niya. Hindi naman pwedeng maiwan nalang ako dun mag-isa kaya tumayo na rin ako.

                “Saan na tayo pupunta? Malapit na ba tayo? O may sasakyan pa? Teka, mag-kumain muna kaya tayo? Ay kakakain lang pala natin kanina. Malayo pa ba yung byahe natin?”

                “Ang dami mong tanong. Sumunod ka nalang kaya?”

                Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami ni Dylan sa venue ng party ni Ken. Ayaw ko pa sana humiwalay kay Dylan nang mga panahong ‘yun kaso nakita kong nilapitan na ni Dylan ang mga barkada niya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang lumayo na rin sa kanya.

                Grabe! Ganun nalang ba talaga ako kadaling iwan? Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin?! Juice colored!

                Ah! Muntik ko nang makalimutan! May atraso pa pala sakin yung bestfriend kong si Scarlett!

                Nasaan na kaya yun?!

                Agad akong nagtanong-tanong sa mga tao dun kung saan kung lugar dito na may pinakamadaming pagkain. Alam  niyo naman, patay-gutom rin minsan si Scarlett.

When She Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon