Chapter 29

21.2K 817 283
                                    

Masakit. Sobrang sakit ng ulo ko nang maalimpungatan ako mula sa malalim na pagkakahimbing. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog, wala rin ako masyadong maalala sa mga nangyari kagabi. After a minute or two nang pagninilaynilay ay idinilat ko na ang mata ko. I blinked a few times to get rid of the blurriness of my vision.

Kinabahan agad ako dahil hindi pamilyar sakin ang kwarto na kinaroroonan ko ngayon and i was about to get up when i noticed myself  naked under the comforter.

Oh gosh, what happened? Nasaan ako?

Pero natigalgal ako nang makita ko si Alice sa tabi ko na wala ring damit.  Sobrang nanlamig ang buong katawan ko, pakiramdam ko sinaksak ako ng isang milyon beses.

Biglang pumasok sa isip ko ang parents ko, si Ate Averi na lagi akong pinaaalalahanan na maging maingat at wag na wag gagawa ng isang bagay na ikasisira ko. Syempre si Cassandra. Anong iisipin nya sakin ngayon?

Hindi ako makapaniwala na sa dinami dami ng tao na pwedeng sumaksak sakin patalikod ay si Alice pa. Naging mabait ako sa kanya, pinakasimahan at pinakatunguhan ko sya nang maayos pati na nang mga kaibigan ko. Pero saan ako nagkamali para gawin nya sakin ang hindi katanggap tanggap na bagay na ito?

Tumayo agad ako. Kailangan ko nang makaalis dito bago pa magising si Alice dahil baka kung ano lang ang magawa ko sa kanya. Bahala na kung ano ang susunod na mangyayari.

Kahit nanlalambot ang tuhod ay dinampot ko na ang mga damit ko at nagmamadaling nagbihis.

"A-Aubree.." Garalgal ang boses ni Alice. "Let me explain.."

Sobrang daming tanong sa isip ko  nang marinig ko ang boses ni Alice.  Gusto kong magalit at magwala pero ano pa ba ang magagawa nito? Maibabalik pa ba yung bagay na nawala? May itatama pa ba yung mali?

"I'm really sorry." Paghingi nang tawad ni Alice sakin.

And this time, i couldn't hold my emotions anymore. Hinarap ko sya na puno nang galit. "Sorry?" I almost choked dahil sa sobrang pigil ko na wag maiyak. "Bakit mo nagawa sakin to Alice..." Tumulo ang luha ko. "You took advantage of me, you raped me."

Tumayo si Alice na balot na balot ang katawan ng comforter. "I was drunk and got high—"

"Sinira mo ko, sinira mo ang pagkatao ko dahil sa bisyo mo tapos sorry lang!?" Galit na galit na sigaw ko sa kanya. "How dare you!"

Biglang lumuhod si Alice sa harapan ko at nagtangkang hawakan ang kamay ko pero hindi ako pumayag. "No please Aubree." Umiiyak narin sya pero kahit magmakaawa pa sya ay lampas langit na ang galit ko sa kanya dahil sa pagsasamantala nya sakin. "Kaya ko naman panagutan ang lahat lahat dahil.." Tumingala si Alice. "Mahal kita, Aubree mahal kita."

Natigilan ako saglit habang pinagmasdan ko sya. "Anong pinagsasabi mo?"

"Oo tama ang narinig mo." Buong tapat na pag-amin ni Alice. "I fall in love with you noong una palang kita nakita Aubree, kaya gumawa ako nang paraan mapuntahan ka sa school because i wanted to see you, near you." Pinahid ni Alice ang luha nya at hinawakan ang kamay ko. "Oo, nakagawa ako nang isang malaking pagkakamali pero papanagutan kita, haharapin ko ang parents mo—" 

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman para kay Alice. Nandon na ang galit pero the way she talks right now makes me realize that this woman is crazy.

Hinawakan ko ang kamay ni Alice at dahan dahan itong inalis sakin na lalong nagpaluha sa singer. "Yan ba yung sinasabi mong pagmamahal Alice?" Hindi sya nakakibo. "Your love is selfish, your love is vicious and dangerous."

"Aubree... " Pagsusumamo ni Alice.

Gusto ko syang sampalin ng ilang beses pero hindi ko magawa. Maaaring nagawan nya ako nang hindi maganda, na labag sa kalooban ko. Pero yung pagmamahal na hinahangad nya from me ay kahit kailan ay hindi nya makukuha.

My Ex and Whys (Lesbian) Where stories live. Discover now