Chapter 33

20.6K 871 321
                                    


My encounter with Ava and Maya today left a lot of questions in my head. Hindi ko maintindihan yung mga sinasabi nila sakin and i don't really get why they are blaming me sa lahat ng nangyari. Sa pagkakatanda ko wala akong ginawa na makakasakit kay Aubree o kahit kanino pa man. I only did was leave to heal my broken heart and i honestly think na it was fair decision for me.

Pero ang mas gumulo sa isipan ko ngayon ay yung sinabi ni Maya na I'm too late. Saan ako huli na? Hindi ko tuloy maiwasang macurious kung ano na bang nangyari kay Aubree.

"Cassy!" Napaangat ang paningin ko para sana tignan si Blue but it was the biggest mistaken na ginawa ko. Hindi na ako nakailag ng tumama sa noo ko ang shuttlecock. "Ay, sorry. Are you okay?"

Masakit man ang noo ko ay pinilit ko paring ngumiti. "I'm okay, malayo sa bituka to."

Huminga ng malalim si Blue habang pinagmamasdan yung noo ko. "Jeez. Napalakas ata ang palo ko."

I just shrugged my shoulder. "Its my fault so no worry."

Naglakad kami ni Blue pabalik sa bench para magpahinga after few rounds. Since wala naman kaming gagawin tonight ay nagka-ayaan kaming dalawa na maglaro nalang ng badminton. Besides, i feel so energetic kaya i took this as an opportunity to release some stress and tension in me.

"Wala ka paring kupas sa paglalaro." Naiiling na salita ni Blue sabay abot ng mineral water sakin. "Ang galing mo parin at hindi parin ako manalo sayo."

Napangiti ako. "Namiss ko nga maglaro." Ilang taon din ako na hindi nakapagbadminton dahil sa sobrang busy sa pag-aaral then pagtatrabaho. "Nakakagaang ng pakiramdam after Maya—"

Blue turned to look at me. "Who? Maya?"

"Ah no." I denied. "I mean, after a long day."

Pero alam ko na hindi naniniwala sakin si Blue dahil malinaw na malinaw ang pagkakasabi ko. I just don't want to talk about it dahil hindi naman worth it. Natahimik kaming dalawa ni Blue which makes me happy, she really knew when to speak and be quiet.

After few minutes ay nagsalita ulit si Blue. "Oo nga pla Cassy." Hindi ako tumitingin sa kanya dahil nakafocus ako sa panunuod ng labanan sa badminton sa tabi namin. "May college reunion tayo sa Sunday."

Pagkarinig ko sa sinabi ni Blue ay agad na pumasok sa isip ko si Aubree. Siguradong pupunta sya at magkakaharap kami. Kinakapa ko rin ang sarili ko if ready na ba ako or not na makita sya after four years pero hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko.

"Hindi ko alam kung makakapunta ako." I told Blue a little unsure. "I have work—"

"No you don't." Pagpupumilit ni Blue. Napitingin ako sa kanya with a frustrated look. "Who works during Sunday?"

"Me." I said with an eye rolled. "Kaya hindi ako makakapunta."

"Why you are so stubborn Cassandra" Iritable na sita ni Blue sakin na medyo kinabigla ko dahil kahit kailan ay hindi sya nagtaas ng boses sakin until today. "Bakit ka ba laging umiiwas?"

I felt my face grow hot dahil alam na alam ko kung ano yung tinutukoy nya. "Wala akong dapat iwasan Blue." I still tried to depend myself kahit na alam ko na tama sya. "Wala akong tinatakbuhan.."

"Then talk to Aubree." Mahina pero sincere na bulong ni Blue. "Hindi pa huli ang lahat Cassy, pwede mo pa—"

Bigla akong natawa dahil sa sobrang pagkalito sa mga nangyayari. Una sabi ni Maya, I'm too late. Tapos ngayon si Blue hindi pa huli ang lahat. Hindi ko malaman kung saan ako lulugar at kung ano ba ang paniniwalaan ko.

And instead of saying things i could never undo ay tumayo nalang ako.
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pinipilit ako ng mundo na balikan ang nakaraan." Huminga ako ng malalim para kahit paano ay makalma naman ang sarili ko. "Umuwi na tayo, nawalan na ako ng gana."

My Ex and Whys (Lesbian) Where stories live. Discover now