Prologue

37 2 0
                                    

LOVE IN THE MOUNTAINS

Ako si Jeanine San Pedro at nakatira ako sa Batangas. Tulad ng iba nangangarap rin ako, ngunit mahirap abutin ito lalo na kung maraming balakid sa daan patungo doon. Isa lang naman ang pangarap ko, ang maging unang babae na Pilipino na makaakyat sa tuktok ng Mt. Everest. Marahil marami pa akong dapat pagdaanan na pagsubok, maraming kanin na dapat kainin para magpalakas ng katawan, at syempre maraming pera na kailangang ipunin. Hindi biro maging isang mountaineer pero sa kabila ng pangarap na ito at sa kabila ng pagtupad sa pangarap na ito, dito ko natutunan na lahat ng tao pwedeng masaya, lahat ng tao pwedeng mabuhay sa kung paano nila gusto at yun ay kung pipiliin mo ito. Tulad ng pagakyat ng bundok, mahirap man maabot ang tutok nito matututunan mo naman na bumangon pag nadapa, uminom pag nauuhaw, kumapit pag nadudulas at humingi ng tulong pag nasaktan sa bawat yapak ng paa mo hanggat maabot mo ang tuktok na pinaghirapan mo. Pero syempre hindi lahat ng tao at hindi sa lahat ng pagkakataon ay may lakas tayo na tumayo sa pagkakadapa.

Hanggang saan mo kayang lumaban? Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pangarap mo kung wala namang sumusuporta sa'yo?

Muli akong nabuhayan at nag lakas loob na lumaban para sa pag-ibig at pangarap.

Ika nga 'Love can be destructive, but it can also be constructive' it's so powerful na kayang makasira ng tao pero kaya rin bumuo muli ng isang wasak na puso. Kaya rin netong hilahin ka pataas sa iyong mga pangarap.

LOVE IN THE MOUNTAINS

Copyright 2018 by Bluesparrow

Love Is In The MountainsWhere stories live. Discover now