4

9 2 0
                                    

LOVE IN THE MOUNTAINS

Noong mga panahon na akala ko nakita ko na ang taong pipiliin ko na makakasama ko habang buhay ay siya palang magbibigay lamang ng leksyon at magpapaalala sa akin na buhay pa ako.

Hindi na kami nagkita matapos ang pangyayaring yon. Gusto ko man na panatilihin ang pagkakaibigan namin ay hindi ko magawa. Gustohin ko man na umakyat muli ng bundok kasama siya ay hindi ko magawa.

Sa susunod na pagakyat ko ng bundok na dapat ay magkasama kami ni Ryan ay sinubukan kong na ako lamang mag isa. Hindi ko alam kung kakayanin ko pero dahil sa galit na nararamdaman ko ay nakaya ko naman.

Nang nasa kalagitnaan na ako ng bundok ay napasigaw na lamang ako ng 'Ayaw ko na! Suko na ako! Hindi ko na kaya to' Maluha luha kong sinabi iyon. Para bang pinaglalaruan ako ng tadhana at sinusukan ako kung hanggang saan ang kakayahan ko sa buhay.

Sa isang saglit ay naalala ko yung mga panahon na sobrang ikinagalit ko sa Panginoon. Iyon ay noong mawala ang mga magulang ko kama kailan lang.

Sobrang biglaan ang pangyayari at sobrang sakit dahil sabay pa silang nawala.

Gabi noong maaksidente sila sa isang highway. Naalala ko pa noong araw bago sila umalis, masaya sila na magkasama na nagpapatunay na may FOREVER. Punong puno sila ng pagmamahal at minsan ko lamang silang nakita na nagaway. Umalis sila ng gabi para daw maranasan nilang mag road trip ngayong kahit matanda na sila. Excited na excited sila sa date na iyon subalit lahat ng yon ay napalitan ng luha kinabukasan. Nakareceive na lamang ako ng isang tawag na nagsasabi na nabangga daw ang mga magulang ko sa Diversion sa Batangas. Mabibilis doon ang mga sasakyan lalo na pag gabi. Matapos ang gabing yon ay punong puno ako ng pagsisisi na hindi ko sila sinamahan at pinayagan kong umalis sila.

Dali dali akong pumunta ng ospital para kina Mama, ngunit pagdating ko doon ay DOA daw si Papa at si Mama naman ay dinala sa ICU dahil kritikal daw ang lagay nya.

Tuwing naaalala ko iyon ay naluluha pa rin ako dahil hinding hindi ako masasanay na wala na sila sa buhay ko.

Sa kabutihang palad ay nabuhay naman si Mama ngunit sa paglipas ng panahon ay nawala na siya sa tamang pag iisip kaya't pakiramdam ko ay sabay silang nawala.

Pero kahit na nangyari iyon, alam ko na hindi pa rin nakakalimutan ni Mama si Papa dahil sa twing babanggitin ko sa kanya na lumipat kami ng tirahan. Paulit ulit nyang sasabihin sa akin na...

'Ayokong umalis dito. Sa bawat pader dito sa bahay ay naaalala ko ang Papa mo dahil sya ang kumumpuni nito. Hanggang ngayon ay nakikita ko ang kanyang mga palad sa bawat ding ding at sulok ng bahay na ito kaya't hindi tayo maaaring umalis dito. Ito na lamang ang alaala nya sa atin. At habang andito tayo ay parang kasama ko pa rin siya. Wag tayong aalis dito ha? Wag. Wag. Wag. Babalik pa ang Papa mo at hihintayin ko siya dito.'

Dahil doon ay hindi ko maiwan iwan si Mama at ang bahay na itinayo ni Papa noong kabataan pa niya.

Maaaring hindi galit dapat ang puhunan ko sa pag akyat ngunit pano ito mawawala kung hindi ko ilalabas. Gamit lamang ang tungkod ko ay nakaakyat ako sa tuktok ng bundok. Hindi man kasing bilis kapag kasama ko si Ryan pero natutuhan ko naman na gawin lahat ang makakaya ko ng hindi umaasa sa iba.

Dahil dito, mas nakilala ko ang sarili ko, mas naging matatag, at mas naging palaban sa mga pagsubok sa buhay.

Kahit na parehas kami ng puso ni Ryan ay hindi ko makakalimutan kung paano nya ako pinasaya at binigyan ng maraming pagkakataon na kilalanin ang sarili ko.

Dahil pinili kong maging masaya ng isang beses ay habang buhay ko ng panghahawakan iyon dahil minsan ay naging masaya rin ako. Minsan ay umibig ako ng tunay. Minsan ay nabuo ako.

Ngayon ay mas kaya ko ng lagpasan ang mga pagsubok ko sa buhay.

Hindi lamang iyon.

Dito sa tuktok ay nakita ko na may pagkakataon muli akong umibig ng makilala ko naman si Edward Lastimosa.

LOVE IN THE MOUNTAINS

All Rights Reserved 2018
by Bluesparrow

Love Is In The MountainsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin