Chapter 41:

10 12 0
                                    

Chapter 41:

Celestine's P.O.V

Kinabukasan...

"Bakit naka-impake 'tong mga gamit natin?" Nagtatakang tanong ko kay Nathan.

Pano ba naman kasi, pagkagising ko ang linis ng kwarto. Tapos pag punta ko dito sa living room ang daming bag. At naka-impake na lahat ng damit at gamit namin. Pati yung kila Ally, Renz, at Kurt.

"Akala ko ba gusto mong doon na ulit tayo tumira sa bahay natin ng barkada?" Tanong naman ni Nathan.

"Wait, OMG!? Seryoso 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Ayaw mo?" Poker face niyang sabi. Napaka'suplado talaga nito.

But anyway, for real!? Makakasama ko na ulit yung barkada sa iisang bahay!? Yehey!

"Pero bakit pati gamit nila Ally? Alam na ba nila 'to?" Naguguluhan kong tanong kay Nathan.

"Oo. Nakausap ko na sila kanina." Sagot na lang ni Nathan.

"Gosh! Thank you!" Masaya kong sabi tapos niyakap ko siya.

"Oh bilisan mo na dyan para makadaan na muna tayo doon bago pumasok." Sabi niya.

"Paano pala itong condo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Ganto lang. Ipapalinis ko na lang every week." Sabi ni Nathan.

"Wala namang gagamit." Sabi ko.

"Edi parang rest house na lang natin." Sabi naman niya.

So ayun, nagmadali na akong kumilos.

Nang matapos na kong maligo at kumain, nagpunta na nga kami ni Nathan sa bahay ng barkada.

Drake's P.O.V

Kasalukuyan kaming nag-aalmusal ng barkada ng biglang may bumusina sa tapat ng bahay namin.

Ang aga-aga naman ng bisita na 'to.

"Tingnan ko lang kung sino." Sabi ko tapos tumayo na ako at lumabas.

Nakita ko naman na may itim na kotse sa labas at bumubusina.

Teka, kotse to ni Nathan ah.

Hindi nga ko nagkamali dahil bumaba mula sa passenger seat si Celest.

"Good morning!" Nakangiting bati niya sa akin.

"Good morning din. Anong ginagawa niyo dito ng ganito kaaga?" Nagtatakang tanong ko.

"Babalik na kami dito. Ayaw mo ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi. Syempre gusto ko. Nagulat lang ako." Sagot ko.

*Beep Beep Beep*

Sunod-sunod na busina ni Nathan kaya naman binuksan ko na yung main gate para makapasok yung kotse ni Nathan. At tinulungan ko na sila ni Celest na ipasok yung mga bagahe nila sa loob.

"Whoo. How I miss this place." Nakangiting sabi ni Celest habang pinagmamasdan yung bahay.

Kung gaano kasaya si Celest, ganun naman kaseryoso si Nathan at naka-poker face lang. Wala pa din talagang pinagbago 'tong lalaki na 'to. Tss.

Nagulat naman yung barkada except kila Ally, nang makita sila Celest at Nathan na dala yung mga gamit nila.

"Uy sakto. Sabi na nga ba kayo yun eh." Sabi nila Ally, Renz, at Kurt.

"OMG! Babalik na ulit kayo dito!?" Tanong ni Trina na tuwang-tuwa.

"Uhm, yeah." Sagot na lang ni Celest.

A Twist In My Story (Completed) Where stories live. Discover now