Chapter 1

66 3 0
                                    


Isang maulang hapon ang sumalubong sa'kin sa Baclaran. Pagbaba ko ng bus ay agad na lumubog ang paa ko sa hindi masyadong malalim na tubig ulan na nasa daan. Malakas ang ulan, walang tigil at halos buong maghapon ito. May kasama pa itong malakas na hangin pero buti na lamang ay walang kidlat at kulog, nakakatakot na umalis ng bahay kapag ganoon. Hindi ko mawari kung meron lamang bagyo o talagang nagsisimula na agad ang tag-ulan at tapos na ang summer. 


Init na init ako sa bahay, mababa kasi ang bubong nito. Pero kung titignan ay maayos naman. Dumeretso ako sa simbahan upang magdasal. Umupo ako sa dulo ng mahabang upuan at saglit na nakinig sa misa. Sinimulan ko ang magdasal tungkol sa mga bagay na gusto kong makamit at sa mga taong ipinagdadasal ko upang laging maingatan at hindi malapit sa kung ano mang masamang pangyayari. 


Nang imulat ko ang mga mata ko ay napagdesisyunan ko ng umalis at hindi na tapusin ang misa. Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko ng tatlong beses. Kumunot ang aking noo, nandito na ba si Karl?


Kinuha ko ang phone ko sa bag at umupo muna sa isang gilid. Binuksan ko ang phone ko at nagsimula nang basahin ang mga text messages ni Karl. 


Karl: Janine, ano nasaan ka na? Nasa labas na ako ng simbahan. Pupuntahan ba kita o ikaw na lang ang lalabas?


Karl: Janine? Busy ka ba? Bakit ayaw mo mag-reply?


Karl: Wala ka pa ba dito sa Baclaran? Hindi mo ako nai-text kanina kung nasaan ka. 


Napa-buntong hininga ako at tinago na ulit ang phone ko. Nagsimula akong maglakad palabas ng simbahan, inilagay ko ang hood ng aking jacket sa ulo ko. Mahirap kasi akong maambunan o maulanan, madali akong sipunin at magkasakit. Binilisan ko pa ang paglalakad ko at pagdating ko sa labas ng simbahan ay natanaw ko si Karl na nakatayo sa isang gilid. 


Suot ang kanyang khaki shorts at ang kanyang blue green printed polo shirt habang ang isang kamay niya ay hawak-hawak ang payong. Napangisi ako at agad siyang tinawag. Nung una ay hinanap pa ni Karl kung saan nanggagaling ang boses ko pero kalaunan ay agad niya din akong nakita. 


"Uy, bakit ang tagal mo?" Agad niyang tanong sa'kin. Napanguso ako at agad siyang pinitik sa noo. "Aray naman! Anong ginagawa ko sayo?" Kunot noo niyang tanong habang masama ang tingin sa akin. Hinawakan ako ni Karl sa braso at hinila papalapit sa kanya upang hindi ako maulanan, nag-share na lang kaming dalawa sa kanyang payong. 


Si Karl ay kaibigan ko simula high school. Hanggang sa makatapos kaming dalawa ng college ay magkasama pa rin kaming dalawa. Isa akong nurse at maswerte naman ako dahil nakahanap na ako ng magandang pagtatrabahuhan at stable naman ito. Si Karl naman ay ganoon din ang kinuhang kurso ngunit hanggang ngayon ay hindi siya sine-swerte sa paghahanap ng magandang trabaho o papasukan. Kilala ko si Karl bilang isang masipag at matiyagang lalake, kaya hindi na ako magtataka kung isang araw ay may maganda na siyang trabaho at kumikita na ng pera mula sa lahat ng pinaghihirapan niya. No wonder, kaya hindi na rin siya iniwan ni Patrice. 


"Hindi ba sumama sa'yo si Patrice?" Tanong ko habang nakatayo kami sa gilid ng daan at naghihintay na mawalan ng lamang sasakyan ang kalsada upang agad kaming makatawid. Tahimik na umiling si Karl saka sumagot, "Busy siya sa pagmamasteral e. Ayoko na rin istorbohin yun, palaging nag-aaral."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Love to Lose Where stories live. Discover now