Chapter 18

197 22 5
                                    

Happy and Her Baby Heart


"Wag mong ipatong ulo mo sa manibela nahihirapan ako lumiko. "

"Inaantok na ako, Happy. "

Nakaangkas ako sa bisekleta ni Keanu. Mas naging komportable akong umangkas ngayon dahil medyo malambot na ang inuupuan ko dahil sa ginawan ako ni Keanu ng maliit na upuan sa gitna. Nakasabit rin sa braso niya ang red shoulder bag ko. Baka raw kasi sa likot ko malaglag ko pa mga gamit ko. Sabay kaming umuwi sakay ng bike niya. Kasama ang ihip ng hangin, saksi ang traffic lights at mga poste at ang lahat ng jeep na nadaanan sa naging byahe namin.

"Hindi naman ako malikot ah!" sabi ko sa kanya pagkababa ko ng bike niya. Kasalukuyan na kaming nasa tapat ng gate ng bahay namin.

"Malikot ka. " he insisted.

"Hindi nga—"

"Pasok na. Inaantok ka na 'di ba?" Seryosong sabi niya sa akin.

"Oo—"

"Kaya nga pumasok ka na. " hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinulak papalapit sa gate namin. Pinindot niya ang doorbell at ibinalik ang kamay niya sa balikat ko na parang anytime haharap na naman ako ulet sa kanya.

"Uuwi ka na rin ba?" tanong ko sa kanya habang nakatalikod.

"Yeah. " simpleng sagot niya.

"You should be. Hinahanap ka na ni Amarah. Nalungkot siya ng umalis ka. " I bit my lower lip. Parang naging mannerism ko na ata 'to pag kinakabahan.

"Really?" He asked.

"Yup. " simpleng sabi ko. Paano pag nararamdaman niya ang kaba ko kasi nakahawak siya sa akin? Paano pag nababasa niya iniisip ko tapos— ano ba Czarina!

"Pati ikaw?" Nagulat ako sa naging hirit niya kaya't otomatiko akong napaharap sa kanya. Nakalas ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Nakakunot ang noo ko siyang tiningnan. At ang loko nagpipigil ata ng ngiti.

"Anong pati ako?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hinawakan niya ako ulet sa magkabilang balikat ko.

"Nalungkot ka rin?" seryosong tanong niya sa akin habang nakatitig kami sa mata ng isa't-isa. Hindi ko maintindihan ang malakas na kabog ng dibdib ko. Kailangan ko ata hawakan kasi parang lalabas na ang puso ko sa dibdib ko at hindi ko mawari kung bakit.

"Nalungkot ka rin ba?" pag-uulet niya. Kinagat ko ulet ang lowerlip ko kasi nahihirapan ata akong huminga na parang may kung anong nakaharang sa lalamunan ko.

"Czarina?" tawag niya sa akin.

I look at this boy's sad eyes and I know I want him to be happy. I want him to be happy with me. If he's sad, I might sound selfish but I'd rather see him sad with me than seeing him sad with someone else. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa mga mata niyang naghihintay ng sagot.
Dahan-dahan akong tumango.

"Cha?"

Nabalik ako sa reyalidad ng narinig ko ang pagbukas ng gate namin at ang boses ng Mommy ko. Bumitaw si Keanu sa balikat ko at nakita ko ang awkward na pag ngiti niya sa Mommy ko. Nilingon ko ang direksyon ng gate namin kung nasaan si Mommy at nakita ko ang nakakalokong pag ngiti niya sa akin.

"Mommy!" at mabilis akong naglakad papunta sa kanya para humalik sa pisngi niya. Nakita ko ang pasimpleng pagtaas niya ng kilay niya sa akin bago itinuon ang pansin kay Keanu. Tumayo  ako sa tabi ng Mommy ko.

"Magandang gabi po. " bati ni Keanu sa Mommy. Nahihiya pa siyang nagkamot ng gilid ng kilay niya.

"Magandang gabi rin, Hijo. Pasensya na at naistorbo ko kayo. " sabi ni Mommy gamit ang nang-iintrigang tono ng boses niya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now