Chapter 22

150 14 0
                                    

Their Eyes and Her Eyes

"I think this color will make me look prettier,"

"Tita Cha, can I use this when I like to draw?"

Mahinhin na idinampi ni Chloe sa pisngi ko ang blush-on, hawak ng maliliit niyang kamay ang brush para sa blush-on. Sa isang dampi, pulang-pula na agad ang pisngi ko. Narinig ko ang mahinhin at mumunting hagikgikan nilang apat, ang BB48 ko.

Nakaupo ako sa sahig ng kwarto ko at inaayusan nila akong apat. Hindi ko rin alam ang pumasok sa isip ko at bakit ito ang naisip namin gawin, ang lagyan nila ako ng kolorete sa mukha. Nakasandal ang likod ko sa dulo ng kama ko at nakaupo naman si Elena sa kama at sinusuklay ang buhok ko habang si Chloe, Amarah at Pau ang nakaupo sa sahig sa harap ko para lagyan ako ng make-up.

Nakasalubong ko kasi sila kanina pagkatapos magsimba kaya naisip ko na kung pwede ba sila papuntahin sa bahay para malibang naman ako, pumayag naman mga magulang nila.

"Palagi si Mama nakasuot ng kulay red, gusto mo rin ba ng red Tita Cha?" malambing na tanong ni Pau, hawak niya ang isang red lipstick na napili niya sa make-up kit ko.

"I think pink is better because Tita Cha is a girl and she's pretty," suhestyon ni Amarah. Ang totoo niyan inaantok na talaga ako sa ginagawa nila sa akin.

"So hindi ba girl ang Mama ko Amarah kasi gumagamit siya ng red?" Ani Pau na nakakunot ang noo.

"I dont know, Mommy wears red always but I never heard Dad tell her she looks pretty, " inosenteng pag amin niya habang hinahalungkat ang make-up kit ko.

"Kaya feeling mo gaganda si Tita Cha sa pink?" pagsali ni Chloe sa usapan ng dalawa. Natigil si Amarah sa paghalungkat sa kit ko at saglit na napaisip. Nakanguso ito habang ang nakapatong ang ulo niya sa palad niya.

"Yes, " sagot ni Amarah makalipas ang ilang segundo.

"Edi feeler ka," natatawang asar ni Elena na ikinatawa naman nilang apat. Their giggles and laughter filled my room. Hindi ko rin napigilan ang pagtawa kasabay nila kahit nakapikit ang mga mata ko.

"Do you want pink or red Tita Cha?" Amarah asked me again. Idinilat ko ang isa kong mata at tiningnan siya.

"Which one do you like?" Tanong ko sa kanya, habang ang ulo ko daig pa 'yong display na aso sa taxi sa kakatango dahil sa marahas na pagsuklay ni Elena dito.

"Kuya Keanu told me that it's always better to ask someone about what they really like instead of deciding for them, I dont wanna hurt you Tita Cha," nakangusong sabi niya.

"How could you hurt me, Amarah? You're just picking a color for me," malambing na tugon ko at hinaplos ang pisngi niya.

"What if you wont like what I chose for you?" She told me innocently. "Kuya said it's bad to decide for someone else's happiness. " hindi ko alam kung magugulat ba ako what Amarah is sharing to me, kung ano ang mga bagay na tinuturo o sinasabi sa kanya ng Kuya niya.

"Your Kuya always tell you that?" Nagtatakang tanong ko.

"Yes! I love my Kuya, Tita Cha. He allows me to eat Coco Crunch without using milk. I like Coco Crunch and Milo together. He also allows me to do things I want like eating Nutella when Mommy and Daddy is not around, " sabi ni Amarah ng nakangiti. Her eyes looks so happy.

"Okay so Amarah, I want the shade of red for my lipstick, " I said smiling at her, sumilay sa mukha niya ang malapad niyang ngiti.

"I want to have a Kuya like Kuya Keanu, " nakangusong sabi ni Chloe.

How To Be Happy?Where stories live. Discover now