Chapter 40: The Powerful One

7.4K 247 1
                                    



Alice's POV

Nag labas ng nakakasilaw na liwanag ang hawak hawak kong lance na sumasangga sa itim na espada ng Dark Queen dahilan para mapaatras siya papalayo sa akin dahil sa sobrang liwanag ng lance na hawak hawak ko. Kinuha ko iyong pag kakataon para itusok ang lance ko sa harapan ko at kasabay nito ang pag labas ng malalaking ugat ng puno na papunta sa kina tatayuan ng Dark Queen.

Agad na pumulupot ang malalaking ugat sa katawan ng Dark Queen dahilan para mabitiwan niya ang malaking itim na espada na hawak hawak niya. Nag palabas siya ng dalawang malaking itim na bola sa kanyang dalawang palad at agad na ipinatama sa mga ugat na nakapalupot sa kanya.


Nagawang makaalis ng Dark Queen kasabay ng pag papalabas niya ng mga Dark Fairies na agad na sumugod papunta sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa lance na hawak hawak ko dahil sa sobrang bilis ng mga Dark Fairies na papunta sa akin pero biglang may mga liwanag na lumitaw sa harapan ko.

Nasa harapan ko ngayon ang mga Elemental Fairies na ibinigay sa akin ni Goddess Celene ng Water, Fire, Wind, and Land. Ngumiti sila sa akin at sabay sabaydin silang sumugot sa mga Dark Fairies ng Dark Queen.

Ng humarap ako kung nasaan ang Dark Queen ay wala na siya sa kinatatayuan niya. Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita at nagulat na lang ako ng bigla akong tumilapon sa kinatatayuan ko.




Third Person's POV

Nakita ni Alice kung paano sumugod ang Elemental Fairies sa mga Dark Fairies ng Dark Queen pero hindi agad niya napansin na wala na ang Dark Queen sa pwesto niya kaya ng humarap doon Alice ay hindi na niya makita ang Dark Queen. Hindi inaasahan ni Alice ng bigla na lang siyang tumilapon mula sa kinatatayuan niya ng dahil kay Trish. Agad namang humarang kay Trish si Princess at Colleen kasabay noon ang pag papalitan nilang tatlo ng kanilang mga kapangyarihan.

Kinalaban nilang dalawa ang huling clone ni Trish na kusang lumabas ng mamatay ito. Kahit clone na lang ito ay kaya din niyang gayahin ang kapangyarihan ni Trish ng nabubuhay pa ito bago maglaho sa pinsalang natamo nito ng mag laban sila ni Alice. Sa huling atake nila Princess at Colleen ay tuluyan na itong nag laho.

Agad na may umalalay sa pag tayo kay Alice mula sa pag kakatilapon niya at ng tingnan niya kung sino ito ay nakita niya si Nathan. Ng makatayo na siya ay agad ding nag paalam sa kanya si Nathan at pumunta sa ibang mga E.A charmers nalabanan ang mga taga Dark World.

Mula sa kinatatayuan niya ay kitang kita niya si Nathan na nakataas ang kanyang kamay sa ere at wala pang ilang segundo ay isang kidlat ang tumama sa kamay niya at naging isa itong mahaba at maliwanag na espada na hugis kidlat. Nakipag laban si Nathan sa mga smashers na may mga dalang itim na espada na nakahanda ng sumugod sa kanya.

Agad naman siyang na paatras ng isang apoy ang dumaan sa gilid niya na nanggaling sa kanyang likuran, napatingin siya sa pinanggalingan ng apoy at nakita niya si Frena na nakikipaglaban saibang mga witches na may hawak ng potion at mga black wand.

Gumawa si Alice ng mga water chains at ipinalupot ito sa mga witches na kalaban ni Frena dahilan para malaglag ang ibang mga potion na nasa kanila at naging dahilan para hindi sila makakakilos mula sa kanilang kinatatayuan. Napatingin sa kanya si Frena at tumango sa kanya.

Mula sa apoy ay gumawa si Frena ng Fire Blades at iwinasiwas ito sa mga witches na nakapalibot sa kanya at agad na nag laho ang mga ito ng parang bula. Humarap ulit sa kanya si Frena at ngumiti at ganoon din ang ginawa niya nginitian niya rin si Frena pabalik.

Naagaw ang atensyon ni Alice kay Frena ng biglang dumaan si Jacob sa harapan niya ng kasing bilis ng kidlat at nakita niyang ikinulong nito ang mga witches sa gitna sa pamamagitan ng pag takbo niya dito ng paikot. Sinubukan naman ng mga ito na batuhin si Jacob ng mga dala nilang mga potion pero dahil sa bilis ni Jacob ay na iiwasan niya ang mga ito at nasasalo niya. Imbes na sa kanya ito sumabog ay sa mga witches niya ito ibinato dahilan para maglaho sila ng parang bula matapos tamaan ng mga ito.

Dahil sa nakatingin si Alice kay Jacob ay hindi niya inaasahan ang pag tama ng isang malakas na kuryente sa kanyang likuran dahilan para mapaluhod siya dahil sa sakit na natamo niya. Nakita niyang papalapit sa kanya si Pinkie habang hawak hawak ang pinagsamang wand ni Misty at ng wand niya. Itinapat niya ulit and dulo ng wand kay Alice pero Itinaas lang niya ang kanyang kamay at nagkaroon ng transparent shield at kitang kita mo doon ang mga kuryenteng dumadaloy dito.

Sinangga lang nito ang kuryenteng lumabas mula sa wand na hawak hawk ni Pinkie at tumama sa isa sa mga smashers na kinakalaban ni Cole.

Napatingin si Cole kay Alice dahil sinundan niya kung saan nanggaling kuryente na tumama sa kinakalaban niyang smasher at nakita niyang nakaluhod ito at nakahawak ang kaliwang kamay sa lupa bilang suporta sa sarili nito.

Nakita niya si Pinkie sa harapan nito at agad na nag palabas siya ng Fire ball at pinatama dito dahilan para mabitiwan niya ang wand na hawak nito.

Lumapit siya kay Alice at inalalayang itong tumayo. Agad niyang kinuha ang wand na nasa lupa at hinanap si Misty, ng makita niya ito ay nakikipaglaban na rin sa isa sa mga witch. Napansin naman silang dalawa ni Alice ni Misty kaya agad niyang hinagis dito ang wand na hawak niya na nasalo naman ni Misty.

Agad na itinutok ni Misty ang dulo ng wand na hawak hawak niya sa mga witch at agad na may lumabas doon na kuryente at tumama iyon sa mga witch na kinakalaban niya dahilan para mag laho na lang ang mga ito ng parang bula.

May mga humarang din sa Headmistress na mga taga Dark World at isang puting lira ang lumabas sa harapan niya at agad na pinitik ang mga tali nito na naglabas ng mga blade strings na tumama sa mga taga Dark World na nakapalibot sa kanya.



~•~



Bigla namang lumitaw ang Dark Queen sa harapan nina Cole at Alice na ikinagulat nila nag palabas ito ng itim na mga kutsilyo at pinapunta kila Cole at Alice. Gumawa kaagad si Cole ng fire shield dahilan para sanggain nito at para hindi sila tamaan ng mga itim na kutsilyo na papunta sa kanila.




******
AUTHOR'S NOTE

Chapter 40 Revised!

Do you have any questions or suggestions? Don't be shy to write down your comment in the comment section below! Saranghae!

Ms. Sera

Enchanted Academy: Where Magic Do ExistWhere stories live. Discover now