Mahal tama na, Pagod na ko

279 4 0
                                    


Ni: Aska Saori

Ramdam ko ang bawat luhang pumapatak

Galing sa aking mga mata

Hindi ko akalaing ganito kasakit

Na sa sobrang sakit ika ay mapapapikit

Mahal bago mo sabihing "Tama na"

Alalahanin mo ang ating masasayang alaala

Mahal bago mo sabihing "Pagod na ko"

Alalahanin mong ako yung laging nasa tabi mo

Ano bang mga pagkukulang ko?

Bakit ako ang laging mali sa paningin mo?

Minahal mo nga ba talaga ako?

O pinipilit mo lang ang sarili mong manatili sa tabi ko?

Magaling ba siyang mag-alaga?

Anong nakita mo sa kanya?

Mas maganda ba siya?

Sigurado bang aalagaan ka niya ng tama?

Mahal pakiusap, ipikit mo ang mga mata mo

Upang hindi mo makitang nasasaktan ako

Pangakong masasanay rin ako

Pangakong panghahawakan ko hanggang dulo

Hahayaan na kitang maging masaya sa kanya

Ako'y tatalikod upang punasan ang aking luha

Haharap ulit, at tititigan ang iyong mga mata

Ako na mismong magsasabi, MAHAL TAMA NA, PAGOD NA KO

s*BD䰢T

Tagalog Spoken PoetryWhere stories live. Discover now