Part 2: The Meet Up

28 0 0
                                    

Around 2 pm na ng hapon ng makarating ako sa Robinson's place manila. Mineet-up ko rin yung friend ko na si Mark since kakauwi nya lang galing abroad and aalis din sya after a week. Nagstay muna kami sa Cafe Breton habang hinihintay si Matthew. Ewan ko ba pero sobrang ninenerbyos ako. First time ko lang kasi makipag meet up sa guy na nakilala ko online. Syempre di rin ako confident sa itsura ko.

After an hour nagtext na si Matthew.

"Malapit na ako d'yan. Mga 5-10 minutes siguro. Andito na ako sa jeep. "
So ako nag-reply agad.

"Sige lang. Andito lang ako sa labas ng Robinson. Sa may Cafe Breton. Kasama ko kaibigan ko."

"Huh? Naku nakakahiya naman. Baka ma-op ako sa inyo."

"Baliw! Hindi yan. Friendly naman tong si Mark. Hindi ka ma-op sa amin."

Tapos after a few minutes natatanaw ko na sya. Sobrang gwapo talaga nya. Naka stripes sya na blue and white. Nakajagger pants na blue and naka red na sneakers. Sa loob loob ko. "Napakagaling naman magdala ng damit nito."

Nagtext sya sa akin.

"Andito ako sa labas ng Robinson. Asan ka na?"

"Ito nakaupo lang. Lalapitan na kita."

Habang palapit ako sa kanya. Palakas ng palakas yung kabog ng dibdib ko. Feeling ko bumabagal din yung takbo ng oras. And habang palapit ako sa kanya parang unti-unting nawawala yung mga tao sa paligid. Yung tipong parang kayong dalawa lang yung nasa lugar na yun.

"Matthew!" Sabay tawag ko sa kanya.

Lumingon naman din sya. Tapos sabay ngiti. Hayop na yan. Wala pa syang ginagawang sweet pero kinikilig ako. Pero syempre di pwedeng magpahalata. Baka magmukha akong kahiya-hiya sa harap nya.

"Sorry ngayon lang ako nakarating."

"Okay lang yun. Ano ka ba? Kasama ko naman si Mark so di naman ako nabore. Tara puntahan na natin sya papakilala kita."

Naglakad na kami papunta sa kinauupuan ni mark.

"Uy Mark! Si Matthew pala."

"Hi Matthew" sabay abot ng kamay nya.

Nakipagkamay naman sa kanya si Mark.

"Matagal ba kayo naghintay?" tanong ni Matthew.

"Hindi naman. Medyo kakarating ki lang din. Si Daniel yung kanina pang nandito. Parang excited ata?" Sabay tawa nya.

Pinandilatan ko si Mark na hindi nakikita ni Mark. Alam nya kasing crush ko si Matthew dahil lagi kong nababanggit sa kanya. Tapos natawa na naman sya.

"Matthew gusto mo ba ng kape?" tanong ni Mark.

"Naku hindi. Nagpapalpitate ako kapag nagkakape ako eh." sagot naman nito.

"Ganun ba? Gutom ka ba? Baka gusto mo kumain? Treat ko." sabi ni mark.

"Sandwich na lang siguro. Busog pa naman ako. Kumain kasi ako bago pumunta dito."

Habang andun kami nagkayayaan din kami manood ng movie. Napagdesisyonan namin panoorin yung Kingsman since showing na sya.

Bumili kami ng tatlong tickets para sa movie pero bago kami pumasok bumili na rin kami ng makakain. Ako na nag offer na bumili ng food since si Mark na nag offer na bumili ng tickets namin. Nagoffer din si Matthew na magshare pero kami na ni Mark nagdecide na sumagot since ako naman talaga nagyaya lumabas.

Nung nakaorder na ako. Medyo nahihirapan ako dalhin yung mga pagkain since tatlong drinks yun at chinese noodles. Nagulat na lang ako na nasa likod ko na si Matthew tapos nag offer syang dalhin yung iba. 

Habang naglalakad kami pabalik sa cinema. Biglang nagsalita si Matthew.

"Mukhang mabait si Mark no?"

"Ahhh oo. Mabait talaga yun tsaka generous."

Sa loob-loob ko. "Hayop na yan. Type nya pa ata si Mark."

Well. Di ko rin naman sya masisi. Si Mark my itsura. Matangkad. Maganda yung tindig. Mapwet kaya magnda tingnan yung pants sa kanya and maappeal.

Pumasok na kami sa cinema. So yung naging set-up namin si Matthew sa kaliwa ko tapos si Mark naman nasa kanan ko. Amaze na amaze kami sa pinapanood namin. Tuwang-tuwa kami sa mga fight scenes ng kingsman. Nung natapos na yung movie, lumabas na kami.

Pagkalabas namin nagsabi si Mark na kailangan na nya umuwi kasi may aayusin pa syang mga bagay bago bumalik abroad.

Bago sya umalis bumulong muna siya sa akin.

"Naku. Ingatan mo yang jowa mo. Baka maagaw yan."

Siniko ko sya mahina sa tiyan sabay sabi. "Gago. Maranig ka nya."

Ngumingisi pa si Mark nun. Tapos sabi.

"Oh sya. Aalis na ako. Enjoy na lang kayo."

"Okay. Mag-ingat ka pauwi." sabi ko

Naiwan na lang kami ni Matthew. Parang nagkaroon bigla ng awkward moment. Di namin alam kung sino yung magstart ng conversation. Syempre para di maboring si baliw ako na nag-open ng topic.

"So saan tayo punta?"

"Uhmm. Ikaw bahala. Susunod lang ako kung saan mo gusto pumunta."

"Magtimezone tayo gusto mo?"

"Okay lang."

Tinungo na namin yung timezone. Di naman sya kalayuan sa cinema. Tapos nakita namin yung dance central and naisip namin maglaro.

Pucha bes. Nung naglaro kami di ko expected na ang galing pala nyang sumayaw. Nalaman ko na school dancer pala si baliw. Lalong nakakadagdag ng kagwapuhan nya the way gumalaw sya. Pasimple ko rin syang kinunan ng video. Tapos nung napansin nya. Bigla syang nagsalita.

"Uy! Wag mong i-upload yan ah!" Medyo namumula pa yung mukha nya.

"Oo naman. For personal viewing lang to" sabay tawa ko.

After namin maglaro ng games nagdecide kaming umuwi na since 8 pm na. Sabay namin nilagad yung sakayan ng jeep. Habang naglalakad konting kwentuhan. Pinauna na rin nya akong sumakay since magkaiba kami ng way.

Habang palayo ng palayo yung jeep dun sa Robinson. Nagtext ako sa kanya pero wala na syang reply. Pumapasok sa isip ko. Baka ito na ata yung last time na makikita ko sya. Kahit hanggang makarating ako ng bahay di na ako nakareceive ng reply nya. Parang nakaramdam ako ng lungkot during that time. Ayun itinulog ko na lang yung lungkot ko.

To be continued...

How to unloved your ideal guy?Where stories live. Discover now