Chapter 1: Where it all began...

8.2K 94 3
                                    

Hello po, this is our first chapter! This story is made to cure my Writer's block. Thank you po. 

Michigo Hela Rivas

NAIINIP akong tumingin sa black board habang nagle-lesson si Ma'am Dela Fuente. Napabuntong hininga ako, kakasimula lang ng semestre pero ito ako, inip na inip na sa eskwelahan. Bakit ba kasi naimbento pa 'tong k-12? Edi sana isa na akong Frost sa Ateneo De Manila University at varsity player doon. Well, player pa rin naman ako dito sa OLOPSC but I am one of those lucky bitches na magga-graduate na nga lang e biglang nahatak ni K-12 pababa. How I wish that Ateneo could wait for me?

"Dumating na daw 'yung teacher na kapalit ni Sir. Arnaiz kanina. Makikilala na natin ang bagong Lit teacher natin." Nadinig kong bulong ng aking kaklase na si Amy sa katabi niya na si Judy. "Ano naman ngayon? For sure ako boring na naman 'yan.Bakit ba kasi nila sinama ang Literature sa strand natin? Are we going to need Literature in accounting?" tanong naman pabalik ni Judy sa kaniya.

"Naku, for sure babawiin mo ang sinabi mo kapag nakita mo 'yung teacher. Sabi nila ang gwapo daw niya, mukhang model daw." Nadinig kong bulong ni Amy.

"Anong kaguluhan 'yang nasa likod ha?" sita ni Ma'am Dela Fuente sa kanila. Agad silang napatahimik samantalang ako naman ay napangisi na lang. Nakalimutan ata nila na malakas ang tainga ni Ma'am Dela Fuente kapag nagchi-chismisan sa klase nila.

"Wala po." Amy answered. "Is it about the new teacher?" She asked.

Ma'am Dela Fuente is already in her 60's yet magaling pa rin siya magturo. Well for some, she's boring pero kung makikinig ka talaga ay makukuha mo agad lahat ng tinuturo niya. There is a reason why she stayed for almost 30 years on this faculty.

"Sagot!" sigaw niya.

"Yes po, Ma'am! Yung bagong teacher po. Ayon po kasi sa mga lower years, gwapo daw po sila!" Madaling sagot ni Amy sa kaniya. Mahinang napamura sa Chinese language si Judy. She's part chinese at gano'n din si Amy.

"Ni Ma Mai Pi!" bulong nilang dalawa ni Judy.

Napailing na lang siya. "Tatlo sa naging klase ko ngayong araw ay 'yan ang pinagbubulungan. Oo na, I confirm, the new teacher is handsome kaya tumahimik na kayo at huwag ng magdaldalan pa or else, we will have surprise quiz after this lesson." She said. Agad naman nagsibasahan ng notes ang iba naming kaklase, ang ilan naman ay nagbigay ng deathly glare kay Amy at Judy.

Paano ba magiging surprise quiz 'yon kung sinabi na niya? Are we going to anticipate like it's not going to happen. Our lesson proceeded pretty well, pag-alis ni Ma'am ay agad ng nagkumpulan ang mga tao sa room. Some of my female classmates ay naglabas ng phone.

They said that the teacher's name is Xavier Dela Cuesta kaya 'yon ni-research nila agad ang pangalan niya. Mga hayok ang mga batang 'to e parang 'di naman nila makikita mamaya- maya yung teacher. He'll be our next instructor kaya 'di ko ma-gets kung bakit sila hayok na hayok. Makikita rin nila agad, tumingin ako sa relos ko at nakita kong almost time na para sa World Literature namin.

Hindi naman isa sa EXO members ang magiging teacher namin para pagtilian. He's not even Lee Soo Hyuk, Lee Joon Gi or Kim Jae Joong. Napailing na lang ako. "Ay shit! Shit! Shit! Ang pogi nga!" sigaw ng isa kong kaklase na si Mayen. Nagtilian silang lahat, napailing naman ang mga lalaki sa room namin. Sinarado ko ang notebook ko at sinubukan kong makisilip sa kanila.

"Anong pogi diyan?" tanong ni Frank, isa sa aming kaklase na nakasilip doon sa picture nung teacher. Pinilit kong magtip-toe para masilip ang tinitingnan nila. 

"Wow, shit, may shirtless pictures siya o!" kinikilig nilang giit. "Kilig na kilig naman kayo sa shirtless picture niya e baka mamaya nakapost 'yan sa lalakingmaalindog.com. Puta, naalala n'yo 'yung nasa bookmark ni Sir. Villanueva?!" natatawang tanong ng isa ulit naming kaklase na si Andrei. Nagtawanan silang mga lalaki at napangiwi naman ang mga babae naming kaklase na dinefend na agad ang teacher kahit 'di pa nila ito nakikilala.

Illegally Obsessed [MATURE]Where stories live. Discover now