🍸 Chapter 3

4 0 0
                                    

Chapter 3...

Isang buwan na mula nang mangyari ang mga nangyari.

Isang buwan nalang at magpapasko na, pero wala akong balak na umuwi sa amin. Naging aktibo ako sa pagiging ARMY, kapag walang pasok sa factory, sumasama ako sa mga activities ng grupong sinalihan ko.

Masaya ako na kasama ko ang co-ARMYs ko. Ang ilan sa kanila ay matagal ko nang kaibigan sa social media. Marami sa amin ay mga teenager, iilan nalang kaming halos kaidaran ng mga BTS Members.

Masaya ako dahil isa din ako sa mga naging head admins ng grupo namin. Madalas kapag weekend ay nag-aabang kami ng live show ng Bangtan sa SBS man, o' kahit saang may-live performance sila. Kaso bigo kaming mapabilang sa audience kaya team labas lang kami.

Team labas ng Hannam 'the hill' complex...
Team labas ng Bighit entertainment...
Team Airport...

Panay ganon lang. Dalawang beses ko lang ulit silang nakita, nasa malayo pa.

Umalis na din ako sa boarding house namin, nasa mas maayos na boarding house na ako kasama ng ilan sa mga co-ARMYs ko din at kasama sa grupo.

Balak ko na ding maghanap ng panibagong trabaho. Parang hindi ko na kasi kaya ang nightshift sa factory. Madalas akong antukin at mawala sa focus.

"Guys, in-announce na ang lottery winner ng fansign event ng BTS para sa December 2!!" tili ni Jenna. Koreana din 'yan pero English name ang gamit n'ya.

May kanya-kanya kaming kopya ng bagong release na album ng BTS. 150 fans lang magkakaroon bng privilege na makasama sa fansign ng BTS, swertehan lang, kailangan patuloy naming mag-purchase ng pagkarami-raming album para  lang mapasali kami sa draw nila.

Naubos ang ipon ko dahil dito.

"Hindi ako nakasama!" malungkot na sabi ni Jenna.

"Uggh !" sabay sabay naming reklamo. Eto nanaman , pahirapan nanaman 'to ! Sa dami ng ARMYs, malaman ay maungusan nanaman kami !

"Don't give up !. Fighting !" sabi ni Kayla. Mas bata sa akin 'yan ng dalawang taon. Filipina din.

"Fighting." we chant. I felt sorry for Jenna.

"Unnie. Mag-cashier ka nalang sa supermarket. Tutulungan kita." sabi ni Kayla sa akin, tumabi s'ya sa akin.

"Sige, ita-try ko 'yan."

"Great. Para naman magkasama na tayo sa trabaho."

Tumango ako, ayoko na talaga sa factory na pinapasukan ko. Lagi kong nakikita doon sina Jessica. After ng nangyari a month ago ay hindi ko na sila kinausap. Kung ano-anong pagtatanong ang ginawa nila sa akin pero wala akong sinagot doon.

"Guyyyyss, In na si Ate Angie !" sigaw ni Jenna.

Napatayo kami ni Kayla.

"No way !" hindi makapaniwalang sabi ni Ashley.

"Yes way ! Pati si Kayla, at ikaw din, Ashley !."

Nag-apir kami ni Kayla. Salamat naman, finally. Makikita ko ulit silang lahat.

"Waaah, may nakakuha kaya ng slot sa mga members natin?" tanong ni Alex , hindi din s'ya nabunot. So sad. Iilan lang kaming admins ang napasama sa fansign event.

I really feel bad for them.

"Ikukuha ko nalang sila ng autograph." wika ni Kayla.

"Me too." segunda ni Alex.

"No, We can't do that. I sign per member lang ang ina-allow nila." sabi ko.

Nagtanguan kami.

"OK, let's take a rest for now." sabi ni Kayla.

Secret Dad !? #Watty2018Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz