🍸 Chapter 4

3 0 0
                                    

Chapter 4...

Nagtilian ang mga fans dahil sa pagkalaglag ng YoonMin sa mga upuan nila, dinaluhan agad sila ng mga staffs na nakakita.

"Are you ok?" tanong ko sa dalawa.

Tumango si Yoongi na bumalik na sa pagkakaupo n'ya.

"Aaah, hyung, bakit sinama mo pa 'ko ?!" tanong ni Jimin.

"Mianhe~ Jimin-ssi. Na-out balance lang ako."

"Oppa, Gwenchanna ?" sabay-sabay na tanong ng mga fans sa likuran namin.

Dinampot ni Yoon Gi ang mic. "Neh,,we're OK. Don't worry guys."

Nagtilian ang mga fans.

Bumaling ako ulit kay Taehyung. "Is there something wrong ?" tanong ko. Natigilan kasi s'ya.

"H-Ha? Ayos lang. Wala lang 'to. May naalala lang ako." sabi n'ya.

Ano naman kaya 'yun?

Kunuha n'ya 'yung album copy ko at binuksan n'ya iyon.. Mabilis n'yang pinirmahan at ipinasa n'ya agad kay Yoon Gi.

Napakunot ang noo ko. That was a bit rude. Hindi ko man lang s'ya nakausap o' nakakwentuhan. Ibinigay ko nalang ang letter ko para sa kanya tapos ay lumipat na 'ko sa harap ni Yoon gi.

"Hi." bati nito sa akin.

Nginitian ko lang s'ya. Pinirmahan n'ya ang album copy ko tapos saka n'ya ako hinarap.

"So, kamusta na ?" tanong n'ya.

"I'm fine." sabi ko. Pilit kong inaalala ang boses ng lalaking kasama ko ng gabing iyon.

Posible kayang s'ya iyon?

"Mabuti naman at nakarating ka dito." sabi n'ya.

"Oo nga, swertehan lang talaga."

"Umm, bakit ka nga pala umiiyak doon sa restaurant ?" mahina n'yang tanong.

Si Yoon Gi ba talaga ito ng BTS ? Bakit parang mas matanong s'ya kaysa kay Taehyung ?

Naalala ko nanaman tuloy ang kamisirablehan ko noong araw na 'yun. Napatakip ako ng mukha.
"I felt dirty." mahina kong sagot. Sapat na para marinig nito at ng mga katabi n'ya.

"Bakit?"

Pasimple kong pinunasan ang luha ko. "It's something personal"

Natigilan sila Kayla at Taehyung sa pagki-kwentuhan.

"Ate." sabi ni Kayla. Naiiyak kasi talaga ako.

"Pasensya na sa pang-uusisa ko. Hindi ko na sana tinanong." sabi ni Yoongi. Mukha namang nagsisisi s'ya sa itinanong n'ya.

Hindi kaya si Yoongi talaga ang lalaking 'yun?
Binalikan namin ni Kayla noon ang mismong hotel. Kung ano-anong pagdadahilan ang ginawa namin para lang mapanood namin ang CCTV footage ng gabing 'yun. Pero hindi namin nakita ang mukha ng lalaki na pumasok sa kwarto ko. Sira ang CCTV sa floor kung nasaan ang hotel room na tinulugan ko. At yung payat na matangkad na lalaki na akala ko noong una ay s'yang naka-one night stand ko naman ay nakita sa CCTV recording sa pang-apat na floor. Nasa top floor ang hotel room ko.

And I also saw Jimin entering the elevator that time. Bumaba ito at ang kasama nitong lalaki sa floor kung nasaan ang kwarto ko.

So technically, hindi ito ang naka-one-night-stand ko.

"Siguro dapat kalimutan mo na ang nangyari." sabad ni Taehyung. "Hindi din naman makakatulong kung aalalahanin mo pa ang bad memories mo." sabad ni Taehyung.

Secret Dad !? #Watty2018Where stories live. Discover now