Eizen's POV
Ngayon ay pinuntahan ko ang kaibigan ni Rina na si Angel kung pwede siya maging wedding planner. Kahit alam kong hindi niya trabaho ang isang wedding planner and later, kakausapin ko si Trixie tungkol sa damit.
"Hi." Bati ko sa kanya.
"Kuya Eizen, ano ang ginagawa mo rito?"
"Gusto sana kita makausap."
"Importante ba iyan?" Tumango ako kay Angel. "Okay. Wait lang ah. Tinatapos ko lang itong ginagawa ko."
Pagkatapos ng ginagawa ni Angel kanina ay pumunta kami sa isang restaurant para doon magusap.
"Ano ang gusto mong sabihin sa akin?"
"Gusto ko sana ikaw ang maging wedding planner ng kasal ko kung ayos lang sayo."
"Wedding planner? Totoo ngang ikakasal ka na. At oo naman pwedeng pwede. Gusto mo bang bigyan kita ng discount?"
"Kahit huwag na. Babayaran kita ng buo walang discount." Ngumiti siya parang natagumpay.
"Nasaan ang bride?"
"Nasa bahay. Hindi ko na kasi sinama rito para magpahinga na muna."
"So, ano ang plano niyo sa kasal?"
"Ang plano kasi namin ay magpakasal agad sa madaling panahon."
"Mahirap iyan, kuya Eizen. Marami pa naman ang gustong magpakasal ngayong buwan."
Paano naman siya nakakasigurado?
"Hindi naman kami sa simbahan magpapakasal." Napakamot ako ng ulo. Baka kasi ang iniisip ni Angel ay church wedding.
"Kung hindi sa simbahan. Saan?"
"Ang gusto kasi ni Len sa beach. Pero ang hirap pumili."
"Beach wedding. Tawagan na lang kita kung may pagpipilian na sa mga beaches tapos puntahan natin."
"Salamat, Angel." Ngumiti ako sa kanya. Ang babait talaga ng mga kaibigan ni Rina.
"Nagpropose ka na ba sa magiging bride mo?"
"May naganap na engagement party 4 years ago. Hindi lang namin inaasikaso ang kasal dahil hindi pa siya tapos sa pagaaral then tumuloy siya sa abroad. Nitong taon lang kasi siya bumalik."
"Sa mga flowers para sa wedding?"
"Hindi kasi mahilig sa flowers si Len. Libro pwede pa." Natatawang sagot ko. Ang alam ko kasi libro lang ay masaya na si Len pero ngayon ay gusto niya pati presensya ko.
"I see. Mahirap tayo pumili ng flowers para sa wedding niyo."
"Kung ayos sayo ikaw na lang pumili, Angel. Wala rin kasi akong alam sa mga flower."
"Okay. Ako na lang ang pipili ng flowers."
"Kung kailan gaganapin ang beach wedding namin kung kailan may available. Pero kung sana ngayon bago pa lumaki ang tyan ni Len."
"B-Buntis ang bride?"
"Yep. Kaya nagmamadali na namin magpakasal."
"Nauna na pala ang honeymoon kaysa sa kasal." Natatawang sabi niya kaya tumawa na rin ako.
"Si Trixie ba nandito sa Pilipinas? Siya kasi ang gusto kong magdesign ng susuotin namin sa kasal."
"Hindi ko lang alam kung nandito siya ngayon kasi ang alam ko ay nasa Italy siya at nagtatrabaho ngayon sa RMA."
"RMA? Kung saan nagtatrabaho si Rina?" Tumango ito sa akin. Wow, hindi ko alam makakapasok si Trixie sa sikat na agency. Sabagay, magaganda naman ang mga design na ginawa niya. Mali na lang ang maging desisyon ng RMA kung tatanggihan nila ang designs ni Trixie.
YOU ARE READING
Loving You
RomanceHe is been engaged with a woman that can't love him back. Pagkapangak ni Aileen ay hihintay siya ni Eizen lumaki para sila ang magpakasal and her parents doesn't have any problem kaya pumayag sa kagustuhan ni Eizen. When Aileen turns 18 years old do...