Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Simula

93.5K 2K 733
                                    

Simula

Ramdam ko ang sikat ng araw na tumama sa aking mga balat. I didn't know what time it was but I didn't give a damn. I just wanted to sleep all day.

"Miss Euphy, pinapagising na po kayo ng papa n'yo. He needs you in ten minutes," rinig kong ani ng secretary ni papa na si Ross, isang tapat at mabuting tauhan niya. How I wish that papa was tapat at mabuti rin.

Nang tapunan ko siya ng tingin ay nakita kong nakatayo siya sa gilid ng bintana ko at nakalagay pa ang dalawang braso sa kaniyang likod. Inirapan ko siya bago ako tumayo sa aking higaan.

Narinig ko ang kaniyang pagtikhim sa gilid. Tinaasan ko siya ng kilay at panay lamang ang iwas niya sa mga tingin ko.

"What the heck is your problem?" naiiritang tanong ko.

"Your clothes, Miss Euphy," panimula niya na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. "It's too thin that I could see everything,"

"Tse! Lumabas ka kaya muna?" Tumango naman siya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Hindi ko alam kung anong gusto mangyari ni papa ngayong umaga pero hindi ako natutuwa. Pagod pa ako sa mga pang-aalila nila sa akin sa kumpanya na kailanman ay hindi ko naman ninais makuha.

Did I even ask them to train me para maging tagapagmana ng company namin? Like, anong pakialam ko ro'n?

"Yo!" pagbati ko nang dumating ako sa dining area. I was only wearing a black shirt and black pants.

Tiningnan niya ako bago umiling. I can already see the disappointment on his face. That's where I was good at—disappointing my father.

"Alfonso," panimula ng babaeng naka-white dress at putok na putok ang red lipstick with matching naglalakihang mga alahas na nakasuot sa kaniya. And yes, that's my stepmother. "I don't think Euphy is suitable for the position that you're giving her to our company."

Our company? Hah, excuse me, hindi ka kasali. Gusto ko sanang sabihin kaso mukhang ako na naman ang topic nila ngayong umaga kaya makikinig na lang ako. Wala rin namang magbabago kung sasabat pa ako. They won't listen to me anyway.

"Why?" tanong ni papa sabay inom ng kape sa baso niya.

"Alam mo namang kilala ang Elilia Company sa buong bansa. We're at the top, Alfonso! Do you want our company to fail just because of your immature daughter? I mean, look at her!" aniya na para bang wala ako rito. Kumuha ako ng tinapay at kinain ko 'yon sa harapan niya. Wala akong pakialam.

Ako pa ang immature? Wala pa nga akong ginagawa, immature na kaagad. Kung sabagay, that's her favorite hobby. Lasunin ang utak ni papa para makuha niya ang lahat ng pera namin. Look what money can do. Amusing, isn't?

"Then who do you suggest to handle Elilia?" tanong ni papa at sa wakas ay natingnan niya na ang stepmother kong kanina pa salita nang salita.

"Sino pa ba isa-suggest niyan? E, 'di 'yong anak niyang walang ginawa sa buhay kung hindi ang mag-vlog." Natatawa-tawa pa ako habang kumakagat sa tinapay na hawak ko.

Napatingin sa akin si Amy na stepsister ko. Inirapan niya ako at pinandilatan ng mata. Hindi niya ako magawang sagutin dahil nandito si papa pero kapag wala na, doon niya na ako sinasabihan nang kung ano.

"Enough, Euphemia," pagsaway ni papa sa akin na ginamit pa ang buong pangalan ko. "It's too early in the morning yet you're already acting up! What kind of attitude do you have?"

May nalalaman pa siyang it's too early in the morning, e sila nga itong umagang umaga, pinag-uusapan na kaagad ako. Kayayamang tao puro naman tsismis!

Finally Home (Ellington Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon