The Break-Ups

22 1 0
                                    

In Between: The Break-Ups

"Wait, you're breaking up with me?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

"Calm down, Jae." Paki-usap ni Kervie.

"Calm down? How can I fucking calm down after mong sabihin na makikipag-break ka na sa 'kin?! Are you nuts?" Inis na wika ko.

"Ilang linggo ka'ng walang paramdam sa 'kin. You're not answering my calls, even my texts! Tapos ngayon pagbalik mo break-up ang isasalubong mo sa 'kin? Are you taking me as a joke?"

He sighed. Nag-uumpisa na rin siyang maubusan ng pasensya sa 'kin, pero 'yong pasensya ko para sakanya matagal ng ubos! How dare he do this to me? I'm Tanaka Hyun Jae at hindi ako papayag na tratuhin akong parang basura ng kahit sino!

"Trust me, Jae. I'm doing this for you. Hindi na tayo masaya 'e, masasaktan lang natin ang isa't isa. You're pretty and smart, marami ka pa'ng makikilala dyan. Someone who won't hurt you and won't leave you. Someone better than me."

Hindi ko mapigilang hindi tumaas ang kilay ko sa mga pinagsasabi niya. So he's playing the nice guy na inaalala ang feelings ko?

Aba't gago pala itong isang 'to 'e!

"You know what, Kervie? You're right. I don't need an asshole like you. I'm pretty and smart, maraming lalaki na mas better pa sayo ang naghahabol sa 'kin," natahimik siya sa sinabi ko.

"So that's it! Thanks for everything, Jae. I hope yo—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil ibinuhos ko sakanya 'yong malamig na tubig.

Rinig ko ang malakas na pag-singhap at bulungan ng mga taong nandito sa restaurant. Pero WALA AKONG PAKI!
pakihanap 'yong paki ko sa Mars!

Sayang dapat pala 'yong mainit na kape ang ibinuhos ko sa mukha niya baka sakaling malapnos ang balat niya ng mabawasan naman ng kakapalan ang pagmumukha ng isang 'to!

"What... the? Hyun Jae! Ano ba'ng problema mo?" Inis na tanong niya habang pinupunasan ng tissue ang mukha niya.

Problema ko 'yong existence mo sa mundong ito, hayop ka!

"You're asking me what's my problem? What's your problem, Kervie! Tell me may iba ka na ba? Meron na siguro kaya ka nakikipag-break sa 'kin! My friends was right your nothing but an assho—"

"You're fucking right! May iba na ako kaya iiwan na kita! That's it! I already say it. You happy?!" Sigaw nito.

Bigla akong natahimik. Palihim kong tinignan 'yong dibdib ko. Tinitigan ko kung may nakasaksak ba'ng kung ano, dahil fuck! Sobrang sakit!

May iba na pala kaya iiwan na ako?

Para akong sinampal ng paulit-ulit ni Cristine Reyes, apat na mag-asawang sampal ang sakit na katumbas mga, 'teh!

Huminga ako ng malalim. Bawal umiyak, Hyun Jae. Pag-umiyak ka mamamatay ka.

Mamamatay ka sa kahihiyan dahil iniyakan mo ang jerk na 'to!

"Happy? Magiging masaya lang ako if I see you living in hell. So just wait and see, Kervie Naval. Masamang kalabanin ang isang Tanaka, I will make you and your woman's life miserable!" Padabog na kinuha ko ang mga gamit ko at umalis sa lugar na 'yon.

In Between Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu