Calling Card

13 1 0
                                    

In Between: Calling Card

"What?!" Holy cow! Kang Reo? As in 'yong baklang ex din ng ex ko?!

Bawal banggitin pangalan ni ex baka malasin.

"Bakit, Inspector Tanaka? Kilala mo siya?" Taas kilay na tanong ni Chief. Halatang nagpipigil ng galit. Natamaan kasi siya 'nong tubig na naibuga ko.

Hindi naman sadya 'e. Na shock ako!

Dali-dali akong umiling. "H-Hindi! Hindi, Chief. Bakit ko naman makikilala 'yong baklang 'yan?" Agad akong nag-iwas ng tingin.

Kilala ko 'tong si Chief 'e, kapag nalaman niyang kilala ko itong si Reo ay malamang sa malamang ako ang papabantayin niya dyan.

Kaya No way! Sorry, Reo. Pero ayoko ng magkaroon ng ugnayan sa mga taong konektado kay Ker— I mean, kay ex na 'bawal pangalanan' baka bigla na naman akong malasin.

"Kaya ko kayo pinatawag dahil muli tayong mag-uumpisa sa pag-iimbestiga sa grupong ito. Kailangang mahuli na natin ang sindikatong ito kahit anong mangyari at itong si Kang Reo ang magiging susi upang mahuli natin ang grupong 'yan," seryosong sabi ni Chief.

"At ikaw, Inspector Tanaka, ang magbabantay sakanya," biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Chief.

"T-Teka, Chief! Bakit ako? Dapat si Inspector Valdez or si Inspector Domingo! Bakla 'yon 'e, mas mapapadali ang trabaho natin kung lalaki ang ipapadala niyo," nakita ko kung paano biglang nag-iba ang timpla ni Inspector Domingo at kung paano tumaas ang isang kilay ni Inspector Valdez.

"Hindi sila puwede, dahil habang nasa tabi ka ni Mr. Kang Reo at nagbabatay ay sila naman ang kikilos at magbabantay sainyo mula sa malayo," pagpupumilit ni Chief.

"At isa pa, I'm sorry to say this Inspector Tanaka. Pero nang malaman naming si Mr. Kang Reo, ang susunod na target ng grupong iyon ay agad namin siyang pinaimbestigahan and we found out that you two had a connection. Pareho kayong konektado kay Kervie Naval at kahapon ay nagkita kayo sa isang bar na pagmamay-ari ng bestfriend niya," gulat akong napatingin kay Inspector Domingo dahil sa sinabi niya.

Shit. Alam na nila....

"Accept his offer, Inspector Tanaka. This is a good opportunity to get close to him, I'll give you time to think about this. Bukas sa meeting natin gusto kong marinig ang sagot mo. And please Hyun Jae, be on time and don't be late!" Seryosong sabi ni Chief.

I sigh. "Y-yes, Chief."

"Okay, dismissed!" Pagka-labas ni Chief ng meeting room ay nakangiseng lumapit sa 'kin si Inspector Valdez.

"I didn't know that you're dating a guy that swing both ways?" Nang-aasar na bulong niya.

Agad ko siyang siniko pero mabilis niya itong naiwasan.

"You're getting slow, eh?" Nakangiseng sabi niya bago tuluyang umalis.

Tuwang-tuwa namang lumapit sa 'kin si SPO2 Diaz, "Makakasama na naman kita Inspector Hyun Jae~ na miss kita sobra!" Akmang yayakap ito sa 'kin ng biglang ipinulupot ni Inspector Cortez ang braso niya sa leeg nito.

"Tigilan mo na ang pang-aasar kay Hyun Jae, SPO2 Diaz. Bumalik ka na sa trabaho."

"Pero, sir—"

"Bumalik. ka. na." Seryosong sabi ni Inspector Cortez. Kakamot ulong kumaway sa 'kin si Diaz atsaka ito tuluyang lumabas.

"Una nako," paalam ni Inspector Domingo.

Pagkalabas ni Inspector Domingo ay nagsalita si Inspector Cortez.

In Between Where stories live. Discover now