Surprise!

132 11 0
                                    

Kanina pa kami naglalakad ni manong dala dala yung ice cream. Hay buti nalang talaga may ice cream. Ang iniiit!

"Manong, saan ba tayo pupunta?" I asked as I licked my ice cream. Yaaa ang sarap talaga ng flavor na 'to.

"Relax lang iha. Haha malapit na tayo." napapout nalang ako kay manong.


'Tong si manong ilang taon na pero hindi pa napapagod. Ako nga pagod na pagod na. Huhu kanina pa kami naglalakad hindi man lang kami naggrab. Huhu



1 hour later



Nakanganga na ako habang sumusunod kay manong. Ang init na talaga hindi ko na kinakaya. Ang baho baho ko na. Huhu


Ilang minuto din ang lumipas hanggang sa mapatigil si manong kaya napatigil din ako.



"Asan tayo manong?" inilibot ko paningin ko hanggang sa makita ko ang isang maliit as in sobrang liit na kubo na nakadikit pa sa bukid. Hala. Napatingin ako kay manong. Dito ba siya nakatira? Parang pagpasok mo palang wala kanang ibang gagawin kundi ang tumayo. Ang liit!



Napapout na lang ako. Kawawa naman pala si manong. Nagtitiis sa ganitong kaliit na bahay. Samantala yung bahay ni Dora ang laki-laki. Hay. Mamaya yayayain ko si manong na tumira kasama namin. Tama tama.



"Pasok na tayo Sena." napatingin agad ako kay manong na naglakad patungo sa kubo na yun. Tinawag niya ako sa pangalan ko. Waaah!



Tumakbo agad ako saka sumunod sa pagpasok ni manong. Naku naiwan pa namin yung ice cream. Oh well... may mga batang dadaan dyan. Paniguradong magugustuhan nila ang strawberry chocolate and banana mango flavor. Hihi


Pagkapasok ko agad kong sinira ang pinto. Sabi ko na nga ba ang liit eh. Nagsisiksikan na nga kami dito ni manong. Paano kaya siya natutulog dito? I wonder.



"Manong anong gagawin natin dito?" tiningnan ko nang nagtataka si manong pero ngumiti lang siya.



Bigla akong kinabahan kaya napayakap ako sa sarili ko. Huhu nakakatakot naman ngumiti si manong. Lalo pa't nawawala yung isa niyang ngipin.

"Haha huwag kang matakot Sena." sabi niya. Tiningnan ko siya na nakangiti pa rin hanggang ngayon.


Napakunot na lang noo ko nang biglang tumalikod si manong at hinilaa niya yung... yung... lata ng Lactum? Teka... umiinom siya niyan?!



Hindi ko na nagawang magtanong kay manong dahil bigla nalang umuyog ang lupa pero sinabihan lang ako ni manong na huwag magpanic nung nagpanic ako. Huhu baka magkalandslide.



Ano bang nangyayari? Bakit... bakit gumagalaw lagayan ng lata ni manong at parang pinto na nagbubukas. Hala! Diba lupa yung nasa likod ng bahay? Bakit parang wala akong makita? At puro kadiliman lang. Iiiih! Ayoko na dito huhu.

Tatalikod na ako. Uuwi nalang ako. Huhu

"Uy teka teka." huhu nahawakan pa ni manong ang kamay ko. Iiih aalis na dapat ako eh.


"Uuwi na po ako manong." sabi ko habang umiiling. Huhu huwag mo po akong patayin please.


"Ano ka ba iha haha huwag ka ngang matakot. Hindi kita papatayin." nanlaki ang mga mata ko na nakatingin kay manong. Narinig niya ba ako? "Diba gusto mong turuan kita bumaril? Nasa loob ng bukid nito ang kuwarto kung saan ako nagttrain." sabi ni manong saka naman ipinakita ang malaki niyang ngiti. Ang cute ni manong pero distracting talaga yung nawawalang isang ngipin.


FOUR Sisters and a MAFIA Group (BTS X GFriend)Where stories live. Discover now