s̵̻̆̆̿ ̷̩͓̪̑̒͗ȅ̷̬͆ ̶̺̎̉c̴̺̀͒̂ ̷̗̭̾̽o̸̡̤͓̾́ ̶̙̪̼̈́̎ṅ̵̪̒ ̴̦̻̓d̴̥̞̝̈́ ̴̞͓̯͗͝

112 2 10
                                    

Mina's POV








Pagkatapos ng class namin no'n ay agad kaming nag puntahan sa hospital kung saan dinala si Seongwoo oppa. Naiinis ako. Sinabi ko na no'n sakaniya na 'wag siyang aabsent ngayong araw. 'Di ko alam. 'Di kasi ako nakaramdam ng maganda kaya ayoko siyang tumuloy no'n


Kasama ko no'n ay sina Woojin, Jinyoung, Daehwi, Somi, Doyeon, Kyul eonni at Sohye eonni. Wala si Guanlin dahil may korean lesson pa siya. "On the way na 'rin daw sila Minhyun oppa" sabi ni Sohye eonni nang makarating kami sa harapan ng hospital room. Kumatok kami no'n at narinig namin si Seongwoo oppa na nag salita kaya naman pumasok kami

Nag madali kaming lumapit sakaniya at nakita namin na bukod sa may bandage siya sa kaniyang paa ay may bandage 'din siya sa kaniyang arms. Ngumiti siya saamin no'n nang makita niya kami "ano nanamang ginawa mo! Hay!" Naiinis na sigaw ni Kyul eonni

Napatingin ako no'n sa upuan ng mga bisita at sure akong may nakita akong taong nakaupo diyan e. Napatingin naman ako no'n sa pintuan nang mag sara 'yon pero bumukas ito muli at nakita ko si Heejun na pumasok at hingal na hingal "Heejun 'san ka galing?" Lumapit ako no'n sakaniya pero nginitian niya lang ako at hinawakan ang kamay ko

Binitawan niya 'rin 'yon agad at lumapit kay Seongwoo oppa. Hindi nanaman niya sinabi kung saan siya galing.


Umiling nalamang ako at lumapit muli sa hospital bed "Namatay 'yung pinsan ko" nanlaki ang mata ko no'n nang sabihin 'yon ni Seongwoo

"Huh? Anong nangyari?" Halata mo 'rin no'n ang gulat sa boses ni Jinyoung nang tanungin niya 'yan

"Hinatid namin si Yoojung no'n. Uuwi na dapat kami kaya I offered her a ride. Nagulat ako 'nung inagaw niya saakin ang manibela at may truck na papadaan no'n. Pilit kong iniwas pero may isa pang sasakyan no'n"

"Asan na ang parents niya?" Tanong naman ni Woojin

"Siguro, kaya gusto na niyang itigil ang lahat ay dahil... matagal nang wala ang magulang niya. Nahihirapan na siguro siya. Nahihirapan na siguro siyang buhayin ang kapatid niya"








]¥¥\]k¥]'keo@2@2@/








"Heejun" napalingon siya saakin no'n nang tawagin ko siya "saan ka nanaman galing kanina? 'Di ka nanaman pumasok" ngumiti lamang siya no'n at pinat (pat) ang ulo ko

" 'wag ka mag alala. Wala naman akong ginawang masama e. Nagugutom ka na ba?" Pag tinatanong ko talaga kung saan siya galing tuwing nawawala siya bigla ay iniiwas niya ang topic. Nakakainis bakit lagi siyang ganito? Hinawakan niya ako no'n sa kamay ko at hinila na ako papunta sa 'di ko alam kung saan ba. "Nandiyan na sila tita at tito (parents ni Seongwoo) kain na muna tayo. Baka pumayat ang Mina ko" hinawakan niya no'n ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay atsaka pinisil. Tumawa naman ako dahil ayan nanaman siya nag papa-sweet para di ako magalit " 'yan mas maganda ka kapag nakangiti"

Ngumiti muli si Heejun no'n kaya tinignan ko lamang siya. Sana nga Heejun, sincere ka. Sana nga. Lumingon naman siya sa likod no'n ay may sinenyasan

"Woojin kain tayo!" Nanatili akong nakatingin kay Heejun no'n at naramdaman ko ang pag akbay saamin ni Woojin. Tumingin siya no'n saakin at parang may gusto siyang sabihin pero hindi naman siya nag salita kaya ngumiti nalamang ako sakaniya.

Dahil nag iinarte si Heejun sa mga pagkain dito sa canteen sa hospital ay sa labas kami kumain. Sa malaking bubuyog kami kumain at pinagitnaan naman ako nila Woojin at Heejun. Sa tabi ni Heejun at si Jinyoung. Sa tabi ni Woojin ay si Daehwi at Somi ang mag besties. Sa harapan namin ay sina Minhyun, Jisung, Nayoung, Kyulkyung, Sohye. Hindi nakapunta ang iba dahil sa may mga klase sila at extra activities sa school. Mamaya na daw sila bibisita

"Dahil umabsent nanaman si Heejun, siya ang oorder" sabi ni Jisung at nakita ko ang pagkabigla no'n ni Heejun

"Hyung!" Pagre-reklamo niya na may pag pout pa

" 'wag mo akong ma-hyung hyung. 'Di ko alam kung kanina ka ba isusumbong kaya 'yan ang punishment ko sayo" tumawa naman no'n sila Jinyoung dahil ang suffering ng hyung nila ay kasiyahan nila.

"Hyung, nag cutting sila Jinyoung kaya damay damay na tayo" biglang sabi ni Heejun at hinila si Jinyoung. Nag reklamo pa si Jinyoung na si Woojin 'din ay nag cutting pero nasa counter na sila no'n. Tumawa naman ako no'n nang mapanuod ko silang dalawa

"Mina, ano bang stand niyo ni Heejun?" Napatingin ako kay Nayoung eonni nang bigla siyang mag tanong saakin

"Best friends" agad kong sagot at ngumiti. Best friend ko naman talaga si Heejun e. Best friend ko 'din si Seongwoo oppa at Woojin e

"That was fast" natatawang sabi ni Somi

"Really fast" isa pang pag comment ni Daehwi. Itong mga english spokening dollar best friends na 'to kung makapang-judge!

"Best friends lang talaga kayo?" Tanong naman ni Sohye eonni. Bakit ako naha-hot seat!?

"Best friend 'din naman kami ni Mina ah" sabi ni Woojin kaya bigla akong tumango. Tama! Best friend ko 'din 'to ah! Bakit 'di naman pinaghihinalaan?

"I mean, there's something between you two na iba e. 'Di lang naman ako nakakapansin no'n" comment ni Nayoung eonni at tumingin sa mga seniors namin

"Pero bata pa kayo ha, 'wag muna madaliin ang bagay bagay lalo na 'yang love na 'yan. Nako, mababaliw kayo" sabi ni Minhyun oppa kaya naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. Love? May gano'n ba between samin ni Heejun? Siguro oo, pero it's a friend love. Alam ko 'yon. Aware ako 'don.

"Ha! Says the one who's courting Chaeyeon eonni?" Pang aasar ni Kyul eonni kaya nanlaki ang maya ni Minhyun no'n at nag tawanan sila. Buti naman at nawala na ang atensyon saakin.

Sakto naman no'n na bumalik na ang WinkDeep kasama ang isang crew para sa mga pagkain namin. Kumain na kami no'n at buti naman hindi na na brought back ang topic kanina. Super awkward no'n kung nandito si Heejun

Sabay kaming napabitaw ni Heejun sa mga disposable spoon and fork namin at agad na kinamay ang chicken namin "here comes Lee Chicken and Kang Chicken"

Hacker | 박지훈 [BOOK I / COMPLETED]Where stories live. Discover now