Chapter 27

529 21 3
                                    

□HAROLD's POV□

Pagkagising na pagkagising ko kanina ay agad akong umalis doon at umuwi sa condo ko. Parang wala ako sa mood na umuwi sa bahay. Trip ko lang. Pero bago ako umalis kanina doon ay nagiwan ako ng sticky note at isinulat ang number ko doon.

Kasalukuyang nagmo-movie marathon ako ngayon mag-isa sa condo ko. Nakataas ang paa at ngumunguya ng pop corn na binili ko sa malapit na tindahan. Saan naman ako kukuha ng mais? Tsaka hindi ko alam gumawa ng pop corn. Nabobored na ako sa pinapanood ko. Uminom ako ng juice at inilagay ko ang baso sa lababo at hinugasan agad, at itinapon sa trash bin ang plastic ng pop corn kanina na pinagkainan ko.

Umakyat ako at pumunta sa aking kwarto. Nagpalit ng damit into basketball jersey dahil naisipan kong magbasketball nalang. And i realized na matagala na pala akong hindi nakalaro.

Kumuha ako ng towel at bumaba at tumungo ako sa kusina. May nakita ako na tumbler sa cabinet sa kusina pinunasan ko muna ito bago linagyan ng tubig.

Lumabas na ako sa condo ko at pumunta sa basketball court na malapit dito. Nang makarating ako doon ay may nakita akong babae na nagbabasketball.
Maganda siya, maputi, mahabang buhok at siyempre sexy. Witwew haha.

Inilagay ko muna ang gamit ko sa bench at lumapit sakanya. Nang makalapit ako sakanya ay kukulbitin ko sana siya pero siya na mismo ang lumingon. Mukhang napansin niya agad ang presensiya ko ah. Walang salita ay naglaro kami. One on one.

8-6 na ang score. Score ko yung 8 at siya naman ay 6. Gumawa kami ng deal, kung ako ang mananalo ide date ko siya at kung ako naman ang matatalo itetreet ko daw siya.

After 5 minutes...

9-8 na ang score

Mukhang ako ang mananalo ah. I smirked. Pero bago ko pa maagaw yung bola ay nagshoot na siya, then shoot!

Natalo ako. Ok lang itetreet ko lang naman siya. I tetreet ko siya sa isang restaurant or basta bahala siya. Then I'll consider it as a date. Then after it I'll get her number.

"So pano ba 'yan? Yung deal natin ah!" Pagpapaalala niya. Tumango tango nalang ako.

"Yes!" Masayang sabi niya. Napatawa na lang ako. Mga babae talaga. Napailing nalang ako.

Sabay kaming pumunta sa bench. Kinuha ko ang tumbler ko at uminom habang nagpupunas ng pawis. Ganon din siya. Sabay din kaming umalis sa court.

"Anong gusto mong i treet ko sayo?" Tanong ko sakanya.

Inilagay niya ang kamay niya sa baba niya na parang nagiisip. Napangiti siya tapos napatingin siya sa akin at may itinuro siya. Kaya tinignan ko naman kung ang itinuturo niya. Isang fishball stand?! Really?

When Mr. Playboy Meets Ms. Snobber [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon