Mallory's POV
"Bakit si Mallory ka ba? Tsaka, narinig ko yung sinabi niya. Hindi mo kailangang ulitin. And I'm sorry I don't like girls like you." Rinig kong sabi ni Harold kay Hermine saka ito tumayo mula sa kanyang inuupuan at naglakad palabas sa room.
Nagwalk out ito't nakasalubong pa niya si ma'am. Pero tila hangin lang si ma'am na di niya nakita't tumuloy paring lumabas sa room.
Dumiretso nalang si ma'am sa pagpasok sa room namin at napailing saka ito umupo. Napansin kong nakatingin sakin si Hermine sakin kaya napatingin ako sa gawi niya.
Para siyang maiiyak na nagagalit base on her facial expression. Ba't ganyan naman 'to? Tinaasan ko siya ng kilay, 'di pa rin ako kumukurap. Hanggang sa tumayo siya saka nito ibinalik sa dati ang upuang inuupuan niya.
Nag che check na ng attendance si ma'am. Ang mga classmates ko ang iingay tapos naririnig ko pa yung pangalan kong naba banggit sa pinag uusapan nila pati yung pangalan ni Harold tsaka Hermine.
Naka poker face lang ako't nakatingin sa harapan. May narinig akong kumatok mula sa pintuan ng classroom alangan naman sa pader diba?
Pero hindi ako nag abalang tumingin doon para lang tignan kung sino yun.
"Pasok!" Sigaw ni ma'am sa kumakatok. Dumukdok ako sa mesa ng upuan ko. Rinig ko naman ang yabag ng kung sino man iyon.
"Pinapatawag po kayo ni Principal ma'am." Aniya ng lalake. Nag excuse naman si ma'am.
"Ms. Alejandro!" Tawag ni ma'am kay Antonette. "Isulat mo ito sa board. Eto hanggang dito." Aniya ni ma'am.
May naramdaman akong kamay na kumalabit sa balikat ko. Pero i didn't mind it.
Naalala ko yung sinabi ko kay Harold kanina. Harsh ba? Masakit ba? Well kung oo, edi mabuti nang tigilan na naman niya ako sa kakukulitan at ipilit ang sarili niya sakin.
Gusto ko ba talaga lumayo siya sakin?
Pero ba't nakokonsensiya ako't nagu guilty?
![](https://img.wattpad.com/cover/139690900-288-k184905.jpg)
YOU ARE READING
When Mr. Playboy Meets Ms. Snobber [EDITING]
RandomMallory Phobe Villanueva is the type of girl na masungit at snob lalong lalo na sa mga taong hindi niya kaclose at kakilala. 'Di maipagkakaila na maganda talaga siya. She's got the beauty, intelligence and multi talented but she hates sports. Harold...