Chapter 1: The Missing Students..

170 10 4
                                    

*Setting: School*

Sephira Light's POV

        Ako nga pala si Sephira Light Firestone.. Isang transferee student 4th year high school at kasalukuyang nag-aaral sa Salient Soul University, Ang School na matatagpuan sa Timog ng Rehiyon.. PinagUusapan ang School hindi lang dahil sa magaganda nitong facilities, kundi dahil sa isang misteryong bigla na lang lumitaw..

        Napatingin ako sa relos ko, Ala una na pala, napatingin ako kay Chrome, Bestfriend ko, na kasalukuyang gumagawa pa rin ng Assignment para sa susunod na Subject, Physics.

        "Chrome bilisan mo, Ala una na oh, 1:30 pa tayo sa Physics" - pagmamadali ko kay Chrome

        "Ayy? Nagmamadali? Ikaw na nga lang nagpapagawa ng assignment, aba?" - pagtatama sakin ni Chrome.. Ayy oo nga pala, assignment ko pala un XD.. Hindi kasi talaga ako makatulog sa kakaisip eh, bakit kaya bigla na lang nawawala ang ilan sa mga batchmate namin? Sino ang may gawa? Tss.. Buti na lang mabait si Chrome at tinutulungan nya kong mag-adjust, mula first year kasi dito na sya nag-aaral, kaya siguro sanay na sya sa mga kababalaghan dito?.. Si Chrome din kasi ung katabi ko mula First day of Class nitong 4th year, dahil nga wala akong kakilala, sinamahan nya 'ko, at di lang un, dumating din sya nung oras na wala akong kakampi.. Haayy, napapangiti nalang ako kapag naiisip ko un :D

        "Ayan tapos na!! oh pasalamat ka mabait ako :D Libre mo ko mamaya XD" - Chrome

        "Haha oo na XD" sagot ko.. napatingin ako muli sa relos ko.. Tamang tama, 1;25 na.. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa next Subject namin.. Ang Physics at ang Prof, ang may pagka-nakakatakot na si ma'am Aria Hypnos..

        Nang makita namin si ma'am na naglalakad na rin, dali dali kaming tumakbo at nakipag unahan sa kanya, akala mo may isang gutom na halimaw na humahabol sa amin XD Ayaaan naaa!!! XD

         Nakarating kami sa room, buti nalang at naunahan namin si Ma'am dahil kung hindi nako patay kami dun ayaw na ayaw niyang may nale-late (1:30 na nga Late pa? XD).. pagpasok namin ng room ay dumiretso agad kami sa upuan namin at saktong dumating si Ma'am Aria..

        "Ok ipasa na ang mga assignments at mayroon tayong mahalagang pag-uusapan" bungad ni maam Aria na bigla na lang tumingin sa amin ni Chrome.. Patay, nakita nya kayang kami ung nakipagunahan sa kanya? Nakakatakot talaga tong si maam, umiwas kami ng tingin at inalis na rin nito ang tingin sa amin..

        Nagsimula na si maam sa pagsasalita, "Ok 4th year students, aware naman kayo sa mga aksidenteng nagaganap sa ngayon hindi ba? Ang maipapayo ko sa inyo ay mag-ingat, hanggat maaari, diretso uwi at wag nang mapunta kung saan saan".. sa tingin ko ang tinutukoy ni maam ay ang misteryong pagkawala ng mga estudyante.. Tahimik ang lahat na nakikinig kay Ms. Aria

        "Inuulit ko, 4th year na kayo, kasalukuyan graduating students.. At ito ang sumpa ng Graduation, GoodLuck *Evil Laugh* HAHAHA!!" nagulat kaming lahat sa biglaang pagtawa ng malakas ni maam Aria, wala sa itsura nito ang manakot pero sa ngayon, nakakatakot sya..

        Naguguluhan ako.. sa dami ba naman ng mga studyanteng nawawala, Graduation lang ang dahilan? Sa tingin ko hindi talaga iyon ang dahilan, maaaring may iba pa ngunit di ko alam kung ano ito.. Hindi lang un, may iba pang kakaiba,.

                *FlashBack*

        "Sephira!! Samahan mo ko kay ms. Aria daliiii!!!!" Pagmamadali ni Chrome,
        "Bakit? kay ms. Aria? ayoko nga! -_- Kakatakot un eh :P" pang aasar ko kay Chrome XD
        "Ehhh!! ako din natatakot *O* pero baka pagalitan ung grupo natin kung di ko maipapasa tong Index Card natin ngayon na!!" What?! Index Card ng grupo namin? Ibig sabihin damay damay na tooooo!!! Waaahh!!        
        "Tara dali!!" kahit na labag sa loob ko pipilitin ko T_T  XD

        Dali dali kaming nagpunta sa faculty ng Science para hanapin si Ms. Aria.. Pero pagpasok namin, wala sya rito,
"Pano na yan? Anong gagawin natin? Sephira baka huntingin ako nun at ibigti sa ilalim ng mataas na puno ng mangga o kaya ipagbili nya ko sa masasamang loob, Waaahh T^T" Exxagerated na pag-acting ni Chrome. Pinipigil ko ang tawa ko na may halong kaba, pano kasi kung magkatotoo? Nyaaay!! :D
"Bhest, wag ka mag alala, ipapamalita kong hindi talaga Graduation ang dahilan ng pagkawala mo, kundi si maam XD" pang-aasar ko kay Chrome nang sa ganon mawala ang takot namin..

        Dumiretso ako sa Table ni Ms. Aria, may nakita akong sticky note ng schedule nya,
"Chrome, halika!!" ipinakita ko sa kanya ung papel na kinalalagyan ng schedule ni Ms. Aria..
"Nasa section 15 sya ngayon, Tara Bilisan na natin, bago pa mahuli ang lahat.." Pagmamadali ni Chrome.. Ano daw? bago mahuli ang lahat? XD so un talaga ang nasa isip nya? haha

        Nasa tapat na kami ng pintuan ng section 15, ngunit di namin magawang pihitin ang knob, kinakabahan kami pareho..
"Ako magbubukas, ikaw kumausap kay Maam" suggestion ni Chrome
"Ah, te-Teka, nagpasama ka nalang ako pa kakausap? Wag ganon" Nangangatog kong sabi..

        Sumilip muna kami sa bintana para malaman kung ano ang mood ni Ms. Aria, Nakita namin na nagagalit ito at may pinapagalitan, ngunit ung babaeng pinagagalitan nito ay nakukuha pang sumagot sa kanya.. Patay kang bata ka O_O!! napatingin kami kay Maam..

        Sumama ang tingin nito sa Babae.. Parang nanggigigil ito, nanginginig ang mga braso.. Halata sa itsurang pinipigil ang ang galit.. Patuloy sa pangangatwiran ang estudyante, lahat ay nakatingin sa kanya, pinipigil na rin sya ng mga katabi nya ngunit ayaw nyang paawat.. Napabaling muli ang tingin ko kay Ms. Aria, biglang naging blank ang expression nito sa mukha..
"Whoah!! The Heck! Ano to? dugo?" sigaw nung babaeng pinapagalitan habang pinapahid ang dugong tumutulo sa ilong nito..

        "Ma-maam, ta-tama na po" isang babae mula sa room ang naglakas loob, sa tingin ko, kaibigan sya nung pinapagalitan.. "Dalhin na natin sya sa clinic, dumudugo ang ilong nya" dagdag pa nung babae.. Maya maya, pati sya ay nahilo at hinimatay..

        Sa dami ng nangyari, naiwan akong tulala at nakapako sa kinatatayuan ko.. Hindi nakapaniwala sa nakita..

        *End of Flashback*

_____________________________________________________________________________

"What are you going to do now Sephira? Now that you've unlocked the first Mystery, do you still want to continue? ;) *evil smile*" - ILoveRainingAtNight

Secrets of the Southern IslesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang