Chapter 2: The Cause of Tragedy..

105 10 0
                                    

*Setting: Classroom*

Chrome Voltaire's POV

        Haayy! Buti nalang at hindi kami late ni Sephira ngayon kundi, patay kang bata ka.. Baka ito na ang una at huling beses. Salamat na rin at hindi masama ang mood ngayon ni Maam..

        Patuloy pa ring nagsasalita si Ms. Aria nang mapatingin ako kay Sephira, nakatulala ito at mukhang may malalim na iniisip. Ano kaya un? Hanggang ngayon kaya naaalala niya pa rin ung nangyari nung isang araw sa dalawang section 15? Well, sa isang gaya niya, mahirap iyong intindihin.. Masasanay din siya, Ah I mean, ganun kasi talaga ang mundo, mahiwaga..

        Naramdaman kong napapatingin si Maam kay Sephira.. Nako! Baka mapagalitan un, Kailangang may gawin ako! Kundi, Bengga! Napaisip agad ako ng paraan, at nakita ko ang nakalapag niyang ballpen sa desk. Sinagi ko ito at..

        Bengga! Nalaglag ito at kinuha ang atensyon ni Sephira

        "Ayy! Sorry :3" - kunwaring paghingi ko ng tawad dito. Tinignan ko sya na parang sinasabing 'O_O ---> Si Maam!!'        

        "Sa - salamat" - gulat ang mga mata nito

        Haayy, buti naman at nagets nya yon, Yeah Yeah Yeah!! Galing ko, Ako na Dabest \^o^/!! XD

        "Chrome!" - pagkalabit sakin ni Sephira..

        'O_O ---> Si Maam!!' - pagpapatuloy nya.. Ooops!! Muntik na ko dun  ah *3*'

        Pero kanina pa ko nagtataka sa kinikilos ni Ms Aria eh.. Una, ung sa labas. Ni hindi nya kami pinansin nung takbuhan namin siya at unahan.. Pangalawa, Ni hindi niya kami sinasaway, Pakiramdam ko may iba..

      

        Sephira's POV

        "Hanggang dito nalang, Time na pala" - patuloy na pagsasalita ni Ms. Aria

        "Inuulit ko, mag-iingat kayo mga Graduating Students." Pagtatapos ni maam, "At isa pa pala, Iwasan ang pagtatagal at pagpapagabi sa park at baka may mangyari na namang di maganda" pahabol pa nya. Ang park na tinutukoy niya ay ang seashore sa may entrance ng school, nakaharap kasi ito sa timog. Ang park na madalas pinagtatambayan ng mga Estudyante..

        "O'sige na, you may go"

        Pangkasabi nito, tumayo na rin kami agad at lumabas ng room.. Kahit sinaway na, dumiretso pa rin kami sa park na madalas naming pinagtatambayan upang magpahangin.. Nakakarelax din kasi dito,,

        "Chrome!" - tawag ko sa kanya habang nakayuko..

        "Oh, bakit?" - sagot nya habang nakatingin sa mga alon..

       Chrome's POV

        Andito kami ngayon sa paborito naming upuan, sa may tabing dagat sa harapan mismo ng SSU.. Kanina pa malalim ang iniisp nitong si Sephira.. Kanina ko pa sya gustong kausapin kaso mukhang wala naman sa mood makipag usap.. Nakayuko siya habang nilalaro ng mga paa nya ung buhangin sa lapag. Ako naman ay nakatingin sa malayao..

        "Chrome!" - sa wakas nagsalita na rin sya pero nakayuko pa rin..

        "Oh, bakit?" - mabilis kong sagot

Secrets of the Southern IslesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon