O M G 😱 18

169 2 1
                                    

Anak..anak.. gumising ka. Hindi pa Ito ang tamang oras. Malambing at malumanay na boses ang naririneg ko kaya pilit kong minumulat ang mata ko.

Nasilaw ako sa liwanag na nakita ko kaya sandaling napapikit ako.

Anak... Ayon nanaman ang boses na yon. Minulat ko ulit ang mata ko at nagulat ako sa nakita ko. Nasa isang malawak na lugar ako kung saan puro bulaklak. Paru-paru at naglalakihang puno ang siyang nakikita ko. Nakakamangha.

I-inay?? My pananabik na inilibot ko ang aking paningin. Pero bakit ko naririnig ang boses ni inay?

Sundan mo lang ang boses ko anak. Ginawa ko ang sinabi niya. Habang palapit ako ng palapit sa naririnig kong boses ganon rin ang kaba at pananabik na nararamdaman ko.

Malayo palang ako my nakita na akong nakatalikod na babae. Hindi ako maaaring magkamali. Kasabay ng pag lingon ng babae na my matamis na ngiti ay siyang sabay ng paglandas ng luha ko at napatitig sa babaeng kaharap ko ngayon.

Inay!!! Lumuluha akong tumatakbo at ng makalapit na ako sakanya diko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng walang kasing higpit dahil sa sobrang pananabik Saka napahagolhul ng iyak. Sinuklian din ng babae ang kanyang mahigpit na yakap habang tahimik na lumuluha habang hinahagod niya ang likod ng anak.

Inay ang saya ko. Ang tagal ko ng gusto na mayakap ka ulit. Hindi parin ako bumibitaw sa pagkakayakap sakanya. Para bang ayaw ko ng pakawalan pa.

Pero Jhe anak. Hindi pa Ito ang tamang panahon na magkasama tayo. Doon ako napabitaw ng yakap kay inay.

A-anong ibig mong sabihin inay? Ayaw mo ba akong makasama inay?? Ako kasi gustong gusto ko na kayo makasama inay. Hindi ko mapigilang maluha ulit.

Jhe-Jhe wag matigas ang ulo. Napabaling ang tingin ko sa Isa pang nag salita.

I-itay! Itay!! Mas lalo akong napaiyak ng makita ko si itay. Kompleto na ulit kame. Ang tagal kong pinangarap na magkasama ulit kami.

Itay. Inay. Buo na ulit tayo. Masaya kong sabi at niyakap ulit silang dalawa at bumitaw ulit bago sila pinakatitigan ulet ang mga mahal kong magulang.

Pero anak hindi pa Ito ang ang oras na pwede ulit tayong mabuo. Sabi ni tatay habang my malungkot na ngiti sa labi.

Anong hindi pa Ito ang tamang oras Tay? Ito na yon. Hindi ba kayo masaya na magkakasama ulit tayo inay itay ha?? Hindi ko mapigilang mag hinanakit.

Hindi sa ganon anak. Masaya kame na nakasama ka ulit namin pero ung pangarap mo anak. Ung lagi mong pinapangako samin ng itay mo na tutuparin mo. Bibiguin mo ba kame?. Sunod-sunod akong napailing sa sinabi ni inay.

A-ayaw ko kayong biguin inay. K-kaso.. Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil nahihiya ako sa kanila.

Dahil ba sakanya anak?? Napatingin ako ki itay.

A-anong ibig mong sabihin itay? Nauutal ko pang tanong.

Wag ka ng magkaila anak. Lahat ng pinag dadaanan mo alam namin. Lagi lang kaming nakabantay sayo. Sabi naman ni inay.

Anak. Hindi ibig sabihin na hindi ka nya maalala hindi naman ibig sabihin non ay wala kang halaga sakanya. Hindi kame maaring magkamali sa nakikita namin sakanya anak.

Nagtataka akong napatingin ki inay. Ano ang ibig mong sabihin inay?

Kung gusto mong malaman. Bumalik kana.

Oh My GHOST😱(Completed)YJRR-JelinaReyWhere stories live. Discover now