Chapter 12 - The Last Touch

248 10 0
                                    

Napapaisip si Jair habang nakatingin sa garden ni Lolo Theo. Hindi niya maunawaan ang sinabi ni Lanie.

Ano ang posibleng hindi niya maintindihan?

He knows pain. He knows happiness. He felt the temperature and even knew about his taste buds. So what else is missing?

"Hello, Jair."

Masama ang naging tingin ni Jair sa lalaking nasa gilid niya. Alam niyang hindi ito normal na tao dahil hindi niya iyon maramdaman sa presensiya nito.

Magkasingtangkad lang sila ng lalaki.

He looks human though. Maging ang suot nitong polo at pants ay masasabi ni Jair na normal.

"Relax. Wala akong gagawing masama sa 'yo," sabi ng lalaki habang papalapit kay Jair. "I'm Devin," pakilala ng lalaki bago inilahad ang kamay.

Dudang tiningnan iyon ni Jair. Nang akmang aabutin ni Jair ang kamay ni Devin ay biglang naglaho ang lalaki. Mabilis itong nakalipat sa likod ni Jair.

"Just kidding. I actually prefer a no touching policy," nanguuyam na sabi ni Devin malapit sa tainga ni Jair. "I also want you to mind your own business."

Nang lumingon si Jair ay muling naglaho si Devin. Nakita niya si Devin na muling nakatayo sa gilid niya. May hawak na itong maliit na kutsilyo na nilalaro-laro ng isang kamay nito.

"Take this as a warning," sabi ni Devin bago inihagis nang mabilis ang kutsilyo kay Jair.

Saglit na napapikit si Jair. Ngunit agad din niyang hinawakan at tiningnan ang sugat sa braso niya. Pagtingin ni Jair sa kinatatayuan ni Devin ay wala na ang lalaki.

Luminga-linga si Jair sa paligid at galit na inabangan ang muling pagsulpot ni Devin.

Jair was ready to grab Devin.

But the devil no longer shows himself.



For the first time Aly felt awkward while being alone with Jair. Alam ni Aly na hindi nila magagawang mag-usap ni Jair habang papauwi sila ng bahay pero wala nang dahilan para iwasan siya ng lalaki ngayong nakauwi na sila.

Kabababa lang nila ng taxi.

Nang mabayaran ni Aly ang taxi driver ay nakita niyang nauna nang pumasok si Jair sa gate ngunit dahil na kay Aly ang susi ng pinto kaya walang nagawa si Jair kundi antayin ang pagpasok ni Aly.

"Jair, kailangan nating mag-usap."

"Bukas na lang, Aly," sagot ni Jair habang hindi tumitingin sa kanya.

Nirespeto ni Aly ang desisyon ni Jair kahit na gustong-gusto niya ng humingi ng tawad at magpaliwanag.

Nang buksan na ni Aly ang pintuan at pumasok na sila sa loob ay saka lang siya may napansin.

"Ano'ng nangyari diyan?" tanong ni Aly habang tinuturo ang braso ni Jair.

"Sumabit lang ako sa gate nila Cid."

Huminga nang malalim si Aly.

"Sabay tayong lumabas at pumasok sa bahay nila Lolo Theo kaya alam nating pareho na hindi ka sumabit sa gate."

Aly knew Jair's no longer a psychopomp. But she hope he wouldn't learn to lie.

"O sige. Kung ayaw mo akong kausapin hayaan mo na lang akong gamutin ang sugat mo. Puwede ba 'yon?" malumanay na tanong ni Aly kay Jair.

"Sige."

Pinaupo ni Aly si Jair sa sofa habang kinukuha ang first aid kit na nasa ilalim ng cabinet na malapit sa kubeta.

AndrogynousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon