KABANATA 8

14K 545 37
                                    

(UNEDITED)

Azariah's POV

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ko. Mali ba ko ng hinala? Kasi kitang-kita ko sila ng dalawa kong mga mata.

"Riah, gutom lang yan. Akyat ka muna sa kwarto mo."

"P-pero..." Aangal pa sana ako nang tingnan ako ng seryoso ni Gunner.

Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Gunner. May pupuntahan daw kami. Hindi na ako nagtanong kung saan dahil mukhang mainit ang kanyang ulo ngayon.

"Let's go." Mabilis siyang lumakad palabas ng mansyon na ikina-irap ko.

May maleta akong bitbit, hindi man lang ako tinulungan?

Tahimik lamang ang naging biyahe namin. Makakatulog ako at magigising na nasa gitna parin kami ng biyahe.

"Gunner, saan ba tayo pupunta?"

"Isabela." What? Ngayon lang ako nakalabas ng Manila, at arogante talaga ako pagdating sa ibang mga lugar. "Sa Isabela ang biyahe natin. Go back to sleep, malayo pa tayo." Hindi man lang ba ko tatanungin nito kung gutom na ba ako o hindi pa?

"Gutom na ko, Gunner." Reklamo ko na ikinatingin niya sakin.

"Mayroon tayong baon na pagkain, Riah. Nasa backseat, kunin mo nalang." Ang gentleman niya, no?

Sinunod ko nalang ang sinabi niya dahil nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom.

Kumuha ako ng tatlong sandwich na mukhang siya ang gumawa dahil wala naman kaming ibang kasama sa mansyon niya.

Mabilis kong inubos ang dalawa. Kakagat na sana ako sa pangatlo nang maagaw niya ang atensyon ko.

"Riah, gutom din ako. Hindi mo man lang ba ako pakakainin?" Seryoso niyang sabi na ikinanganga ko. "Feed me, Riah."

"Susubuan kita?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Masusubuan ba ko ng manibelang hawak ko?" Napairap ako sa sagot niya. May pagka-pilosopo rin pala ang gago.

Iniumang ko sa labi niya ang sandwich na hawak ko. At para akong tanga na hinihintay na kumagat siya habang nakatitig ako sa labi niya.

"You want to taste my lips?" Mabilis nalipat ang tingin ko sa mga mata niya. Pinaglalaruan niya ko.

"No way!" Dahil sa irita ko ay sinaksak ko sa bunganga niya ang sandwich na hawak ko. Agad siyang kumagat ng malaki kaya natahimik siya.

Natapos kaming kumain ng tahimik. At kapag isang Gunner Mondego ang kasama mo ay mapapanisan ka talaga ng laway. Kaya buong biyahe ay pinili ko na lamang ang matulog.

Nakarating din kami sa probinsya. Ang sarap ng simoy nang hangin. Malinis at tahimik din. Nakakatuwang tingnan ang mga kalalakihang sakay ng kalabaw at masayang nagkukwentuhan. May mga nagbibilad din ng mga palay sa gilid ng daan at masaya ring ginagawa ng maayos ang mga trabaho nila. This is the life I want. Simpleng buhay.

"Tatay Mauricio, ito po si Riah. Ang asawa ko." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Gunner sa matanda.

"Napakagandang bata naman." Puri niya na ikina-ngiti ko.

"Magandang gabi po." Bati ko na ikinatango niya.

Pumasok kami sa kanilang maliit pero malinis na bahay. Tanging sila lamang palang mag-asawa ang nakatira dito. At sila pala ang nag-alaga kay Gunner nung maliit pa ito kaya malapit ang binata sa mag-asawa.

"Mabuti at nakarating kayo, anak." Wika ni Nanay Marcela at mukhang tuwang-tuwa siya sa pagbisita namin dahil hindi siya magkamayaw sa pag-asikaso sa aming dalawa.

"Hindi ko naman kayo matitiis, nay." Napangiti ako ng maluwang sa sinabi ni Gunner. Hindi ko alam na sa malamig niyang pagkatao ay may nakatago palang isang mainit na pagmamahal para sa dalawang matanda.

Kumain kaming apat na masaya. At napuno ng kwentuhan at halakhakan ang munting bahay nina Tatay Mauricio at Nanay Marcela. Mas masarap ang simpleng buhay dito sa probinsya kaysa sa lungsod na puro krimen at kaingayan ang sasalubong sayo.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Gunner. At namamangha kong tiningnan ang buong paligid. Fiesta pala sa araw na ito kaya naman pala makulay ang buong paligid. Ang lahat din ay busy sa kani-kanilang bahay dahil sa pagluluto at ginagawang paghahanda para sa fiesta.

"I really love this place na, Gunner. Dito nalang tayo pwede?" Biro ko habang tinitingnan ang mga kababaihang nagsasayaw sa kalsada.

"Maiwan ka kung gusto mo." Tsaka ako tinalikuran. Napanguso ako. Ang sungit sungit talaga!

Humarap muli ako sa kalsada at natutuwang tiningnan ang mga pumaparada. May mga bata, matanda, dalaga't binata, sabay-sabay silang sumasayaw habang lumalakad ng marahan. Nakakatuwa silang panoorin.

"Bago ka dito?" Napalingon ako sa lalaking nasa gilid ko. Moreno siya pero gwapo.

"Oo. At ang saya dito sa lugar nyo." Natutuwa kong sagot sa kanya na ikina-ngiti niya.

"Akala ko ay hindi mo ko papansinin. Ang ganda mo. Anong pangalan mo?"

"Azariah Cadiente, Riah nalang." Nakangiti kong sambit.

"Gardo nga pala." Nagkamay kami at nagkwentuhan. Hindi ko rin alam kung bakit napapasulyap samin ang ibang mga tao. Siguro dahil bagong mukha ako dito sa lugar nila?

Nagkibit-balikat ako bago nagpaalam kay Gardo na uuwi na.

"Saan ka galing?"

"Sa labas. Nanood ng parada. Sayang, hindi mo napanood! Ang gaganda at galing nila."

"May pupuntahan tayo nina nanay at tatay, kung saan saan ka nagpupunta." Napairap ako ng lihim. Konrabida lagi!

Nagpunta kami sa isang bukid na malawak at napansin ko na napakadaming tao sa paligid. Tila may inaabangan sila. Artista kaya?

"Iaanunsyo na ang mga kalahok natin sa ating unang palaro. Pero, paano nga ba ang palaro natin ngayon? Nakikita ninyo ang tatlong kulungan na yan at mga biik? Simple lang, kailangan ninyong makahuli ng tatlong biik. At kapag nagawa ninyo iyon, panalo na kayo!" Nagpalakpakan ang lahat bago muling nagsalita ang tagapagsalita ng laro. "Inaanyayahan po namin dito sa aming harapan sina Jose at Maria. Boyet at Dana. Gunner at Riah." What the?

Wala akong nagawa nang hilahin na ako ni Gunner sa harapan. Hawak niya ang kamay ko kaya kahit papaano ay naibsan ang kaba ko. Nagtilian ang mga kababaihan at mukhang alam ko na kung bakit. Sa gwapo at tikas ni Gunner sinong hindi babagsak ang panty?

"Goodluck sa lahat ng ating kalahok! Umpisahan na ang laban ninyo."

Agad kaming pumasok ni Gunner sa unang kulungan, ganun din ang mga kalaban namin.

"Sa kanan ka at sa kaliwa ako." Natawa ako kay Gunner dahil alam kong tulad ko, ay hindi rin niya alam ang gagawin.

Dahil parehas kaming nakaputi na damit ni Gunner ay napakadungis na namin kakahabol sa mga biik na hindi namin mahuli-huli. Puro putik pa ang inaapakan namin.

Napapalo ako sa noo ko dahil sa pagod ko. At napapikit ako sa init. Pero sa pagdilat ko ay siyang yakap sakin ni Gunner ang sumalubong at ikinagulat ko.

Nanlaki pa ang mga mata ko nang bumagsak kaming dalawa sa putikan. Pakiramdaman ko ay huminto ang mundo ko. Pati ang mga taong nasa paligid namin ay natahimik nang makita ang ayos naming dalawa.




Nakapatong lang naman si Gunner sakin at magkalapat ang aming mga labi.

Mafia Boss: Gunner MondegoWhere stories live. Discover now