KABANATA 18

10.8K 493 46
                                    

(UNEDITED)

Azariah's POV

Mabilis akong hinagisan ng malaking tshirt ni Gunner. Wala na akong naging tanong dahil ako ang natataranta sa mabibilis nyang kilos at hakbang. Nang maisuot ko ang tshirt at nakuha na nya ang mga kailangan nya ay agad nyang hinawakan ang isa kong kamay habang sa kabilang kamay nya ay isang baril naman. Lumabas kami ng kwarto at kadiliman ang sumalubong sa amin and it's creeping me out. Nasaan ang mga magulang ni Gunner? Pati na si Gustavo?

Walang nagsasalita sa aming dalawa ni Gunner. Sumusunod lang din ako sa mga bawat hakbang nya. Hindi ko alam kung anong nangyayari at wala akong ka-ide-ideya. Alam kong isa ang pamilya nila Gunner sa pinaka-makapangyarihang tao hindi lamang sa bansang Pilipinas kundi narin sa iba-t-ibang bansa pero hindi ko inaakalang ganito naman ang banta sa mga buhay nila. Laging may nakatutok na nguso ng baril sa mga ulo nila na anumang oras ay pwedeng kumitil sa mga buhay nila inshort kalahati ng buhay nila ay nasa hukay sa klase ng pamumuhay mayroon sila.

Sunod-sunod na putok ng baril ang naulinagan namin kasabay ng pagkabasag ng mga vase sa gilid namin kaya mabilis akong hinila ni Gunner sa isang sulok at ikinubli ako sa kanyang likuran. Napalunok ako. Paano kung isa sa aming dalawa ang tinamaan ng bala?

"Dammit!" Rinig kong mura ni Gunner bago ako hinila palabas sa pinagtataguan namin.

Sunod-sunod na putok ang pinakawalan ni Gunner sa magkabilang direksyon at rinig ko ang pagbagsak ng mga katawan ng napatay nya.

Mabilis naming tinalunton ang mahabang hallway patungo sa isang kwarto na halos nasa dulo na. Pumasok kami at agad isinara ni Gunner ang pintuan.

"A-anong nangyayari Gunner? Ang mga magulang mo? Nasaan sila?" Nagaalala kong tanong sa kanya.

"Be ready. They're after us." Ibinalibag nya sakin ang isang baril na nasambot ko naman agad.

Nanginginig ko itong hinawakan at tumingin sa kanya.

"A-ano 'to?"

"Beretta m9 9mm pistol."

"What the fuck?! I am damn serious here, Gunner!" Iritado kong sigaw sa kanya. "Anong gagawin ko dito? Makikipag-patayan din?!"

"Shot the enemy. We will burn their ass with our loading guns."

"A-ayoko." Taranta kong ibinalik sa kanya ang baril.

Pakiramdam ko bumalik ako sa araw nang mismong kasal dapat namin ni Gunner ngunit hindi natuloy dahil sa mga tumambang sa amin ng mga pinsan nya. At hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino sila. I don't have any idea about them.

"Riah, nasa tabi mo ko. Kailangan kita sa mga oras na 'to. Alam kong kaya mong makipag-sabayan sa ganitong sitwasyon. Nasa dugo mo yan." What?

"Wala sa dugo namin ang sumabak sa giyera, Gunner!"

"Trust me. You're the queen of soldiers. Let's go!" Hindi na ako nakapalag nang halos kaladkarin nya ako palabas ng kwarto at pilit na inabot sakin ang baril na binalik ko sa kanya kanina. "In your right side, shoot it." Pikit-mata akong humarap sa kanang direksyon ko at sunod-sunod na putok ang ginawa ko.

Rinig ko ang pagbagsak ng isang tao sa sahig na ikina-ngatal ng mga kamay ko. Nakapatay ako? Nakapatay ako ng tao?

"Sshh. Hold your emotions, sweetie. This is just the beginning."

Kahit nanghihina ay nagpadala ako kay Gunner sa paglalakad. Mabilis kaming nakababa ng sala at kahit dito ay madilim at magulo na. Natatapakan na namin ang mga nabasag na gamit nila. Mabuti na lamang at naka-tsinelas ako kung hindi tiyak na masusugatan ako dahil sa nagkalat na mga bubog.

Mafia Boss: Gunner MondegoWhere stories live. Discover now