Epilogue

2.8K 53 8
                                    

Minsan may mga taong hindi nabibiyayaan ng happy ending.

Minsan merong relasyon na hindi na nga happy, may ending pa.

Minsan happy na may ending pa.

Minsan naman happy na, wala pang ending.

Hindi natin masasabi kung anong gustong gawin satin ng Diyos. Minsan kase yung akala nating happy ending, ay hindi pa pala ang huli at ang pinakamasaya. Minsan nga kinukwestyun pa natin ang diyos kung bakit ganun. Pero kahit ganun, dapat magpasalamat tayo sa kanya. Binigyan nya tayo ng experience na minsan nating minahal ng lubos. Minahal ng sobra.

Ipagpasalamat natin sa Diyos na nandito tayo sa mundo at binigyan ng isang experience na hindi natin makakalimutan.

Ngayon, may anak na kame ni DJ. Si DJ Liit. Hindi DJ liit na nakasama namin. Kundi ang anak namin. Nagmula saming dalawa. Dane Jethro ang napiling pangalan ni Daniel. Para daw merong DJ laki at DJ liit. Ewan ko ba dito sa asawa ko. Ang daming gustong ipangalan sa anak namin. Nung una, David John. Tapos inayawan. Pangalawan, Darren Joseph. Pero inayawan din. At pangatlo, Daniel James. Pero inayawan din nya. Hanggang sa napili nya ang Dane Jethro. Mas maganda daw pakinggan. Sabi ko Daniel James na lang. Masyado daw banyaga. Si DJ liit naman na nakasama namin, he's now 6 years old. Pinupuntahan din namin sya minsan. Kasama si Dane. Napagkakamalan ngang magkapatid yung dalawa.

"DJ!" sigaw ko. Parehas naman silang lumapit sakin.

"Mama!" sabi ni DJ liit. he's now 3 years old. Kahawig ni Daniel.

"Yes baby?" sabi ko sa kanya at hinalikan ang pisngi nya.

"One mowe mama." sabi ni DJ liit. Kiniss ko ulit sya.

"Ako? Wala?" sabi ng tatay nya at nag-pout pa.

"Mama! Kish papa. Dawi na. Mama! Kish na. Kish na papa. Pwease? I won't yook (look). Pwomise. I'll count. One. Two. Thwee. Kish na." sabi ni DJ liit. Hinalikan naman ako ni DJ.

"Baby, di ako kiniss ni mama mo. Sabihin mo isa pa." sabi ni Daniel.

"No. No. Mama, papa, kish nyo po ako. Shabay. Heehee *^o^*" sabi ni DJ liit.

Nang hahalikan na namin sya, bigla syang umilag. Mautak 'tong batang 'to.

"Thank you baby." sabi ni DJ laki sa anak namin.

"You're weycome daddy."

"Bad baby." sabi ko. At kunyare nagtatampo. Hinalikan naman ako ni DJ liit sa cheeks.

"Sowi mama." sabi nya at hinalikan ulit ako. Hinalikan naman ako ni DJ sa noo.

Eto lang ang iiwan ko sa inyo:

Sometimes, we can't tell what it's going to be. We better wait for the right thing. We should wait for the better.

Taken By Bad Boy But Good Boy [KathNiel FanFic] FINISHEDWhere stories live. Discover now