Prologue

1.7K 25 0
                                    

Disclaimer

This story is a work of fiction, Names, Characters, Place, Businesses, events and incidents are either the products of the Author's imagination or use in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the Author.

Plagiarism is a CRIME

***

Alyzabel, anak, sigurado ka na ba sa pasya mo? Mahirap maging isang undercover agent”

Tumunghay si Alyzabel sa kanyang ama, Sigurado na ako, dad, saka pangarap ko naman talaga ng ganitong propesyon, pinagbigyan ko lang si mom na tapusin ang business administration”

“Kung gan'on ay ikaw ang masusunod, welcome ka naman sa LZ Detective Agency”

Ang ama kasi n'ya ang director ng LZ Detective Agency kaya walang magiging problema kung magiging isang undercover agent sya, bukod kasi sa gusto n'yang makatulong ay pangarap n'ya talaga na maging detective pero dahil sa hiling ng kaniyang ina ay Business Administration ang tinapos n'yang kurso.

“Thanks, dad, don't worry, hindi ako mapapahamak

Aasahan ko 'yan”

Madali nyang natapos ang unang misyon na ibinigay sa kan'ya, simple lang naman kasi 'yon, ang magmanman sa isang karaoke bar na pinaghihinalaan ng awtoridad na nagbebenta ng droga, nagawa n'yang makorner ang isa sa trabahador sa bar at nakakuha s'ya ng sapat na impormasyon para mahuli ang may-ari ng bar at ang mga taong bumibili ng droga doon.

Magaling, Alyzabel. Maaasahan ka talagabati sa kan'ya ng kan'yang ama. Ngumiti s'ya dito, ngiting may pagmamalaki at kaligayahan.

“May may bago kang misyon, iba ang isang 'to pero sana ay tanggapin mo”

Ano po 'yon?”

Babantayan mo ang isang highschool student”

Natigilan si Alyzabel, iba nga ang misyong ito. Hindi n'ya linya. Ayaw n'ya sanang tanggapin ngunit nang makita ang mukha ng kan'yang ama ay napabuntong-hininga nalang s'ya, mukhang hindi sya nito hahahaang makatanggi.

Kakausapin natin mamaya ang ama ng babantayan mo at kung tatanggi ka, i'm sorry princess pero kailangan mong bumalik sa pamamahala sa negosyo natin

As expected, ibablackmail sya ng ama. Wala na syang nagawa kundi tanggapin ang misyon, kaysa naman maalis s'ya sa propesyong gustong-gusto n'ya, titiisin nalang n'ya ang magbantay ng bata. Buhay nga naman!


Our Teacher Is My BodyguardWhere stories live. Discover now