Chapter 1

1.2K 21 1
                                    

Chapter 1
Kean Eros Neon Sylvestre

"Ano ba Dos! Lumayas ka nga dyan! Naaalibadbaran ako sayo!" Inis na ginulo ko ang buhok ko saka pupungas-pungas na tumunghay sa harapan ko.

Inaantok pa ko leche! Ano bang ingay 'yon? Inis akong nagkamot ng ulo nang makita kung sino ang nag-iingay.

"Ano ba Dos at Loki! Tatadyakan ko kayong dalawa e! Ang ingay-ingay nyo!" Singhal ko kina Dos at Loki na nakatayo sa harapan ko.

Ano bang problema ng mga 'to? Hindi ba nila alam na may natutulog na gwapo? Psh!

"Eto kasing si Dos, pahara-hara!" Inis na sagot ni Loki habang dinuduro si Dos.

Nangunot ang noo ko. Bakit ba nakatayo to sa harap ng bintana? Katabi kasi ng bintana ang upuan ko kaya nasa harap ko tong dalawang ulaga na to. E bakit ba kasi nandito ang dalawang 'to?

"E ano ba kasing tinitingnan mo dyan? Ang weird mo talaga! Minsan naisip kong kapatid mo to si Ken e. Pareho kayong may tama ang utak" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Dos.

Tangina bat nadamay ako?

"Aba't! Hoy Deon Oliver Sanchez ! Bat dinadamay mo ko ha?! Kayo lang ang nag-aaway kanina ah!" Nanlalaking mata na sabi ko kay Dos.

Tumayo pa ko para pumantay sa kanya na hindi ko napantayan kasi mas mataas ako sa kanya. Hah! Ang laki talaga ng lamang ko sa kanila, gwapo na matangkad pa!

"Hoy mga ungas tama na yan! Nandyan si Ms. Park" napatingin kami kay Chiron na nakaupo sa katabi ng upuan ko at sa unahan kung saan nakatayo si Ms. Park, ang principal ng school.

Bat andito ang principal? Baka may ginawa nanamang kalokohan si Chiron ah?

"Mamaya kayo sakin!" Banta ko kina Dos at Loki.

Nginisihan lang nila ako kaya inirapan ko sila. Hindi ko talaga alam kung bakit naging kaibigan ko ang tatlong 'to. Ang lalayo ng agwat namin, ang gwapo ko masyado e!

"Good morning class 12-B" bati ni Ms. Park.

Tumayo kami at bumati sila pabalik. Tinatamad ako bumati e bakit ba?

"Okay. Nagresign na si Mrs Villeno na dapat ay adviser nyo, kaya bago ang teacher nyo ngayon. Umaasa ako na igagalang nyo sya at hindi babastusin" sabi ni Ms. Park kaya palihim na tumaas ang kilay ko.

Masyado ba kaming mukhang mga gago para mambastos ng guro? Saka mukha bang papatol kami sa matanda? Nang-iinsulto ba to si ma'am? Sige nga, tingin ng mukha ng bagong teacher na 'yan.

"Ma'am babae po ba sya?" Tanong ng isang kaklase namin na babae.

Nerd sya, pero ibang klaseng nerd to. Nananapak!

"Yes. And she's with me. Ms. Kim. Please come in" tawag ni ms. Park sa kung sino ang nasa labas ng classroom.

Ngumisi ako habang nakatingin sa pintuan. Ano kayang hitsura ng bagong teacher na 'yan? Baka panget naman! Tsk!

Our Teacher Is My BodyguardWhere stories live. Discover now