Anaya 1

4.9K 70 13
                                    

"Mas maganda kang tignan ngayon" nakangising sabi ni Kim pagtapos niyang buhusan ng isang litrong coke si Anaya.

Nakayuko si Anaya at dahan dahang iniangat ang ulo saka tumayo at ngumiti kay Kim.

"Thank you po, lilinisin ko lang po yung natapon maam"nakangiting tugon nito at makikita mong walang halong pagkainis o kaplastikan ang pagkasabi niya.

Nakatayo lang ako at pinapanood sila at hindi nila alam na dalawa iyon.

"Pathetic!"hiyaw ni Kim saka hinila ang buhok ni Anaya, hindi sumigaw o nag sabi ng 'aray, tama na po' si Anaya bagkus hinayaan lang niya si Kim. Hindi ko alam bakit ni minsan hindi siya lumaban sa tuwing inaapi siya.

Umatras ako ng 4 na hakbang.

"Kim?!"kunwareng hanap ko sa kanya at dahan dahang naglakad papunta sa kusina

Pagdating ko nakita king tinutulungan na niya si Anaya na linisin ang muka nito dahil malagkit.

"Oh? Earl. Bakit?"inosenteng tanong nito.

"Anong ginagawa mo?"takang tanong ko dito

"Ohh this?"sabay turo sa muka ni Anaya "Just helping her, ang lagkit niya ewan ko ba kung bakit eh"nakangiting sabi nito

"Anong nangyari sayo Anaya?"tanong ko dito pero kay Kim pa din ako nakatingin

Hinawakan ni Kim si Anaya sa kamay at alam kong pinipiga nya yun para sa babala.

"Binuksan ko po kasi yung coke sir tapos po biglang tumapon, naalog ho siguro, pasensya na"nakayukong sagot nito

Magaling. Hindi naman ako naaawa sa kanya o kahit ano. Sa totoo lang I hate Anaya because my parents like her than me and my sister.

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

"Anaya!"tawag ko dito

"Po?"pagkapunta niya sa kwarto ko

"Laban mo yung polo kong green kailangan tuyo na yun mamayang 4"utos ko dito

Wala naman akong pag gagamitan non, 3:40 na kapag hindi yun natuyo ng 4, Fired her is a best way.

Kinuha naman niya agad at umalis sa kwarto ko.

"Anaya!"tawag ko dito

"Po?"tugon nito

"Nasaan na ang polo ko?"tanong ko dito

"Wait lang ho kukunin ko lang"sabi nito

Pagakyat niya nakahanger na ito at naka plantsa.

Bwiset.

"Lutuan mo ako ng adobo bago mag 4:20 nakahain na yun"utos ko dito

Tumango siya sa akin at lumabas ng kwarto.

*tok*
*tok*

"Sir nakahain na ho"pagtingin ko sa orasan ko 4:18 pa lang

Tinignan ko siya ng masama at lumabas ng kwarto saka siya binagga, nawalan naman siya ng balanse at napaupo

Pagkababa ko maayos naman ang pagkakahain ng tikman ko na iyon at napamura na lang ako, paano niya ba nagagawa to?

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

"I hate you!"dinig kong sigaw ni Pearl sa kwarto niya at nadinig kopa ang pagkabasag ng mga ilan na gamit.

Sumilip ako at nakita kong pinagbabato niya si Anaya na nakatayo lang at nakayuko, punit na ang ilang bahagi ng longsleeve na suot nito at may dugo pa pati sa muka nito.

Anaya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon