Anaya 9

1.7K 21 1
                                    

Sa aking pangungulit sa magulang ko ay napilit ko din sila na pauuwiin ako, hindi naman pananakot yung hindi ako magpapagamot kapag hindi pa nila ako pinauwi diba?

Nakuwi ako ng gabing gabi na, umalis sila mama at papa para sa isang business ekek nila at si Pearl ay nagbabakasyon kahit hindi pa naman bakasyon, yung batang yun talaga oo.

At dahil kyut ako haha, pinagbakasyon ko din yung mga kasambahay ng ilang araw at si Anaya lang ang hindi hehe, galit ata sakin yun eh, hindi ako sure, hindi pa kasi ako bumababa para mag agahan.

Ang bigat kasi ng pakiramdam ko eh, ewan ko nilalagnat ata ako haha.

Pumayag din naman si Anaya na dito muna siya at wala din naman siyang gagawin sa kanila.

Ng makarinig ako ng 3 katok ay umupo ako ng maayos at kunware ay nag cecellphone ako hihihi.

"Dinalhan kita ng pagkain, hindi kapa kasi bumababa"sabi niya habang sinasara dahan dahan yung pinto dahil hawak niya yung mga pagkain at kung pwede ko lang siyang tulungan ay tinulungan kona pero baka hindi ako makatayo ng maayos.

"Ano kasi, tinatamad ako haha"palusot ko

Nilapag niya ang pagkain at lalabas na ng pinto ng pigilan ko siya.

"Saan ka pupunta?"tanong ko dito

"May gagawin pa ako sa baba" tugon nito

"Samahan mo muna ako, kaya lang naman kita pinaiwan kasi gusto kitang kasama"nakangusong sambit ko dito

Lumapit siya sa akin at umupo sa harap ko.

"Girlfriend moko ah, bakit nagsisikreto ka sakin?"seryosong tanong niya

"Ayoko lang naman na magalala kapa"tugon ko

"Malaman ko man o hindi, kapag wala ka sa paningin ko nagaalala na ako, nakakainis ka"mahinahon man halata ang pagkainis niya

Lumapit ako at niyakap siya saka nilagay ang baba ko sa balikat niya.

"Nilalagnat ako, kanina lang. Sumakit ulo ko nitong nakaraan kaya nawala ako, pasensya na kung hindi ko sinabi, sorry na Anaya ko"tugon ko sa kanya

"Kumain kana, kukuha ako ng gamot"sagot niya

Umalis ako sa pwesto namin at bago siya tumayo ay kiniss niya ko sa noo, dapat ako gumagawa nun eh, at nilapit niya yung pagkain sa akin at bumaba.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

Nakahiga lang ako habang nanunuod siya ng tv sa tabi ko, ayaw niya akong panoorin lalo daw eka sasakit ulo ko, banaman to.

"Anaya ko, kwentuhan mona lang ako, patayin mona yan"sabi ko dito, saka hinawakan ang kamay niya, sempre tumagilid ako para abutin yun.

Narinig kong pinatay na niya ang tv at tumagilid ng upo, para humarap sa akin.

Hinawakan niya ang noo ko at nilagay sa dibdib ko.

Sa totoo lang kanina pa ako nasusuka, nakakainis hindi lang ako makatayo.

"Anaya ko, nasusuka ako"sabi kona dito, baka masuka pa ako dito

Tumayo kami pareho at pumunta sa banyo dito sa kwarto ko, nakatapat ako sa bowl at iniintay ang pagkasuka ko.

"Ano bang nararamdaman mo? G-gusto mo dalhin kita sa hospital?"halatang tarantang tanong nito

Hinawakan ko amg kamay niya at nilingon siya.

"Sshh, nilalagnat lang ako, ganito talaga ako lagnatin"sabi ko dito para hindi na siya magalala pa

Ng makasuka ko ay inalalayan niya akong mahiga ulit.

Anaya (COMPLETED)Where stories live. Discover now