PAUNANG SALITA

606 11 2
                                    


Una sa lahat, isang taos pusong pasasalamat at papuri ang inihahandog ko sa Diyos na buhay na siyang nagbigay sa akin ng kakayahan na maisulat and seryeng  BESTFRIENDS Series na sinubaybayan at sinuportahan ng mga mambabasa. Kung hindi sa Kanya, hindi ako makakalikha ng ganitong konsepto ng serye para pasayahin at aliwin ang mga mambabasang Pilipino.

Pangalawa, nagpapasalamat rin ako sa aking Publisher na Sina Mang Harry at Nini, na patuloy na nagtitiwala sa aking kakayahan sa pagsusulat. Sila ang uri ng Publisher na ang turing sa akin ay hindi lang isang manunulat kungdi isa na ring Kaibigan na natatakbuhan ko sa oras ng aking pangangailangan. Sa totoo lang, mabait sila talaga! At siyempre, salamat rin sa daughter nila na si Shasha, ang may pakana ng magagandang cover ng Bestfriends.

Pangatlo, hindi ko maaaring kalimutan na magpasalamat sa lahat ng aking mga tagasubaybay na nagsisilbing inspirasyon sa akin na magpatuloy sa pagsusulat kahit na nga minsan ay nananakit na ang likod ko at nagkakandapuyal-puyat ako sa harapan ng computer. Taos sa aking puso ang pasasalamat sa inyong lahat, mga giliw na mambabasa. sa inyong walang sawang pagsubaybay at suporta. Kung hindi sa inyo, wala si Aira Ledesma sa larangan ng pagsusulat.

Pang-apat, gusto ko ring pasalamatan ang lahat ng mga taong nasa likod ng pagbuo ng aking mga libro sa pangunguna ni Delia Canaya, ang in-charge ng produksiyon, kay Mang Ding-ang operator, kay Bernard, ang cutter, kay Mang Caloy-ang stripper at sa lahat ng mga binders na sina Edelyn Orseno, Emerson Orseno, Wilnor Baita, Lilia Depositario, Jonathan Apin, Jimmy Betito at Dindo Hasarino. Sila ang mga piping bayani sa likod ng bawat piraso ng BESTFRIENDS. Siyempre, hindi puwedeng kalimutan ang aming lay-out artist na si Celia, ang nagdidisenyo ng bawat pahina ng aming mga libro.

At ngayon, kakabit ang tapos pusong pasasalamat sa aking puso, kalakip ang ibinigay ninyong inspirasyon  muli akong nagsisimula ng isang panibagong serye na inaasahan kong magugustuhan rin ninyo, magpapasaya ng inyong mga araw, magbibigay ng aral at higit sa lahat, magpapatawa sa inyo.

My dear readers...inihahandog ko ang LADIES and GENTLEMEN sa inyong lahat!


                                                                                                        Aira Ledesma

MR.  MAKULITZWhere stories live. Discover now