Walang Babalikan

3.9K 172 3
                                    

Magandang hapon guys! Simula na naman nang pagbabalik wattpad ko! Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nagbabasa ng mga gawa ko. As promised here is another love story na pinangako ko sa inyo, hope magustuhan niyo din ang love story nila Simon Lopez at Mathew Montelivano.

Picture of Simon Lopez on the right======>>>>>>>>>

Song is Stone Cold by Demi Lovato

===============================================================================

CHAPTER ONE

Simon's POV

"I'm sorry Danilo, pero wala akong gusto sayo." ang walang kaemosyon emosyon kong sagot kay Danilo.

Si Danilo ay classmate ko sa isa sa mga subject ko, matagal ko nang nararamdaman na may gusto ito sa akin.

In all fairness to Danilo, he's really a good looking guy, no wonder that a lot of our classmates and schoolmates are trying to catch his attention, but for some reason sa akin ito nagkagusto, pero kahit gaano pa ito kaguwapo ay walang epekto sa akin ang bagay na iyon, kaya naman naging madali sa akin na iturn down ang nararamdaman nito.

"But why.....?" kita ko ang kalituhan sa maamo nitong mukha, hindi ko tuloy maiwasang hindi maawa sa naging reaksyon nito, pero bigla iyong nagbago ng muli itong magsalita.

"Guwapo naman ako, madami ngang nagkakagusto sa akin?" tuluyang nawala ang awa ko dito, naalala kong conceited at mayabang nga pala ang taong ito, which is a major turn down for me, pero kahit naiirita na ako sa kahanginan nito ay minabuti ko na lang na itago iyon.

"Mas gusto ko muna kasing magfocus sa pag-aaral ko at wala pa akong panahon para pumasok sa isang relasyon." paliwanag ko naman dito, totoo naman talaga na gusto kong ituon ang atensyon ko sa pag-aaral.

"But still..... puwede naman maging inspiration mo ko sa pag-aaral, kaya sagutin mo na ako." patuloy ito sa pangungulit sa akin, nararamdaman ko na konti na lang at tuluyan nang mawawala ang hinahon ko dito.

"You're a good looking guy Danilo at alam kong makikita mo din ang tamang tao para sayo." sinabi ko dito.

"Iyon naman pala eh, why not give it a try, kung sa iba ako nangligaw, siguradong oo agad ang sagot non." mayabang nitong sinabi, that does it, kung kanina ay pinipigilan ko ang sarili ko, pero ngayon wala na akong ipakita sa taong ito ang kayabangan nito.

"Eh iyon naman pala eh! Bakit hindi na lang iba ang ligawana mo at huwag mo na akong guluhin, at kung sakaling magkaboyfriend man ako, for sure hinding hindi ikaw iyon, dahil ayokong ayoko sa taong mayabang na parang feeling niya ay regalo siya ng Diyos. GOODBYE!" hindi ko na hinintay ang reaksyon nito at agad ko na itong iniwan, wala akong pakialam kung sakaling may makakita man nang ginawa ko at naging bastos man ako dito, may hangganan din ang pasensiya ko.

Mabuti na lang talaga at uwian na kaya naman konti lang ang nakakita sa pag-uusap naming iyon ni Danilo, kaya naman nagdecide na akong umuwi na lang, ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ng gate ng school at narinig ko na ang pagtawag sa akin ni Brenda.

"Hoy Simon! Hintayin mo naman ako!" pasigaw nitong tawag sa akin. Agad naman akong tumigil sa paglalakad at hinintay itong makalapit sa akin, hinihingal pa ito sa ginawang pagtakbo nito.

We've been friends since we were kids, kasabay ko itong lumaki kaya naman mula elementary at hanggang ngayong college na kami ay parehong school ang pinasukan namin.

"May binasted ka na naman mangliligaw?" tanong nito, habang nakatingin sa bandang kanan ko, hindi ko man tignan ang tinitignan nito ay alam kong si Danilo ang tinutukoy nito.

Ex Kong Superstar (BoyxBoy)Onde histórias criam vida. Descubra agora