Akala Ko

1.8K 92 12
                                    

Hi guys! Bakit pakiramdam ko ang bigat ng araw na ito. Ito na naman ako nag eemo hahahaha. Pero kailangan pakatatag. Pero naramdaman niyo na ba iyong tipong pakiramdam mo stuck ka, at hindi mo alam kung paano makakawala? But anyway let's go back to the story. Sorry more than a month na pala since last update ko.

Picture of Simon Lopez on the right ======>>>>>>>>>

Song is Be Alright by Dean Lewis

===============================================================================

CHAPTER SEVENTEEN

Simon's POV

"You're throwing everything away just for me. Hindi ko matanggap sa sarili ko na basta mo na lang itapon ang pangarap mo na matagal mo nang gustong abutin, nang dahil lang sa akin."

Isang mapait na ngiti ang namutawi sa mga labi ko ko nang muli kong maalala ang sinabing dahilan ni Matthew.

Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap sa sarili ko ang dahilang iyon ni Matthew. Karapatan ko ang magdecide sa sarili kong future, walang kahit na sino ang puwedeng magdesisyon para sa sarili ko.

And I decided to continue living...... without Matthew. Whatever his reason is, buo na ang desisyon ko na hindi na ito bigyan ng pagkakataon.

"Good morning." nakangiti kong bati sa mga magulang ko na naabutan kong nag-aalmusal na. Kita ko naman ang pagkagulat sa mga mukha nila nang makita ako.

Dalawang araw din kasi akong nanatili lang sa kuwarto ng kumalat ang tungkol sa amin ni Matthew at nang huling pag-uusap namin nito.

Dalawang araw na din akong hindi pumasok sa school, umaasa kasi ako na kahit paano ay humupa na ang balita ng tungkol sa amin ni Matthew, besides it's all in the past.

"Are you sure handa ka nang pumasok?" nag-aalalang tanong ni Dad sa akin, pareho silang nakatingin sa akin na tila ba any moment ay bigla akong mag aoutburst.

"Of course, besides hindi ko hahayaan na magulo ang buhay ko ng dahil sa kung anuman meron kami dati ni Matthew." sagot ko sa kanila, para mas mapaniwala sila ay isang malapad na ngiti ang lumabas sa mga labi ko.

"Sabi mo eh." narinig ko naman na sinabi ni Mommy na hindi ko na din pinansin.

Matapos mag-almusal ay dali dali na akong nag-ayos papasok, maaga pa naman, pero mas mabuti na ito, para just in case na may nag-aabang sa akin sa school ay hindi ako maabutan, nagtext na din ako kay Brenda tungkol sa plano ko at maaga na din daw itong papasok.

During those two days na hindi ako pumasok ay madami akong naisip na mga bagay, sa mga araw din na iyon ay tanging ang mga magulang ko at si Brenda ang kasa-kasama ko. I don't need Matthew just to be happy, I still have my parents and Brenda na hinding hindi ako sasaktan.

Matapos ang halos trenta minutos na pag-aayos ay handa na akong pumasok. Nagdecide akong magsuot ng shades at bonnet just in case na may makakilala sa akin, hindi ko alam kung hanggang saang extent ang pagkalat ng balita, lalo na't sikat na sikat si Matthew sa buong mundo.

Sabay na kami ni Brenda na sumakay ng Jeep papunta sa school, so far so good, dahil wala naman akong napansin na kakaiba sa paligid, hanggang may magboyfriend na sumakay sa jeep na sinasakyan namin.

Agad ko naman napansin ang pagtitig ng kasama nitong babae, bigla naman ang pagbangon ng kaba sa dibdib ko sa paraan ng pagtingin nito sa akin.

"Shit! Mukhang hindi effective ang disguise ko!" sa loob loob ko na pilit tinutuon ang atensyon sa ibang direksyon.

Ex Kong Superstar (BoyxBoy)Where stories live. Discover now