Chapter 01

42.3K 930 155
                                    

hello po Ate Chin ^^,para po senyo to,ng dahil sa Seducing My Gay Boyfriend nyo na inspired ako hoho LOVE♥

sorry for the typo errors and wrong grammars.

And please read my new gayxgirl story, yung title niya is 'Cover girl (ng baklang brusko)' mage-enjoy kayo promise BWAHAHAHAHAHAH 


___________________________________________________


Misty's POV

Isang simpleng araw na naman para sa estudyanteng kagaya ko,isang panibagong hassle na naman. Hindi pa nga ako nakakapagdesisyon sa gusto ni Tita Stephanie tapos makikidagdag pa sa problema ko ang pagpasok araw-araw sa school.


Napaupo ako sa kama at napaisip sa poging pagmumukha ni Travis Dane. Oh ha! diba alam ko pangalan nya, pagkatapos na pagkatapos ng pag-uusap namin,agad ko syang hinanap sa saang lupalop ni google,twitter at facebook and ayan! Nalaman ko din name nya akalain mo yun,bff ni Mama ang Mommy nya.


"MISTY!! LATE KA NA!!" agad akong napabalikwas ng upo at napatingin sa orasan. Ay naalala ko maaga nga pala ngayon.


Dali-dali akong bumaba at muntikan ng matisod sa hagdan.


"Anak,dahan-dahan." Natatawang paalala ng Nanay ko,napakamot nalang ako ng ulo at umupo na sa hapag kainan, late na'ko diba?! Napatayo agad ako at kinuha ang bag ko,malayo pa naman yung building na pupuntahan ko.


"Kalma ka lang anak,di ka pa late niloloko lang kita." Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Mama,e 7:30 na kaya sa orasan ko e samantalang 7:35 ang pasok,nyeta five minutes late kapag nagkataon. Commute pa naman ako -_-


"7:30 na sa orasan ko ma."  Pagpoprotesta ko,lalabas na sana ako ng pinto nung hinila ako ni Mama pabalik.


"Di mo na naman inayos ang orasan mo ano?" Napaisip ako saglit at saka naalala ang sinabi ni Mama,tsk oo nga,di ko nga pala na-adjust kagabi. Jusko! Lutang na naman ako kagabi. Wala akong nagawa kundi ang umupo sa upuan at kumain ng agahan.


"Anong balak mo sa gusto ng Tita Stephanie mo anak?" Napatigil ako sa pagsubo ng kanin sa tanong ni Mama. Ano nga bang balak ko? Ayoko mag-asawa ng maaga 'no ayoko ding malosyang ng maaga,ayoko din magkaanak  ng wala pa'kong trabaho at ipon.. naniniwala talaga ako na binebenta ako ng nanay ko sa kanila. Ayos lang naman na mag-ulam ng noodles at sardinas araw-araw huwag lang akong ibenta. 


Hindi naman ako choosy sa mga ulam at pagkain eh. 


"Mama,parang ayoko." Nag-aalinlangan kong sabi,napapikit si Mama at napabuntong hininga.


"Alam mo ba kung bakit ako pumayag?" agad na tanong ni Mama dahilan para mapatingin ako sa kanya. Parang ayoko tuloy malaman. Nag-iisip pa'ko kung tatakbo ba'ko o ano pero sa totoo lang,gusto ko rin malaman ang side ng nanay ko.


"Nagkasakit ka sa puso nung baby ka pa,may butas ang puso mo kaya ganun,wala akong pera nung mga panahon na yun dahil pinalayas ako ng Daddy. Nalaman ni Steph ang sitwasyon mo kaya tinulungan nya'ko,nangako ako sa kanya na babayaran ko sya at yun ay nireject nya,magkaibigan kami at binabayaran nya lang daw ang kabaitan ko sa kanya. Nitong mga nakalipas na araw,tumawag sya saken at nagsumamong maipakilala ka sa anak nya para ipakasal,sinabi na rin nya na yun nalang daw ang magiging kabayaran nung perang itinulong nya sa pampagamot mo." Napabuga ako ng tubig dahil sa kwento ni Mama. Halos malunok ko ang buong saging dahil sa revelations nya. So kasalanan ko pa pala talaga kung bakit nangyayari 'to. Dahil sa sakit ko kaya nangyayari ito. 

Seducing My Gay Husband (EDITING)Where stories live. Discover now