CHAPTER 48: PINUNO

707 24 1
                                    

FIERCE POV

Ilang araw na rin ako dito sa bahay nila King.
Tuloy pa rin sa pagtatago kasabay nang patuloy kong pagpapalano sa pagpapabagsak namin kay Jack.
At pag-iimbestiga tungkol kay Zoey lalo na ngayon na hindi pa rin namin nahahanap ang diary nya.
Pagod na ako mentally sa paulit ulit na pag-iisip kung ano ba talaga ang kaugnayan nito sa nakaraan ko?
Kung sino ba talaga si Zoey sa nakaraan ko?
Ano ang mga alam nya o naging papel nya sa delubyo sa buhay ko?
At higit sa lahat sino pa ba ang mga kalaban ko?

Kasalukuyang nakatutok ako ngayon sa smartphone ko na nakakonekta pa rin sa Spy Wall Clock sa Black Jack Gang office.
Tanging isang balisang Jack lang ang nasa opisina ngayon.

"Bakit kaya sya balisa?" usal ko habang nakatutok sa  smartphone ko.

Hanggang sa bigla nalang pumasok sa opisina si Raul at Mateo na balisang balisa din.

"Ano na?" salubong na tanong sa kanila ni Jack.

"Master Jack, hindi ko pa rin nakikita ang diary at batid kong hindi pa rin ito nakikita ni King," usal ni Raul.

Sa sinambit nyang yun nakaramdam ako ng pangamba.
Bakit alam nya ang tungkol sa diary?
Bakit nya ito hinahanap?
Para ba makatulong sa akin o sa amin ni King tulad ng pagtulong nya sa pagpapatakas sa akin.
O baka naman may iba pang dahilan, baka naman may malaki pang sikreto ang nakatago sa diary na iyon.

"Eh si Fierce nakita mo na ba?" usal naman nya kay Mateo.

"Wala kahit sa bahay nila wala sya," sambit ni Mateo.

"Wala na tayong oras na dapat sayangin. Kaya ituloy na natin ang paghahanap sa Diary at kay Fierce. Tara na," balisang usal ni Jack kasabay ng isa isa nilang paglisan sa opisina.

Sa puntong yun pinatay ko na ang smartphone ko.
Sa puntong yun napuno ako ng maraming tanong sa isipan ko.

"Dalawa lang ang maaaring dahilan kung bakit pinahahanap ni Jack ang Diary at ako. Una dahil gusto nya akong tulungan dahil alam kong may pagtingin na sya sa akin. Pangalawa dahil may malaki syang lihim, lihim na konektado sa pagkamatay ni Zoey na batid kong konektado rin sa delubyo sa nakaraan ko," wala sa sariling usal ko.

Sa gitna ng aking pagiisip ay may bigla nalang may kumatok.

"Sunny pwede ba akong pumasok?" boses ni King.

"Yeah," matipid kong usal.

Hanggang sa nagbukas ang pinto at si King na may bitbit na mga papeles ang iniluwal nito.
Umupo sya sa sofa sa harap ko kasabay ng pagpatong nya sa mga papeles sa table sa harap namin.

"Sunny pasensya na pero hindi ko pa rin nakikita ang diary," malungkot na usal nya.

Sa sinambit nyang yun mariin akong umiling sa kanya kasabay mg pagngiti ko sa kanya.

"Wag kang humingi ng pasensya  sa akin dahil hindi mo naman ako obligasyon," usal ko sa kanya.

Hanggang sa tanging tango at ngiti nalang naisukli nya sa akin.

"Pero pangako sa araw ng libing ni Zoey, papasukin ko ang bahay nila upang hanapin ang diary nya," sambit nya

"Mag -iingat ka dahil minamatyagan at sinusundan  nila Jack ang bawat kilos mo," babala ko sa kanya.

Bakas sa mukha nya ang pagtataka sa sinambit ko.

"Paano mo nalaman?" nagtatakang usal nya.

"Basta mag ingat ka nalang," sambit ko sa kanya.

Wala na syang nagawa kung hindi ang tumango nalang sa sinambit ko.
Sa totoo lang hindi ko pa rin sinasabi sa kanya ang lihim na pagiimbestiga at pagmamatyag ko kay Jack .
Hanggang sa inabot nya sa akin ang mga papeles na bitbit nya.
At isa isa ko naman itong sinuri.

THE RAPIST ( Not A Love Story)Where stories live. Discover now