CHAPTER 52: LOVE AND LIES

849 34 1
                                    

FIERCE POV

Marahan kong iminulat ang aking mga mata, inilibot ko ang aking paningin hanggang sa mapagtanto kong nasa hospital ako.
Bahagya akong umupo mula sa aking pagkakahiga, medyo masama ang aking pakiramdam at nanakit ang aking ulo.
Hanggang sa may bigla nalang pumasok sa loob ng aking kwarto at ito ay sila Mr and Mrs. Soberano.
Isang napakandang ngiti ang salubong nila sa akin kasabay ng marahan nilang paglapit sa akin.
Umupo sa kama ko sa harap ko si Mrs. Soberano, samantalang si Mr. Soberano ay umupo, sa upuan sa right side ng kama ko.

"Bakit?" nagtatakang usal ko kay Mrs. Soberano.

Marahan niyang hinaplos ang kamay ko kasabay ng napakaamong titig sa akin.

"Patawarin mo ko, ngayon naniniwala na akong hindi mo pinatay ang anak ko kaya inurong ko na ang kaso laban sayo," emosyonal na usal niya.

Kusang napatulo ang mga luha ko at napakagat sa aking labi.
Nagbalik ang bangungot na nangyari kagabi.
Akala ko panaganip lang, akala ko isang napakasamang panaginip lang yun.
Pero totoo pala, totoo pala.

"Pinabasa sa akin ng Ina ni King yung kapirasong papel, dahil batid nilang sa diary ni Zoey nanggaling yun. Dalawang dahilan kung bakit masasabi kong inosente ka. Una yung the way na pagsulat dun sa papel, bilang isang ina, ako yung unang nagturo kay Zoey kung paano ba ang pagsusulat. Hindi man kasi close pero  kilalang kilala ko na yung sulat niya. Nababalot man dugo at gusot yung papel pero alam ko at ramdam ko na kay Zoey nga iyon," emosyonal na kwento niya.

Naalala ko muli yung kapirasong papel.
Naalala ko muli yung mga salitang nakalathala dun na dumurog at nagpatigil sa mundo ko.

"Pangalawa dahil batid ko na biktima ka, nalaman ko yung nakaraan mo na naghahanap ka rin ng hustisya. Alam ko na hinding hindi mo ipagkakait sa iba ang hustisya dahil ikaw mismo ay minsang ng pinagkaitan nito," emosyonal pa ring usal niya.

Sa puntong yun, halos manlumo ako.
Hindi ko  pa rin matanggap na totoo lahat yun .
Ayokong paniwalaan at ayokong tanggapin.
Ang katotohanang namatay si King nang dahil sa akin.
Naalam na nilang lahat  ng buong BST University na nagahasa ako.
At yung pinakamasakit yun yung nalaman kong si Supremo ang rapist ko.

Sa puntong yun napahagulgol ako hanggang sa mabilis naman akong niyakap ni Mrs. Soberano.

"Magpakatatag ka Iha huh, wag kang manghina, wag kang gumaya kay Zoey dapat lumaban kalang huh," usal ni Mrs. Soberano kasabay ng paghagod niya sa likod ko.

Matapos ang ilang sandali ay nagbitaw na rin kami sa aming yakapan.

"Iha nandito lang kami, kung kailangan mo ng tulong wag kang magdadalawang isip na lumapit sa amin," bilin naman ni Mr. Soberano.

Tanging tango nalang ang naisagot ko sa kanila.
Ang dami daming naglalaro at tumatakbo sa isipan.
Ang dami daming emosyon ang dumadaloy dito sa puso ko.

"Sige na aalis na kami dahil may bisita ka pa," paalam ni Mrs. Soberano.

Hanggang sa tuluyan na nga silang lumabas sa kwarto ko at bigla namang pumasok si Red.
Animoy mas lumalala ang sitwasyon ngayon ni Red, animoy napababayaan niya na ang sarili niya.

"Nasaan si King?" usal ko sa kanya.

Ngunit tulala lang siya habang nakatitig sa akin.
Tumayo ako at lumapit sa kanya hanggang sa magkaharapan na kami ngunit tulala pa rin siya.

"Di ba nabuhay si King huh diba? pagsusumamo ko sa kanya kasabay ng pagyugyog ko sa katawan niya.

Inaamin ko na ayoko pa ring tanggapin na patay na si King.
Kaya umaasa pa rin akong may himalang nangyari.

THE RAPIST ( Not A Love Story)Where stories live. Discover now