Chapter 34

4.7K 120 7
                                    

"Violet, please pakidalian sa pagbibihis. Me-make-upan pa kita!"

Inayos ko yung damit ko at naka-pout na lumabas. Lumapit ako kay Wesley.

"Mare, kamusta naman? Bakit kasi ganito yung damit? T^T"

Hinila niya ako at pinaupo sa stool. Sinimulan niya ng kulutin yung buhok ko.

"Kasi, ang kasama mo rito sa event na to e si Katrina! E napaka-liberated nun! Dapat pantay ang kagandahan niyo!"

"Maganda na ako kahit di ako magsuot ng ganito! Tsaka, mas gusto ko maging simple."

"Ikaw. Yun ang gusto mo. Pero si Bossing, gusto ng matured Violet, okay? Wag ka ng mainis dyan."

Di na lang ako nagsalita. Siya na rin yung nag make up sa akin. Nasa Grand Royal kami. Launching ng bagong model ng isang brand ng phone at kami ni Katrina yung napiling product endorser.

Pagkatapos niya akong make-upan, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Buu. Mukha na akong woman. =_=

"Oh! Maganda nga, honey. Nakakalaglag panga ka na! Tayo dali!"

Tumayo ako at inayos yung body-fitting violet dress ko na hanggang mid thigh ko lang. Halter straps siya na natatali sa likod at klarong klaro ang likod ko. Nagsshine pa talaga ang tela neto. Ghed. Hindi ko take ang suot ko! Masyadong revealing!

Kinuha ni Wesley yung clutch bag ko at naglakad kami papunta sa isang function room kung saan gaganapin yung event.

Pagkadating namin dun, may mga reporters na at may ilang kausap si Bossing na mukhang bigatin.

"Mr. Chase," bati ni Wesley. Echosera to.

"Oh, Wesley, Violet."

"Hi, sir."

Pinakilala niya ako sa mga kausap niya. Mga may ari pala to ng isang television network. Chika lang kami dun at puro puri naman sila. Tho alam naman nating lahat, labas sa ilong yun.

Biglang napatingin yung mga tao sa entrance. Dumating na pala si Katrina. Agaw atensyon agad. Akala ko super revealing na ng suot ko. May mas revealing pa pala.

"Akala mo kung sinong dyosa. Kung maka-flick ng hair ah!"

Napatingin na lang ako kay Wesley at pinanlakihan siya ng mata. May galit kasi siya kay Katrina dahil inagawan DAW siya ng boypren. Weh talaga. Wahaha.

Nung kumpleto na kami, pumunta na sa designated seat namin tapos nagsimula na yung event.

***

Pagkatapos ng event, kanya-kanyang mga reporters na ang nakabuntot. Wala na akong care dun e kasi di naman ako celebrity kaso bigla namang may mga humingi ng interview. Sosyal! :D

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateWhere stories live. Discover now