Chapter 49

4K 106 2
                                    

Nung bata pa ako, tipong kakapasok lang ng kinder, gustong-gusto ko pag umuulan. Pinapayagan pa kasi kami ni Mama nun na maligo sa ulan since di pa naman masyadong polluted ang Pilipinas noon. Masaya yun, ramdam mo ang pagiging 'bata'. Pero habang lumalaki ako, unti-unti, I started hating the rain...

Ayoko kasing nababasa ng ulan. Kahit kasi na nakapayong na ako, ulo ko lang naman ang hindi nababasa. Minsan, yung sapatos at palda ng uniporme ko, basang-basa. Tapos bigla-bigla na lang uulan kapag di ako nagdadala ng payong. Maingay din ang ulan at mas nakakainis eh kapag umuulan, ang lungkot. Ayokong nalulungkot...

Pero ngayon... Ngayon ko na lang ulit na-appreciate ang ulan. Ngayon na lang ulit ako nagpasalamat na umulan.

"Vee?"

Napalingon ako. Nakita ko si Ate Lenny na pumasok sa kwarto ko at may dala-dalang food tray. Inilapag niya yun dun sa mesa ko na kaharap ng tv.

"Kain ka na."

"Mamaya na po. Salamat, ate." ibinalik ko ang tingin ko sa labas. Narinig kong nag-'click' yung pinto.

Isinandal ko yung ulo ko sa glass wall ko at umayos ng upo sa sahig. Mula rito, kita ko kung gaano kabasa sa labas. Basa na rin yung veranda dito sa kwarto ko. Nakikita ko yung mga patak ng ulan sa glass ng table at sa mga chairs sa labas.

Friday ngayon. Suspended ang mga klase dahil signal number one kaya hindi rin ako nagreport sa school. Buti na lang talaga at ganun dahil hindi ko rin naman alam kung paano haharap sa mga estudyante ko.

Tinawagan ko na rin kanina si Ate Renz. Sinabi ko lang na di muna ako papasok ng Essence at siya muna pumalit sa pwesto ko. Pumayag naman siya at di na nagtanong. Feeling ko naman alam niya na yung nangyari.

Sinusubukan akong tawagan nina Danna pero hindi na ako pumayag makipag-usap. Magpapalipas muna ako ng sama ng loob. Pero for sure, one of these days, kailangan ko ng harapin sila. Pag umuwi si Alessandro, kukulitin nanaman ako nun.

"Violet."

Napa-sigh ako at napalingon. Nakita ko si Mama na nakaupo sa paanan ng kama ko. Malayo-layo ako sa kanya.

"Kumain ka na nga. Kagabi hindi ka rin kumain."

"Busog po ako kagabi."

"Busog sa pag-inom ng beer? Nakita ng kuya mo ang mga lata ng beer sa kotse mo kagabi. Buti na lang at di nalaman ng Daddy mo."

Hindi ko na lang pinansin si Mama. Ayokong marinig ang sermon niya. That's the last thing I wanna hear right now.

"Nakatulog ka ba?"

Hindi. Magang-maga na nga ang mga mata ko at bumabagsak na pero hindi pa rin ako makatulog kagabi.

"Ano ba kasing nangyari? Don't tell me wala dahil alam kong meron. Mother's instinct."

The Temporary Girlfriend Book II: Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon