Ch. 58 ~ Eighteen

3.4K 93 1
                                    

~Maya's Point Of View~

Pinagmasdan ko nang maigi ang aking paligid. Puno ng mga christmas lights na nagsisilbing ilaw at ang makaagaw atensyon na crustal chandelier sa gitna. Parang fairytale lang.

Hindi rin ako makapaniwala na sarili kong birthday nalimutan ko pa. Hay, kung ano-ano pa nga naman yung iniisip ko kanina. Eto kaya yung sinasabi ni bestie na pasasalamatan ko siya?

Matapos ng introduksyon na ibinigay ni dad, sakin na naman napunta ang kanilang atensyon dahil inaasahan nila akong magbigay ng speech. E kung sabihin ko kayang I'm not ready?

"Good evening po sa inyong lahat. Thank you very much for celebrating this wonderful day with me. As I step out of this building, I would have a future to achieve. My dreams with all my loved ones which I want to reach. I'm officially eighteen and how stressing would that be? Growing everyday?" Pabirong sinabi ko. Nagsitawanan naman yung guests.

"But I know I wouldn't face life alone. I have my dad, my friends and the person I love the most. Wherever you are now, get down here so I could give you a big bear hug," sabi ko.

"Awww..." Yan ang reaction ng mga tao.

Si dad naman, since di ko pa nga pala nasasabi sa kaniya, binigyan niya ko ng marami-kang-ik'kwento-sakin look.

"Good evening and please enjoy the night," sabi ko.

Nagkaroon ng masigabong palakpakan mula sa madla. Its time to meet and greet people now.

Dumaan kami sa unang table na may mga chinita at chinito. Isa siguro sila sa mga investor ni dad sa companya.

Natapos rin yung mahabang meet and greet na yun. Almost 20 tables yung napuntahan namin. Grabe ah? Nakakapagod pala! Ang sakit na nga mukha ko sa kaka ngiti.

Meron kaming nadaanang table ng isa sa client ni dad. Well, actually si dad yung naghandle sa mismong pamilya habang kinakausap ako nung bonatang lalaki kanina.

"Hi miss, Maya right? Happy Birthday," bati niya.

"Yes and thank you," ayoko namang maging rude kasi bisita ko pa rin naman siya eh.

"Alam mo Maya, sayang naunahan na ko ng boyfriend mo," sabi niya bigla.

Hindi ko naman inaasahan yun kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Huh?"

"Bagay na bagay tayo, tsaka, mukhang magkasundo naman mga dad natin," sabi niya saby turo kila dad.

Oh e ano connect? Gusto ko sanang itanong kaso nagtira pa ko ng kaunting respeto para sa kaniya.

Argh! Panira naman ng mood yun. He's hitting on me kahit in-announce ko na may boyfriend na ko. Ang feeling niya naman na papatol ako sa kaniya. Pwes! Loyal ako sa boyfriend noh.

"Miss Maya right?" Tanong ng isang babae sakin.

"Yes po," I said.

"This way po ma'am, you need to change to your second outfit," sabi niya.

Sinundad ko siya sa isang malaking kwarto. May tatlong damit na mukhang isusuot ko rin mamaya.

From the fairytale princess look, naging medyo dark yung theme. Black dress but lighter makeup. Change of shoes din, basta a whole new outfit na naman ang suot ko.

Bumalik ako dun sa party. Anyway, para sakin naman daw talaga to.

Una kong hinanap sila Cara na nag-uusap sa table.

"Bestie, thank you so much sa pag p'plano ng lahat ng to!" Sabi ko habang mahigpit na yinayakap ko siya.

"Uhm...naging part lang ako ng planning pero hindi talaga ako ang may gawa nito," amin niya.

Love Is Worth Waiting For (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon