Tamara
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na agad ako sa SK Cafe. Di naman nagyayaya ngayon si Changbin eh. Bahala sya. Ng makarating ako dun ay akala ko makikita ko na si Jisung na nakatayo sa may counter kung san sya laging nakatayo pero nagtaka ako ng makita kong wala pa sya dun. Siguro papunta palang sya. Sabay naman ata yung dismissal time namin eh.
Habang inaantay sya ay naupo muna ako sa lagi kong pwinipwestuhan at nag-order na rin ako ng caramel macchiato.
Maya-maya ay dumating na rin sya na medyo hinihingal pa. Tinawag ko sya at agad naman syang napatingin sa direksyon ko. Lalapitan na nya sana ako eh kaso may biglang humarang sa kanyang isang matandang lalaki na sa tingin ko yung boss nya. Di ko naman marinig yung sinasabi nung matandang lalaki kay Jisung. Bukod sa malayo ako sa kanila ay medyo maingay rin dito sa loob ng cafe. Nakita kong napabuntong hininga si Jisung at tumango-tango tsaka naglakad papunta sa counter. Hmmm, anyare kaya?
...
"Psst."
Agad ako napatingala at nakita si Jisung na may suot na itim na apron at may hawak na tray.
"May shift ka pala eh bakit mo pa ako pinapunta dito?"
Tanong ko sa kanya.
"B-basta. Hintayin mo lang ako hanggang sa matapos tong shift ko."
"Ano?!"
Sabi ko at di nya ako pinansin at naglakad na palayo. Bwisit sya. Kanina pa akong alas kuwatro nandito eh malapit ng mag ala sais. Liek inaantok na ako gusto ko ng matulog.
Wala na rin akong ibang nagawa kundi hintayin nalang sya hanggang sa matapos yung shift nya. Which is at exactly 9:00pm. So yun, ilang oras na akong nakaupo dito at dalawang beses na ako umorder ng caramel macchiato at di pa ako kumakain. Nagtext sa akin si Mama kung bakit di pa daw ako umuuwi eh sinabi ko nalang na may tinatapos kaming assignment at magpapahatid nalang ako sa kaklase ko. Wow ha. And she just said "okay". Maya-maya ay lumapit na sa akin si Jisung.
"Hey."
"Anong hey? Alam mo bang ang sakit na ng pwet ko dahil ilang oras na akong nakaupo dito, ha? At alam mo bang kumukulog na tong tyan ko dahil di pa ako kumakain hanggang ngayon!"
Reklamo ko sa kanya.
"Edi tara kumain tayo. Di pa rin naman ako kumakain eh."
Sabi nya at nauna ng naglakad. Anudaw?? Tinawag nya ako at agad ko kinuha gamit ko at sumunod sa kanya.
"Saan tayo kakain? May bukas pa ba na kainan ng gantong oras, ha?"
"Basta, manahimik ka nalang pwede ba? Ang daldal mo."
Sabi nya at tinignan ko sya ng masama. Pinapunta mo ako sa cafe na yun deputa ka tapos pinaghintay mo ako ng ilang oras dun tapos sasabihin mo pa sa akin na ang daldal ko?! Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod ulit sa kanya.
...
Inabot kami ng ilang minuto kakalakad at kakahanap ng makakain. Pero buti nalang may nahanap kami na bukas pa at medyo onti lang ang tao. Siguro nasa tatlo lang. Syempre pumayag nalang rin ako na dito kumain since gutom na gutom na talaga ako. At di naman ako maarte liek duh.
"Libre mo ba, ha?"
Tanong ko kay Jisung.
"Anong libre ka dyan? Sariling pera oy."
"Hala! Wala akong---"
"De joke lang libre ko."
Sabi nya at dahil sa inis ay hinampas ko yung braso nya. At sya naman tumawa na parang baliw, na parang sinasapian. Pasalamat syang onti lang yung tao na andito kaya di naman masyado nakakahiya.
"Ano po order nyo iha at iho?"
Tanong nung isang ale sa amin. Umorder nalang ako ng una kong makita at di ko alam kung bakit inorder rin ni Jisung yung inorder ko. Luh gaya-gaya
Pagkaserve ng order namin ay sinimulan na agad namin kumain.
"Ang takaw mo naman. Akala mo isang buwan kang di kumain eh."
Sabi ni Jisung habang nandidiri pa. Hala sya amg arte nya naman.
"Eh ang tagal mo eh malamang gugutumin ako. Bai ka ba?"
Sabi ko at napa "tsk" nalang sya. Pagkatapos namin kumain ay binayaran nya na iyon at naglakad na kami pauwi.
"Alam mo di mo na ako kailangan ihatid pa."
Sabi ko.
"Alam mo manahimik ka nalang."
Sabi nya ng di tumitingin sa akin. Tss.
"Oo nga pala, bat mo nga pala ako pinapunta dun sa SK Cafe?"
"W-wala lang. Kailangan ba lahat may dahilan?"
"Aba syempre."
Sabi ko at sinadya nyang banggain yung balikat ko at naunang naglakad sa akin. Napailing-iling nalang ako at naglakad sa likod nya. Pinagmamasdan ko lamang ang kanyang likod hanggang sa mapatingin ako sa braso nya, yung braso nyang nasaksak ng kutsilyo nun. Di ko mapigilan sarili kong itanong iyon.
"Jisung, ok na ba yung braso mo?"
Tanong ko at agad naman sya napahawak sa braso nyang yun. Tumigil sya sa paglalakad kaya pati ako ay napatigil din. Bigla na lamang humangin kaya di ko tuloy maiwasan kabahan.
"S-sorry kung natanong ko. G-gusto ko lang malaman.."
Sabi ko at hanggang ngayon di pa rin sya humaharap sa amin at parehas pa rin kaming nakatigil. Maya-maya ay may narinig akong malakas na busina galing sa likod ko. Paglingon ko ay meron akong nakitang isang motor na sobrang bilis ng takbo at papalapit na sa akin. Di agad ako nakagalaw at akala ko masasagasan ako ng motor na yun pero bigla nalang akong hinawakan ni Jisung sa bewang ko at hinila ako papunta sa gilid. Sa mga oras na yon ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dahan-dahan akong napatingin sa kamay ni Jisung na nakabalot sa bewang ko. FUUUUUCCKKKK!
"umm..Jisung.."
Sabi ko at agad naman nyang tinanggal yung kamay nya sa bewang ko. Humarap ako sa kanya at umiwas naman sya ng tingin sa akin. Napansin ko rin na medyo namumutla sya.
"S-salamat nga pala.."
Sabi ko pero di sya kumibo. Anong nangyayari sa kanya?
"Umm Jisung, o-ok ka lang?"
"Tara na, ihahatid pa kita."
Sabi nya at nauna nanaman naglakad. Napahinga nalang ako ng malalim at sumunod nalang ulit sa kanya...
...
an: sorry kung medyo corny af ahahah
BINABASA MO ANG
COFFEE BOY.
Random❝ Hi, welcome to SK Cafe. May I take your order? ❞ ❝ Isa ngang caramel macchiat--- ❞ At tumigil ang mundo ng mapatingin ang dalawa sa isa't-isa. ❝ IKAW?! ❞ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #2